Easton point of viewNagkaroon ng urgent call si Zach kaya nakisakay na si Kia sa kotse ko, with Sandra.
Kapag napapatingin ako sa rear view mirror ay saktong tumitingin din ito kaya nawawala ang focus ko sa kalsada.
"Bumibilis ang takbo Easton, hindi mo hinintuan ung pedestrian lane kanina mabuti't walang tumatawid." Sandra
"I'm sorry."
"Whats bothering you ba Easton?"tanong niya kaya saglit akong napaiwas ng tingin at nagpakawala ng malalim na hininga.
"Nothing"
Pero ang totoo ay.
"Antayin mo 'ko, susunduin kita sa company ni Easton para ihatid ka pauwi"Zach
"Senyales na ba 'to ng panliligaw Zach?"tumingin lamang ito at hindi nakasagot.
Silent means yes.
Bumalik din sa isipan ko ang iniwan kataga ni Kia.
"Masaya ako para sainyo ni Sandra."
Hahaha masaya? Pwes ako hindi. At hanggang ngayon Kia. Matagal ka ng masaya sa pang iiwan ginawa mo sa amin noon dahil wala kang obligasyon.
Wala kang anak na inintindi at nagpakabuhay dalaga ka noon. Habang iniwan mo sa 'kin mag isa ang responsibilidad na pareho natin ginawa.
Nagustuhan mo naman din ang pangyayari sa library kaya nga paulit ulit natin ginawa. muling nagtama ang mga mata namin sa rear view mirror kaya napairap na lamang ako.
Hinawakan ko ang kamay ni Sandra at nagpatuloy sa pagdadrive hanggang sa company.
Huli na talaga 'to.
Kung masaya siya saamin edi pangangatawanan ko na total ay talaga naman malapit si Scarlet kay Sandra. Hindi na masama kung siya ang maging step mother ng anak ko.
Inabala ko ang sarili ko sa pagtatrabaho at hindi na 'ko nag abalang silipin siya sa CCTV kung ano man ginagawa n'yang kalokohan o pakikipag landian sa ibang lalaki sa area niya.
Simula ngayon wala na 'kong pakialam pa kay Kia, tapos na kami. Oras na para mag move forward kami pareho.
Natanaw ko sa binatana ang pagkulimlim ng ulap kahit alas kwatro pa lamang ng hapon, mukhang nagbabadya ang masamang panahon.
Mabilis kong tinapos ang gawain para makauwi agad, natapos ko nga ito ngunit alas sais na. Dapat sa mga oras na 'to ay nakauwi ko dahil nag aantay ang anak ko.
"Let's go?" Sandra.
Inayos ko ang necktie at ibinulsa ang isang kamay, mula sa ibang floor ay bumukas ang elevator at muli kaming nagkasabay.
Para kaming hindi magkakilala which is, iyon naman talaga ang gusto kong mangyari.
"Matutuwa si Daddy kapag nalaman niya 'to!" aniya ni Sandra habang tahimik lamang ako.
"I will be the best mother for scarlet Easton, na ni minsan hindi nagawa ng walang kwenta n'yang ina. Hinding hindi ko kayo iiwan at papabayaan" mula sa harapan namin ay napayuko si Kia sa narinig.
"Thankyou, Sandra."
"Thankyou Easton sa pagbigay ng chance sa 'kin na mahalin ka, nakakabigla sa tagal kong nag aantay sa 'yo! Napaka worth it talaga ng mahabang paghihintay!" Napatingin ako kay Sandra at muling napatitig.
Bumukas ang elevator at nauna itong lumabas ng elevator.
Kia.
Gusto ko s'yang tawagin ngunit hindi ko ginawa dahil nandyan naman si Zach para sunduin sha.
BINABASA MO ANG
MAID OF BILLIONAIRE EX BOYFRIEND
CasualeMag-isang pinalaki ni Easton ang kan'yang anak matapos s'yang iwanan at ipagpalit ng babaeng mahal niya. At paglipas ng pitong taon ay nagpakita ito kung kailan success na siya sa buhay at malaki na ang kanilang anak.