FINALE / SPECIAL CHAPTER

97 8 1
                                    

MAID OF BILLIONAIRE EX BOYFRIEND

FINALE

Tulala kong pinagmasdan ang baso ng alak na wala ng laman kundi ang yelo, umangat ang tingin ko sa babaeng nasa harapan ko bitbit ang bata.

"Kung gusto mo Sandra ay umalis ka kasama ng bata, o 'di kaya'y iwan mo nalang kay manang kung gusto mong pumarty kasama ng mga kaibigan mo."

"Hindi ko iiwan ang bata, uuwi na lang kami sa bahay ng Daddy." maga ang mga mata n'yang tumalikod para lisanin ang bahay.

Napayuko ako upang don humikbe.

Isang taon na ang nakakalipas simula ng ikasal ako kay Sandra, ngunit hanggang ngayon ay nasasaktan padin ako. At hinding hindi ko matatanggap at mapapatawad ang sarili ko.

Simula ng mabasa ko ang sulat ng nanay ni Kia ay huli na dahil kasal na 'ko kay Sandra, pinuntahan ko si Tyler sa tagaytay kung saan niya dinala si Kia noon lara itago ngunit huli na dahil.

"May dalawang linggo ng wala si Kia, ano pang ginagawa mo dito Easton." nagkalat ang bote ng beer sa sahig ng dumating ako.

Gulo ang buhok ni Tyler habang makalat sa buong kabahayan.

"Hindi bat, sinabi mo na kahit sabihin ko sa 'yong malapit ng mamatay si Kia ay wala kang paki kaya anong ginagawa mo dito?"Masamang luob niya na sabi.

Yumuko ako upang hatakin siya sa kwelyo.

"Wag ka ng magsinungaling Tyler! Sabihin mo kung nasaan si Kia dahil gusto ko s'yang makausap. "nanginginig ang braso kong hawak siya sa kwelyo kaya natawa siya ng sarkastiko.

"Wala na si Kia. "

"Noong gabing galing kayo sa parke kasama ng anak niyo, h-hindi na siya g-gumising pa Easton. "Humihikbe n'yang sabi kaya nabitawan ko siya dahil sa panghihina ng tuhod ko.

Napapailing ako at hindi kayang maniwala.

"Sinabi ko na sa 'yong may sakit si Kia Easton pero hindi ka naniwala, buhay pa sana siya kung naniwala ka edi sana... Nagpagamot si Kia."

"Kung gusto mong maniwala ay ikaw mismo ang tumunton ng katotohanan, hindi ba at matigas naman 'yang utak mo at ayaw tumanggap ng paliwanag at katotohanan? Pwes huli ka na kaya umalis kana!"Tumayo siya upang hatakin ako patayo at kaladkarin palabas ng kan'yang bahay.

At wala akong nagawa.

Pumunta ako ng bataan at don ko nakita ang kan'yang lapita katabi ng lapita ni aling marites na nanay ni Kia, sa di kalayuan naman ay puntod ng totoong ama ni Kia.

Napayuko ako habang lumuluha, nagsusumigaw ako dahil sa sakit at pagsisisi dahil sa huli na 'ko.

At hindi ko kayang tanggapin ang katotohanan na huli na 'ko.

Inabot na 'ko ng pagdilim at kinabukasan sa pag iyak sa harap ng kan'yang puntog, napapikit ako ng tumama ang matinding sikat ng araw sa 'king magang mga mata.

Natakpan ng lilim ang sinag ng araw kaya idinilat ko ang mahapdi kong mga mata, napatitig ako sakan'ya ng makita ko siya. Muling tumulo ang mga luha ko ng ngumiti siya sa 'kin.

"Kanina kapa namin hinahanap nandito kalang pala." nagbago ang paligid, napabangon ako at sinunggaban siya ng yakap.

Humihikbe akong nakayakap sakan'ya, at mas napahikbe ng maramdaman ko ang kan'yang palad sa 'king dibdib.

"Tahan na."

"Wag ka ng umiyak Pitoy, wag mo ng sisihin ang sarili mo." humigpit ang pagkakayakap ko sakaniya at ayaw na s'yang bitawan at pakawalan pa.

MAID OF BILLIONAIRE EX BOYFRIEND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon