Kia point of viewNapahawak ako sa braso ko ng sumakit iyon sa higpit ng hawak ni Easton kagabi, oo at naalala ko.
Hindi iyon isang panaginip at hindi totoong nagkaroon ng amnesia, ginawa ko ito para manatili sa bahay.
Kapag nalaman n'yang hindi naman ako nagkashort term memory loss ay siguradong madagdagan ang galit niya sa 'kin.
Gusto ko lang naman manatili kasama ng anak ko.
Naitakip ko ang mga palad habang nakaupo sa sulok ng kama, at dahil lasing na lasing si Easton ay hindi niya maalala ang nangyari kagabi.
Kung malaman niya ay hindi siya sigurado kung totoo nga ba ung nangyari ngayon.
Nanariwa sa akin ang alaala noon, at kusang tumulo ang mga luha ko at hindi mapigilan ang mapahikbe.
Masaya ako.
Na nagdadalang tao ako kahit pa sa murang edad, ngunit masakit ang katotohan na mayroon akong
Lymphoma cancer stage 2.
"Alam mo naman na may sakit ka bakit ang landi landi mo Kia?!! Nakuha mo pa talagang magpabuntis sa edad na 16?" Dinuro duro ni mama ang sentido ko ng paulit ulit.
"Pinipilit kitang pag aralin sa hirap ng buhay tapos ganyan lang ang gagawin?! Malndi kang bata ka at don kapa talaga nagpabuntis sa lalaking kukulo kulo lang din ang tyan na anak ng namamasura?!"nanlilisik ang kanyang titig sa 'kin habang puno ng pawis, nangingilid ang kan'yang mga mata.
At wala akong magawa kundi ang maiyak na lamang.
"Ipalaglag mo ang bata at sumama ka sa 'kin sa manila!" umangat ang tingin ko sakan'ya at dahan dahan umiling.
Natawa na lamang siya sa yamot at halos maiyak iyak.
"Bubuhayin mo ang bata? Kapalit ng buhay mo?Nasisiraan ka na talagang bata ka"
"H-hindi kopo kayang p*matay ng inosenteng bata ma."
"Pero paano ka?Ilan buwan kang magbubuntis na sa mga buwan na 'yan ay dapat nagpapagamot kana" hindi ako nakaimek.
"Paano kapag lumala ang sakit mo bago mo maipanganak ang bata? Paano Kia?" Tanong niya sa 'kin kaya naiyak na lamang ako.
"Isa lang ang alam kong makakatulong sa 'tin, ang dati kong amo na doctor. Mga magulang ng kababata mong si.. sino nga ulit 'yon si tyler."
"Pagkapanganak na pagkanganak mo ay magpapagamot ka, may awa ang diyos anak Kia"
Nabuhayan ako ng luob sa sinabi ni mama ngunit.
"Pero kailangan mong iwan ang bata dahil... Hindi ko na kaya pang pumasan ng problema Kia, kahit pa kilala ko ang doctor na gagamot saiyo ay hindi sasapat iyon sa mga gamutan mo. Magtatrabaho ako para saiyo" natigilan ako at matagal na napatulala sakan'ya.
"Iiwan ko ang bata ma? Gusto n'yong iwan ko ang bata? Pero para walang pinagkaiba yon sa tangka n'yong pagpaty sakany—
"Makinig ka, mas mabuti nadin na maiwan siya sa nakabuntis sa 'yo kaysa ipaampon" muli akong umiling at tumutol ngunit maagap niya kong hinawakan sa pisnge at pinaharap sakan'ya.
"Kia makinig ka, paano mo aalagaan ang bata kung sarili mo ay mahina at may sakit?!"
"Pero ma"
"Wala ng pero pero Kia, sundin mo nalang ang gusto ko!" maawtoridad niya na sabi kaya naiyak akong muli.
At yon nga ang nangyari, nakaligtas nga ako at buhay ngunit parang hindi dahil wala din sa 'kin ang mag ama ko. para akong nabubuhay dahil wala akong pagpipilian.
BINABASA MO ANG
MAID OF BILLIONAIRE EX BOYFRIEND
RandomMag-isang pinalaki ni Easton ang kan'yang anak matapos s'yang iwanan at ipagpalit ng babaeng mahal niya. At paglipas ng pitong taon ay nagpakita ito kung kailan success na siya sa buhay at malaki na ang kanilang anak.