LAST CHAPTERZach point of view
Alam kong tensyonado na si Sandra ng malaman ng pamilya niya ang tungkol sa kan'yang pagbubuntis.
At dahil don ay naapura ang dating pangarap lang nitong ikasal kay Easton.
"P-paano kung malaman ni Easton na hindi naman talaga ako bun—"
Naisip ko nadin iyon, pero nandito na. Kailangan na namin panindigan ang pagpapanggap.
"Mayroon akong dalaw ng mga panahon na 'yon, isa pa ay naabutan ko siya sa condo ng hubad na umaga na 'ko nakarating ng condo Zach kaya paanong—
"Ako ng maglalagay."
Napaawang ang labi niya sa sinabi ko.
Nasisiraan na ng ulo ngunit desidido na 'ko dahil madaming nasasayang na oras. Kailangan sa lalong madaling panahon ay mahanap ko na kung nasaan tinatago ni Kuya si Kia para maipagamot na ito.
"Nahihib—
"Mukha ba? Tinutulungan na kita kaya wag ka ng mag inarte pa. "sagot ko.
"Napapansin ko ang init ng ulo mo sa nagdaan buwan—
"Dahil wala pa 'kong nauumpihan para saamin ni Kia, dahil mas pinagtutuunan ko ng pansin ang sainyo ni Easton. Dahil kung hindi ko gagawin 'yon ay malamang ang plano ay mauuwi lang sa wala Cassandra." napayuko siya sa 'king sinabi at hindi kaagad nakasagot.
Nag uumpisa na 'kong magtanim ng galit kay Kuya dahil sa pangingialam niya.
"P-pumapayag na 'ko." napabaling ang paningin ko kay Sandra.
"Kailangan kong mabuntis dahil baka malagot ako kay Daddy." kinakabahan niya na sabi kaya hinawakan ko siya sa kamay para alisin ang kaba niya.
"Paano kung malaman ni Easton lahat ng 'to Zach?" matagal ko s'yang tinitigan.
"Akong bahala."
Matapos ng isang gabing may mangyari sa amin ni Sandra ay naabutan ko si Kuya papasok ng bahay.
Tulala itong nagpatuloy sa paglalakad kahit pa tinawag ko na 'to. Nagmadali akong maglakad upang hawakan siya sa kwelyo ngunit nanatili s'yang tulala sa kawalan.
Na para bang kulang ito sa tulog at pahinga.
"Ano 'yon?" walang gana n'yang tanong.
"Nasaan si Kia?" napasinghal siya at tinapik ang kamay kong nakahawak sakan'yang kwelyo.
"At bakit ko naman sasabihin sa walang utak at makasariling kagaya mo Zach?" inambahan ko siya ng sunt*k ngunit sinalag niya gamit ang kan'yang palad at piniga.
"Masaya kana ba?" seryoso n'yang titig.
"Masaya ka nabang natupad ang plano niyo ni Sandra? Na ikakasal na si Easton at Sandra ha Zach?" Galit n'yang tanong kaya napatitig ako sakan'ya.
"Si Kia ang totoong buntis at hindi si Sandra!!" nanlaki ang mga mata ko sakan'yang sinabi, binitawan niya ang kamay ko ng patulak.
"A-aano?"
"Nong gabing pinagplanuhan niyo si Sandra at Easton, hindi nakarating si Sandra Zach. At nong araw na 'yon ay dinala ko si Kia sa condominiums ko para pansamantalang manatili don dahil pinagtabuyan siya ni Easton dahil sa kagagawan n'yong dalawa. Nilason niyo ang utak ni Easton.. at paano nabuntis si Kia? Nagkamali ng kwartong pinasukan si Kia at tyempong don mo dinala si Easton. O 'di ba? Napaka palpak n'yong dalawa!"mahaba n'yang paliwanag kaya para akong binuhusan ng malamig na tubig.
"Hinding hindi kita mapapatawad Zach" Malamig n'yang sabi sa 'kin at naglakad na pataas ng hagdan.
Nawalan ako ng balanse kung kaya't napasandal ako sa pader, hinilamos ko ang palad sa 'king mukha dahil sa pagkalito.
BINABASA MO ANG
MAID OF BILLIONAIRE EX BOYFRIEND
RandomMag-isang pinalaki ni Easton ang kan'yang anak matapos s'yang iwanan at ipagpalit ng babaeng mahal niya. At paglipas ng pitong taon ay nagpakita ito kung kailan success na siya sa buhay at malaki na ang kanilang anak.