Easton point of viewNiluwagan ko ang necktie ng makalabas ako ng kotse ko, alas dose na ng gabi kaya tulog na ang mga tao.
Bukas ang ilaw sa garden ngunit patay na ang ilaw sa luob ng buong bahay.
Bitbit ang brief case ay naglakad ako papasok ng mansyon, pagod at gusto ko ng mahiga dahil sa maghapon trabaho ngunit naalala ko pa ang scenario kanina.
Hahakbang palang sana ako ng hagdan ng matigilan ako, kusang gumalaw ang mga paa ko upang buksan ang kwarto kung saan nanunuluyan si Kia.
Hindi ko maintindihan ang sarili dahil sa pagbabantay sa bawat kilos o galaw niya sa labas ng bahay.
Natagpuan ko itong mahimbing na natutulog katabi ng maliwanag na lampshade.
Nanghihina ang mga tuhod kong napaluhod sa harap ng kan'yang kama.
Pinigilan ko ang sariling hilahin ang kan'yang kumot para siya'y kumutan, naibaba ko ang kamay at napatingin sakan'yang kabuuan.
Napatitig ako sakan'yang tuhod na may galos dahil sa pagkakadapa niya kanina paglabas ng aking office.
Sa halip ay kinuha ko nalang ang kumot upang siya'y kumutan.
Naikuyom ko ang nuo at saglit na napapikit.
"Bakit ngayon kapa bumalik kung kailan ayos na ang lahat kia?" Mahina kong kausap sakaniya.
Lumaki si scarlet ng wala siya, at ngayon babalik siya na parang walang nangyari?
Kinaya at tiniis kong lahat.Matagal ko s'yang pinagmasdan bago tumayo.
Baka kailangan ko ng... Kalimutan ang masalimuot na nakaraan para sa kinabukasan?
Baka kailangan ko ng.. kalimutan iyon upang magkaroon ng panibagong buhay?
Nakamove on na 'ko.
Alam ko.
Pero bakit hanggang ngayon wala padin? Bakit hanggang ngayon nanatili akong mag isa kasama ang anak ko? Pero required ba talaga na may tumayong ina para sa anak ko?
Natural ay oo easton.
Lumalaki na si scarlet at ayokong...
Lumaki s'yang hindi kompleto, oo ngat nandito ako na tumatayong ama para sakaniya ngunit balang araw ay mapapatanong din ito sa sarili na 'bakit hindi buo ang pamilyang kinalakihan ko? '
Mga tanong sakanyang isip na hanggang ngayon ay hindi ko kayang ipaliwanag.
Siguro nga ito na ang tamang panahon easton.
Muli akong napatitig sa mahimbing na natutulog na si kia.
Pangako, bibigyan ko ng masayang pamilya ang anak natin.
Na hindi mo naibigay kia.
Tumalikod ako at sumulyap sakaniya saglit.
Nakamove on na 'ko kaya hindi na 'ko maapektuhan pa sakaniya ngayon.
Sisimulan ko ang mga araw na hindi na ikaw... Kia.
At kung bumalik man ang ala-ala mo ay wala na 'kong magagawa o paki-alam pa.
Ni hindi ko na magawa pang magpalit at maligo dahil dinalaw na 'ko ng antok pagkahiga ko.
Kinaumagahan ay maaga akong gumising at maagang nagprepair para sa pagpasok kinabukasan.
Hindi pa man ako tuluyan nakakababa ay nadinig ko na ang boses sa nakabukas na pinto na nagmumula sa kwarto ni scarlet.
Napahinto ako ng makita kong nakaupo si Scarlet sa harap ng kan'yang vanity mirror habang sinusuklay ni Kia ang mahaba n'yang buhok upang ipitan.
BINABASA MO ANG
MAID OF BILLIONAIRE EX BOYFRIEND
RandomMag-isang pinalaki ni Easton ang kan'yang anak matapos s'yang iwanan at ipagpalit ng babaeng mahal niya. At paglipas ng pitong taon ay nagpakita ito kung kailan success na siya sa buhay at malaki na ang kanilang anak.