Easton point of viewPareho kaming hindi nakaimek at tila nag iwasan matapos magdampi ang aming mga labi.
Walang nakaimek samin ng ilan minuto, at nanatiling nakatingin sa labas ng bahay habang malakas padin ang pag ulan.
"Pumapayag na 'ko"
Umangat ang kan'yang tingin sa 'kin, napabaling din ang aking tingin sakan'ya. Kahit pa ay dumidilim na ay kita ko padin ang kan'yang bilugan na mga mata.
Ang kan'yang ilong, labi at pisnge.
"Pinapayagan na kitang magpaka ina kay Scarlet, ngunit hindi mo pweding sabihin ang totoo kung sino ka para sakan'ya. "
Napangiti siya habang kumikislap sa saya ang mga mata.
"Ayokong masaktan si Scarlet. "
"Bukod don ay, maayos kaming dalawa bago kapa dumating at bumalik Kia, kung totoo ngang nagkasakit ka ay ituturin ko 'yon na rason, ngunit hindi padin valid na iwan kami kaya tayong dalawa ay mananatiling ganito... Wala na"napaiwas siya ng tingin at alam kong nagpunas siya ng kan'yang pisnge.
"Naiintindihan ko E-easton, Salamat. "
Ilan saglit ay unti-unti ng humihinto ang pagpatak ng ulan, at napagtanto kong mag aala said na ng gabi.
"Kaya mo bang maglakad o gusto mong ipasan na lang kita sa likod ko?"tanong ko ng tumayo at iayos ang sarili.
"Kaya ko"
Inalalayan ko siya ngunit nahihirapan s'yang tumayo kung kaya't.
Umupo ako sakan'yang harapan at tinapik ang aking balikat.
"Sakay"
"P-pero
"Malayo layo pa, at baka muling bumagsak ang ulan kapag hindi tayo nagmadali." hindi na siya nakasagot pa at naramdaman ko nalang ang kan'yang init sa 'king likod.
Mukhang inaapoy nanaman ito ng lagnat buhat ng naulanan at nabasa kami ngayon, at dahil din sa kan'yang pilay sa paa.
Naramdaman ko ang kan'yang braso sa 'king lieg na mahigpit ang pagkakayakap kung kaya.
"H-hindi ako makahinga Kia. "nagulat s'yang niluwagan ang braso sa 'king lieg.
Tumayo na 'ko at nilisan ang abandonadong bata, dahil hindi ko na matiis pa ang naririnig na tawanan ng mga bata sa pangalawang palapag ng bahay.
At hindi ko alam kung ako nga lang ba nakakarinig non.
Naglakad ako sa basang lupa at damo pabalik ng bahay ampunan, wala kaming naging pag uusap ngunit ramdam na ramdam ko ang kan'yang mainit na pag hinga sa 'king tenga.
Ngunit mas pinili ko nalang na wag pansinin ang kung anong nagkukumawala sa 'king pagkatao dahil sa tumatamang mainit na paghinga niya sa king tenga.
Palapit palang ay nakita ko na si madre Cecilia kasama ng isang batang babae na hawak ang flashlights.
Si monay.
"Sister nand'yan na po sila!"
Napatingin sila sa amin na medyo basa dahil sa pag ulan kanina, at kay Kia na buhat ko sa 'king likod.
"Saan kayo nanggaling? Nag alala ako sainyong dalawa dahil batid kong hindi naman kayo umalis dahil nandito ang kotse?"
Tumikhim muna ako bago sumagot.
"Galing kami sa Lagoon Sister at inabutan ng malakas na pag ulan" mahina kong sagot.
"Paki gamot ng kan'yang paa" dagdag ko kaya napatingin sila sa paa ni Kia.
BINABASA MO ANG
MAID OF BILLIONAIRE EX BOYFRIEND
RandomMag-isang pinalaki ni Easton ang kan'yang anak matapos s'yang iwanan at ipagpalit ng babaeng mahal niya. At paglipas ng pitong taon ay nagpakita ito kung kailan success na siya sa buhay at malaki na ang kanilang anak.