CHAPTER2 : AMNESIA

71 2 0
                                    


Easton point of view

Hindi ko maiwasan magpalakad lakad sa tapat ng kwarto kung saan inilipat si Kia ng magamot nito ang natamong sugat sa kan'yang ulo.

Tinawagan ko na si manang dahil sa nangyari at inaantay ko na lamang itong makarating.

Pinasok ko ang kwarto at napatingin sa walang malay na si Kia, nahilot ko ang tungki ng ilong at napapikit bago magpakawala ng malalim na paghinga.

Hindi porke nakaratay siya sa hospital bed ay mapapawi na lahat ng galit ko sakan'ya ng matagal na panahon dahil hindi ganon 'yon, hinding hindi ko na siya mapapatawad kahit anong gawin niya ay ayoko na s'yang manatili sa buhay namin ng anak ko.

Pinalaki kong mag isa si scarlet kaya ayokong magkaroon siya ng puwang o karapatan sa anak ko, hindi siya pweding basta nalang dadating sa buhay namin para makihati sa attensyon ng anak ko.

Napalaki ko ng maayos si Scarlet ng sa sarili kong sikap at hirap, at wala s'yang ni isang ambag sa buhay ng anak ko. Hindi s'yang pweding tawagin na ina dahil iniwan niya kami.

Naupo ako sa sofa at napatitig sakan'ya.

Wala s'yang pinagbago bukod sa nawala ang teenage features niya dahil nagkaedad na ito, ngunit wala padin pagbabago.

Naalala ko tuloy kung paano kami nagkakilala noon, nasa iisang baranggay lamang kami at nasa iisang school.

Simula ng lumipat ito sa katabing bahay namin at maging magkaklase ay unti kaming nagkalapit, noon ay nakikita ko lamang siya bilang isang simpleng babae o studyante pero noong naging magkapitbahay kami at naging magkaklase ay nagbago ang lahat.

Pakanta kanta itong naglalakad sa harapan ko suot ang kan'yang earphone, patalon talon upang iwasan ang baha sa kalsada. Nakapamulsa lamang akong naglalakad mula sakan'yang likuran bitbit sa kaliwang balikat ko ang itim na bag.

Palaging ganon ang scenario twing umaga at pag uwi dahil walking distance lang naman ang school sa baranggay.

Hindi kami close kahit pa magkapitbahay o magkaklase kami.

Lagi ko din nasasaksihan kung paano magtalo ang nanay at ang step father nito dahil sa bisyo at usapang pera, nakikita ko itong lumalabas ng kanilang bahay suot ang earphone at lihim na umiiyak.

Wala ako sa lugar upang lapitan siya ng mga panahon na 'yon kaya nakikita ko lang s'yang ganon.

Natatandaan ko pa ang unang araw na binalak s'yang pagtripan ng mga kaklase naming mga babae, wala syang kilala o kaibigan sa room dahil sa mahiyain itong babae.

Hindi ko na matiis ang bulungan kaya sinipa ko ang bangko ng nasa unahan kong babae na pasimuno ng pangtitrippings kay kia.

"Ano bang problema mo eastong na anak ng magbabasura?!" inis na baling nito sa 'kin kaya naman tumayo ako upang kunin ang kan'yang bag at buksan.

Nagulat siya ng ikalat ko lahat ng kan'yang gamit sa sahig ngunit walang magawa dahil kilala akong basag ulo sa school noong highschool kami.

Sa unang pagkakataon ay nagtama ang mata naming dalawa at don nag umpisa ang lahat.

Nagkaroon kami ng maikling pag uusap hanggang sa nasundan at naging malapit sa isat isa, 4th year highschool kami noon at malapit ng gumaraduate.

Malakas ang ulan habang pareho kaming nakaupo sa tahimik na library, tag isa kami ng earphone habang nakikinig ng paborito n'yang kanta.

Napatitig ako sakan'ya habang nakapikit lamang ito at nakasandal, wala pa kaming relasyon ngunit klaro ang nararamdaman ko para kay Kia.

Kusang gumalaw ang kamay ko upang sapuhin ng mga palad ko ang kan'yang pisnge, napatitig siya sa 'kin at ganon din ako.

MAID OF BILLIONAIRE EX BOYFRIEND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon