Zach point of viewKanina ko pa siya pinagmamasdan na nagpapakalunod sa alak mula pagkadating niya ng bar.
Nawala na kasi si Kia pagbalik namin ni Kuya dahil sa pag uusap, at wala nadin si Easton.
Dumaan ako dito para uminom ng konti, ngunit hindi ko inaasahan na nandito din si Sandra.
Hindi naman siya party goer na babae, materialistic siguro oo.
Childhood friend kami ni Cassandra, related ang pamilya namin kaya kami sabay na lumaki.
Kapatid ng Step Dad ko ang Daddy ni Sandra, so pinsan niya mga kapatid ko sa Mommy ko.
Bata pa lang kami crush na crush na 'ko ni Sandra, ngunit pagiging pagkaibigan lang ang kaya kong ibigay sakaniya. Hindi ibig sabihin na hindi ko siya gusto ay hindi na siya mahalaga.
Dahil tinurin ko nadin s'yang babaeng kapatid. Kaya nga nong naging kaibigan ko si Easton at napabaling ito sa iba ay sumaya ako dahil hindi na 'to masasaktan pa sa 'kin.
Ngunit kabaliktaran dahil hindi din naman siya gusto ni Easton, bakit kasi nagkakagusto ka sa lalaking hindi ka gusto. Ang dami naman nagkakagusto sakaniya pero don padin siya sa lalaking hindi siya magugustuhan.
Bumaba na 'ko dahil nakakarami na siya, bago pa siya lapitan ng kung sinong lalaki sa bar ay naupo na 'ko sakanyang harapan.
Inagaw ko ang baso sakan'yang kamay.
"Iuuwi na kita."
"Wag mo nga akong pakialamanan, Zach."
"Ayoko nga."
Natawa siya ng sarkastiko ngunit alam kong kabaliktaran ang pagtawa niya.
"Ang daya daya."
Nanatili akong nakatingin lamang sakaniya, habang namumula na ang kan'yang mukha dahil sa kalasingan.
"Bakit kayong dalawa pa."
Pinahid niya ang mga mata at umiwas ng tingin.
"Pareho ko kayong nagustuhan, pero parehas kayong nagkakagusto sa isang babae. "kwento niya habang patuloy na pumapatak ang mga luha.
Napaiwas din ako ng tingin at hindi makaimek.
"Pangit ba 'ko Zach?"Tanong niya kaya napabaling ang tingin ko sakaniya at tinitigan muna siya sa mga mata bago siya sagutin.
"You're beautiful."
"Pero bakit hindi ako gusto gusto? Ikaw? Bakit hindi mo 'ko nagustuhan noon? Samantalang si Kia na pabayang ina saglit na oras mo lang nagustuhan? Anong nagustuhan niyo ni Easton sa babaeng nasa luob ang kulo?"May inis na tanong ni Sandra.
Hindi ko din alam kung anong nagustuhan ko sakaniya.
"Umuwi na tayo, iuuwi na kita Sandra. Lasing kana." Hinawakan ko siya sa braso nguni iniwas niya ang braso naunang naglakad palabas ng bar.
"Kaya kong umuwi mag is—
Hinila ko siya sa braso at pinagbuksan ng pinto ng kotse ko.
"Wag ka ng makulit, mag uusap pa tayo."wala na s'yang nagawa kundi ang tahimik na umiyak.
Kung mas maaga ko lang nalaman na may nakaraan si Easton at Kia ay tumutol sana ako sa peke nilang relasyon, mas umasa lang si Sandra.
At mukhang
Hindi padin nakakamove on si Easton, maaring..
May pag asa pa sila lalo na kapag nalaman nito ang katotohanan, na hindi nagsisinungaling si Kia.
BINABASA MO ANG
MAID OF BILLIONAIRE EX BOYFRIEND
RandomMag-isang pinalaki ni Easton ang kan'yang anak matapos s'yang iwanan at ipagpalit ng babaeng mahal niya. At paglipas ng pitong taon ay nagpakita ito kung kailan success na siya sa buhay at malaki na ang kanilang anak.