CHAPTER8

52 2 0
                                    


Easton point of view

"Sumabay ka ng mag almusal"saad ko ng hindi siya tinatapunan ng tungin, ramdam ko ang kanyang mga mata sa 'kin, maaring naguguluhan ngunit mukhang nakuha niya din ang punto ko.

"Sa bahay ng kan'yang lolo didiretso si Scarlet mamaya at si manang ang tatao dito sa bahay." Dagdag ko.

"Si mang pitong" naiusal niya ngunit dinig ko, nauna ng namayapa si nanay at naiwan si tatay sa 'kin kahit pa may edad na 'to kasama ang kapatid kong babae na mas matanda ako ng ilan taon kasama ang sarili nitong pamilya.

May sarili silang bahay.

Tinapos namin ang pagkain ng walang naging pag uusap, naghanda na ito sa pag alis at ganon din ako. Pagbaba ko ng hagdan ay nag aantay na siya sa labas ng pintuan.

Lihim kong sinuri ang kan'yang kabuuan at ng mapatingin siya sa 'kin ay mabilis kong umiwas.

Binuksan ko ang pinto at sumakay ng kotse, umikot naman siya sa likod upang buksan ang pinto ngunit... Nakalock

Bumaba ang bintana kaya tumingkayad ito upang silipin ako.

"Ako ang amo mo, at hindi isang driver Kia." Seryoso kong sabi dahilan para buksan niya ang pinto sa harap, katabi ko.

Nagdrive lang ako at alam kong naguguluhan siya sa kung saan kami pupunta ngunit huminto sa mataas na gusali na pag mamay ari ko din.

Na madalang kong puntahan dahil may ibang tao akong inatasan para imanage 'tong company.

"I-ikaw din ba ang may ari nito Pit—Easton?" walang gana ko s'yang tinitigan.

"Sr. Easton"

Napayuko siya at napatango tango.

"Yeah, i own one of these companies" nauna akong naglakad sakan'ya papasok ng company habang inaayos ang necktie ko. At ng makita ako ng mga employees ay huminto sila sakanya kanyang ginagawa at nagbow head sa 'kin upang magbigay ng galang habang nanatiling nakasunod si Kia.

"Easton!"

Nadinig ko ang boses ni Sandra na palapit sa 'kin, naglakad siya papunta sa direksyon ko at nagbigay ng beso sa 'king pisnge at kinawit ang kan'yang braso sa akin.

Nakita ko ang pagtingin ni Sandra sa likod at pairap na tinignan si Kia, sabay kaming naglakad papasok ng elevator at ng makasakay ay naiilang na pumasok si Kia na nakapwesto sa aming harapan.

Ingay lamang ni Sandra ang madidinig sa luob ng elevator na kwento ng kwento habang tahimik lamang ako sakan'yang tabi, bumukas ang elevator at dinagsa ng mga taong gagamit ng elevator kaya nabitawan ni Sandra ang braso ko ng umatras din ito dahil nagkasiksikan.

Medyo nagkalayo kami ni Sandra dahil sa dami ng taong sumakay ng elevator, hinanap ng paningin ko si Kia na biglang nawala at dahil di hamak na mas mataas ako ay.

Bumaba ang mga mata ko ng maamoy ko ang paborito n'yang shampoo, kahit ulo lamang niya ang nakikita ko ay alam kong siya 'to.

Muntik ko ng itaas ang kamay ko dahil napasiksik ito sa 'kin, ngunit naibaba at napapikit upang huminga ng malalim.

Tumikhim ako habang nakaiwas ng tingin dahil nararamdaman ko mula sa 'king zipper ang kan'yang kamay. At ng hindi ko na matiis ay.

Mabuti nalang at bumukas ang elevator at lumabas ang mga empleyado ng company na hindi pa 'ko nakikilala.

Halos pagpawisan ako ng malapot dahil sa eksenang iyon, napabalik kami sa dating ayos ng mawala ang mga tao.

"Dapat siguro ay may sarili kang elevator na ikaw at secretary lang ang gagamitin Easton" may inis na sabi ni Sandra na nasa tabi ko ng muli.

MAID OF BILLIONAIRE EX BOYFRIEND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon