MAID OF BILLIONAIRE EX BOYFRIEND
CHAPTER20
Tyler point of view
Paulit ulit na nagring ang cellphone ko dahil sa paulit ulit na missed called ni Zach, pati nadin si Easton.
Ngunit wala ni isa sakanila ang sinagot ko.
Nang puntahan ko si Kia sa kan'yang condo ay mugto ang kan'yang mga mata dahil sa labis na pag-iyak, at hindi ko alam kung bakit.
Basta ang gusto niya lang ay, dalhin ko siya sa malayo.
At iyon ang ginawa ko, gusto ko s'yang protektahan hanggat kaya ko. Gusto ko s'yang ingatan.
Gusto ko pa sana s'yang ibalik sa america para maipagpatuloy ang pagpapagamot ngunit nirerespeto ko nalang ang desisyon niya.
Naghanap ako ng rest house sa tagaytay para itago si Kia kay Zach, siya ang may kasalanan kung bakit mas lalong lumalim ang galit ni Easton kay Kia.
Sa masamang plano nila ni Sandra.
Tanghaling tapat ngunit makulimlim at malakas ang hangin, natanaw ko si Kia na nakaupo lang habang nakatanaw sa malakas na alon ng dagat.
Sa mga araw na nagdaan ay ayaw n'yang kumain dahil wala itong gana, at nararamdaman kong gusto niya ng wakasan ang buhay. Pero ayoko pang mangyari 'yon kaya pinagluluto ko siya ng mga possibleng gusto niya.
Sa mga araw na nagdaan ay hinahayaan ko lang s'yang manahimik at matulog, nag aalala na 'ko sa kalusugan niya dahil nakikita kong bumabalik nanaman ang sakit niya.
Ang pamumutla ng kan'yang balat, ang pagdugo ng kan'yang ilong at ang paglalagas nanaman ng kan'yang buhok na ngayon nalang ulit humaba ay nalalagas naman.
Ang kan'yang lihim na pag iyak na nagpapadurog sa 'king dibdib na makita s'yang ganon, kung pwedi ko nga lang na punasan ang kan'yang luha at kunin lahat ng sakit na nararamdaman niya ay ginawa ko na.
Humakbang ako palapit dala ang malambot na kapirasong kumot, ipinatong ko sakan'yang balikat ang kumot kaya napalingon siya sa 'kin.
Isang buwan na ang nakalipas, at sa isang buwan ay hindi ko siya makausap ng maayos dahil hindi ito umiimek.
"Gusto kong pumasyal ng bataan Tyler."
"Kung iyan ang gusto mo, magbihis kana. Luluwas tayo ng bataan."nakangiti kong sabi.
"Dadalawin ko lang ang puntod ni mama." mahina ang kan'yang boses habang tulala lang sa malawak na karagatan.
"Tyler."
"Hmm?"
"Pwedi bang... H'wag mong itatabi kay nanay ang labi ko." nangirot ang dibdib ko sakan'yang sinabi, tipid s'yang napangiti at tumingin sa 'kin.
"Magagalit siya kapag sinuway ko ang utos niya, bilin niya sa 'kin na kapag hindi ako nagpagaling wag na wag ko daw itatab—
"Kia"
"Kahit hindi na para kay Easton, kahit kay Scarlet nalang.. tatagan mo pa."napangiti siya at napayuko.
"Pagod na 'ko Tyler, pagod na 'kong ilaban 'tong buhay kong nadudugtungan lang ng kaonting panahon pero don padin babagsak"nakangiti s'yang tumingin sa 'kin.
"Maraming taon ang nasayang ko sa pagpapagaling sa America, maraming taon ang nasayang ko na sana nasa tabi ako ng mag ama ko pero hindi padin ako gumagaling Tyler. "paliwanag niya kaya sumakit ang lalamunan ko dahil hindi ko magawang makalunok.
"Kung maibabalik ko lang ang panahon na 'yon ay hindi sana ako umalis, at nanatili sa tabi nila.."
"Pagod na ang katawan ko Tyler, hindi lang katawan ko pati 'to." turo niya sa dibdib niya kaya pumatak ang luha sa mga mata ko.
BINABASA MO ANG
MAID OF BILLIONAIRE EX BOYFRIEND
DiversosMag-isang pinalaki ni Easton ang kan'yang anak matapos s'yang iwanan at ipagpalit ng babaeng mahal niya. At paglipas ng pitong taon ay nagpakita ito kung kailan success na siya sa buhay at malaki na ang kanilang anak.