CHAPTER15

60 2 0
                                    


Easton point of view

"Anong ibig mong sabihin. Tyler."napatitig si Tyler sa tanong ko at muling dumako ang tingin kay Kia na nakaiwas ng tingin.

Kilala ng nanay ni Kia si Tyler, na ipinagkatiwala pa nito sakan'ya bago siya mawala.

Destiny?

Ito ba ung huling sinabi ng nanay ni Kia na sumama ito sa mayaman lalaki? Naguguluhan na 'ko at hindi alam ang paniniwalaan.

Kung sabagay ay puro kasinungalingan lang ang sinabi ni Kia na mayroon s'yang sakit, ni wala nga s'yang medical records sa kahit saan hospital sa pinas e.

Si Tyler ang nagpapatunay na sumama si Kia sa ibang lalaki gaya ng sinabi ng nanay niya sa 'kin noon.

"Mag-usap tayo" napatingin ako kay Zach ng hatakin niya ang kan'yang kuya sa kung saan na nagpatianod lamang.

Muli kong ibinalik ang tingin kay Kia na hindi makaharap sa 'kin.

Hahakbang na sana ako ng may humawak sa braso ko, at walang iba kundi si Sandra. Sinulyapan niya mula paa hanggang mukha si Kia at inilapit lalo ang sarili sa 'kin.

"Let's go love? May sasabihin si Daddy tungkol satin dalawa." Malambing na sabi ni Sandra.

Umangat ang kan'yang tingin saglit sa 'kin bago tumalikod, hinanap ng mga mata ko si Zach at Tyler ngunit hindi ko sila makita na dalawa.

Lakad takbo ang ginawa ni Kia upang lisanin ang party, dumiretso siya sa gate at hindi ko alam kung saan pupunta.

Nadinig ko ang pagkulog mula sa napaka dilim na kalangitan, nagbabadya ang pag ulan mamaya.

Hinawakan ko ang kamay ni Sandra at tumitig sakan'yang mga mata, ngumiti siya at ganon din ako ngunit dahn dahan kong tinanggal ang kan'yang kamay sa 'king braso.

Nawala ang ngiti sa mga mata ni Sandra at napalitan ng pagtataka.

"I will be.. back Sandra."

"S-saan ka pupunta Easton?" Sinulyapan ko ang gate upang tignan ang nilabasan ni Kia ilan segundo  ang nakakalipas.

"Babalik ako, pangako." wala s'yang nagawa kundi bitawan ako kaya lakad takbo kong tinungo ang gate upang hanapin si Kia.

Napatingin ako sa kaliwa at kanan ngunit hindi ko na siya makita, paano kung mawala siya? Paano kung may mangyaring masama sakan'ya?

Sa ngayon ay gusto ko munang malaman ang buong katotohanan kay Tyler at isasantabi ko muna ang galit sa dibdib ko alang alang kay Scarlet.

Mas pinili kong tumakbo pakanan upang hanapin si Kia na mabilis na nawala sa paningin ko, village ito kaya walang dadaan taxi dis oras ng gabi. Malapit lang din naman ang exit ng village banda sa kanan bahagi kaya alam kong dito siya papunta.

Napahinto ako sa pagtakbo upang habulin ang aking paghinga.

"Sino kaba sa akala mo? Sa 'kin siya dahil sa 'kin siya pinagkatiwala ng nanay niya."

"Sino kaba sa akala mo? Sa 'kin siya dahil sa 'kin siya ipinagkatiwala ng nanay niya."

"Sino kaba sa akala mo? Sa 'kin siya dahil sa 'kin siya pinagkatiwala ng nanay niya."

Lihim kong naikuyom ang kamao ng maalala ang tagpong hawak nila pareho sa magkabilaan kamay si Kia.

Hindi ko alam ngunit nakakaramdam ako ng kakaibang galit, dagdag pa ang sinabi nito tungkol sa nanay ni Kia.

Sinubukan n'yang umiwas sa tanong ko kaya siya tumakbo paalis, ngunit hindi ko siya pweding hayaan nalang basta. Hindi pa tapos ang isang taon na kasunduan at hinahayaan ko siyang magpaka ina kay Scarlet dahil iyon ang pinangako ko.

MAID OF BILLIONAIRE EX BOYFRIEND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon