Chapter19

111 8 1
                                    


Zach point of view

"Saan mo dinala si Kia."

Sinimsim ko ang kape habang nakapamulsa, umangat ang tingin niya sa 'kin.

"Kung saan siya ligtas."

"Sinabi ko na saiyong wag kang makialam Kuya!" napalakas ang boses kaya natawa ito ng sarcastic.

"Gawin mo ang gusto mo at gagawin ko din ang gusto ko." sagot niya kaya inilapag ko ang kape at hinatak siya sa kwelyo na mabilis n'yang sinalag.

"Bumalik kana ng America, ako ng bahala kay Kia."

"Wag mo 'kong utusan Zach, utusan mo ang sarili mo d'yan sa makasarili mong plano at pag iisip."naikuyom ko ang kamao kong nakipagtagisan sakan'ya ng masamang titig.

"Hindi na 'ko magpaparaya pa gaya ng sinabi ko sa 'yo ng gabing nasa bar tayo." siya naman ang namulsa sa 'king harapan kaya naguguluhan ko s'yang tinitigan.

"Hindi kay Easton, pero mas lalong hindi sa 'yo... Zach."

"Poprotektahan ko si Kia hanggang sa huli."huling sabi niya at naglakad palabas ng bahay.

"Aalis kana anak?" tanong ni Mommy ng madaanan niya sa sala. Tumango lamang ito at tuluyan ng umalis ng bahay.

Sa inis ko ay kinuha ko ang cellphones upang tawagan si Sandra, agad niya din naman na sinagot ang tawag.

"Nagawa mo na?"

"Ang ano?"

Napatitig ako sa salamin na bintana ng kwarto sakaniyang isinagot.

"Nagchat ako sa 'yo kagabi Cass!" inend niya ang call at maya maya ay siya na ang tumawag.

"H-hindi ko alam! Masakit ang puson ko dahil magkakaroon ako kaya maaga akong nagpahinga kagabi." malalim na paghinga ang pinakawalan ko sakan'yang sinabi.

"Nasayang ang plano."

"Nandon si Easton sa condo ni Kuya Tyler."

"T-talaga? Teka magbibihis lang ako."

Tatangkain kopang magsalita para sabihin sakan'yang wag ng pumunta pero inend niya na ang tawag, nasasabunutan ko tuloy ang sarili dahil sa pagkasira ng araw ko.

EASTON POINT OF VIEW

Nagising ako dahil malambot na labing dumadampi sa aking pisnge, medyo nahihilo at nasusuka pa 'ko kaya naghinay hinay ako sa pagdilat ng mga mata.

Naaninagan ko ang babaeng nakatayo sa 'kin harapan matapos ko s'yang gawan ng kahal*yan kagabi ngunit andito padin siya at

"Nagluto ako ng breakfast para sa hang over mo Easton." pinikit ko ang mga mata kasabay ng pagkirot ng aking ulo at muling dumilat.

"S-sandra?"

Malinaw ko s'yang nakikita sa 'king harapan habang nasa side table ang kan'yang nilutong mainit na sabaw para sa 'kin.

"Anong problema Easton? Alam kong masakit ang ulo mo dahil sa hang over kaya nga pinagluto kita." Medyo naiilang s'yang napangiti.

Napatingin ako sakan'yang braso na may pasa, at mayroon din sa kanyang legs dahil nakasuot lamang ito ng pambahay.

Napapailing akong inisip mabuti ang gabi kung saan pwersahan kong ginawan ng kah*layan si Kia dahil sa bugso ng damdamin na hindi ko na napigilan.

"Easton."

Hindi ko siya pinakinggan halos iuntog ko na ang ulo ko sa pader para lang mas isipin mabuti ang nangyari kagabi.

Ng idilat ko ang mga mata ay direkta akong tumitig sakan'ya.

MAID OF BILLIONAIRE EX BOYFRIEND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon