Kia point of viewLakad takbo ang ginawa ko para makalayo, alam kong nakasunod lamang si Tyler kung kayat mas binilisan ko ang pagtakbo ngunit hinawakan niya ko sa kamay upang hilahin sakan'yang dibdib.
Walang pag lagyan ang bigat sa dibdib ko na gusto ng kumawala at tanging pag iyak na lamang ang magawa, mahigpit ang kan'yang mga brasong nakapalupot sa 'kin. Pinilit ko s'yang itulak ngunit hindi ako binitawan ni Tyler.
Naramdaman ko ang malaki n'yang palad na dumampi sa 'king buhok kaya mas lumalakas ang aking paghikbe.
Simula bata pa lamang ako ay hindi ko na maramdaman ang saya, hanggang ngayon ay hindi ko padin nararanasan ang maging masaya sa buhay kapiling ng taong mahalaga at importante sa 'kin.
Pakiramdam ko nga ay nabuhay lamang ako para masaktan, hanggang sa mawalan ng buhay ay baon baon ko ang sakit at paet na hindi ko naman gustong maranasan.
Lihim kong sinapo ang aking tyan ng maalalang may panibagong buhay ang nabubuo dito, ngunit paano ko pa ito magagawang protektahan?
Hindi ko nga alam kung kailan ako tatagal, baka bukas makalawa o sa isang araw ay hindi na 'ko gumising pa. Kahit gusto kong itaya ang sariling buhay ay alam kong napipintog na ang nalalapit kong kamat*yan.
Gustong gusto ko pang mabuhay ngunit hindi ko na maitatanggi na pagod na pagod na din akong lumaban pa.
Kailangan ko nalang tanggapin ito hanggang sa huli kong hininga.
Nanlalabo ang paningin ko ng kumawala si Tyler sa 'kin hawak ako sa braso, tila para akong kandilang nauupos para makaramdam ng panghihina at kawalan ng malay.
Huling narinig ko na lamang ang pagtawag ni Tyler sa 'king pangalan.
Ang totoo ay minsan ko ng napanginipan ang sariling maglakad sa isang malawak at magandang garden suot ang puting dress, kung saan payapang naglalaro ang mga anak ko.
Si Scarlet, at si Elton.
Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang pangalan na iyon ngunit minsan akong nangarap ng buo at masayang pamilya kasama ang mga anak ko.
Sabay silang yumakap sa 'kin baywang kaya pareho kong hinimas ang kanilang buhok at matamis na ngumiti, umangat ang tingin ko ng matanaw ko ang lalaking naglalakad saamin palapit.
Malabo pa ang kan'yang imahe sa 'kin ngunit alam kong siya ang lalaking minahal ko nuon at hanggang ngayon.
Easton.
"Papa!"
"Daddy!"
Nagtakbuhan ang dalawang bata sakan'ya palapit at nakangiti n'yang tinanggap ng mahigpit na yakap ang dalawa naming anak. Matamis akong napangiti habang pinagmamasdan sila sa ganoon pagkakataon.
Alam ko.
Na nasa isang panaginip ako, kung pwedi lang ay ayoko ng gumising pa. Gusto kong...
Gawin at maranasan ang matagal ko ng pangarap, ang maging masaya at buo kasama ng mag aama ko.
Hindi ko na kailangan pang umalis, at mananatili sa tabi nila.
Alam kong sa sandaling gumising ako ay babalik na sa realidad, ayoko pang gumising. Gusto ko pang enjoyin lahat ng 'to.
"Kia."
Mabagal ang kan'yang paglalakad sa 'kin kung kayat tinambol ng kaba ang dibdib ko ng sandaling makalapit siya sa 'kin ay may ngisi sakan'yang labi ng iabot ang punpon ng bulaklak.
Nakamot niya ang batok dahil sa hiya, parehas ng nang aasar ang dalawang bata saamin dahil sa tagpong iyon kaya inabot ko ang bulaklak habang pigil ang pag ngiti.
BINABASA MO ANG
MAID OF BILLIONAIRE EX BOYFRIEND
De TodoMag-isang pinalaki ni Easton ang kan'yang anak matapos s'yang iwanan at ipagpalit ng babaeng mahal niya. At paglipas ng pitong taon ay nagpakita ito kung kailan success na siya sa buhay at malaki na ang kanilang anak.