Easton point of view
Hindi na 'ko makapag focus sa ginagawa dahil sa pagtingin ko sa laptop upang panuodin si Kia na lampasuhin ang pangalawang palapag.
2nd floor pa lamang ngunit mukha na itong lantang gulay.
Napaangat ang tingin ko kay Sanda ng itupi niya ang laptop.
Bitbit niya sa kan'yang braso ang tampak na papeles na kailangan kong pirmahan isa isa kaya nahilot ko ang nuo ko.
"Hindi mo na nagawa ang presentation mo mamaya sa meeting dahil isang laptop lang ang dala mo, at gamit gamit mo pa sa pagmonitor mo sa ex mo."
Hindi ako nakaimek at tinanggap nalang ang may isang dangkal na dami ng papel at inumpisahan na magpirma, sinilip ko muna ang orasan at napagtantong mag aalas dose na.
"Pero bago 'yon, mag lunch muna tayo."
Muling umangat ang tingin ko kay Sandra at dinampot ang jacket na nakasabit sa rack.
"Much better."
Sumakay kami ng elevator ng sabay ngunit bumukas iyon at iniluwa si Kia bitbit ang pang linis, lihim na napairap si Sandra at medyo sumiksik sa 'kin upang iwasan si Kia.
Kung pababa kami? Anong gagawin niya sa baba?
"M-magrerefill ako ng diswashing liquid."
Hindi ako sumagot.
"Pwedi ba muna akong maglunch sr Easton?" Tanong nito sa 'kin kaya tumingin ako sakan'ya patagilid.
Sinilip ko ang wristwatch ko.
"Hindi pa oras ng break, 2nd floor pa lang ang nalilinis mo." naunahan na 'ko ni Sandra kaya napayuko ito at umangat ang tingin sa 'kin ngunit muling yumuko ng makita akong nakatingin.
"Magtatake out nalang ako ng food."
Bumukas ang pinto kaya inayos ko muna mabuti ang necktie ko at ibinulsa ang kamay at naglakad palabas ng elevator.
"Sandra."
"Easton?"
"Nasaan ang susi ng kotse mo?" naitanong ko kaya inilabas niya sa kan'yang palad.
"Why? Kotse ko ang gagamitin?"
"No."
"Gamitin mo ang kotse mo" nauna akong maglakad at sumakay sa kotse ko, natanaw ko siya sa rear view mirror na nanatiling nakatayo ngunit tumingin na 'ko sa kalsada.
Magkasunuran lang kaming dumating sa paborito kong restaurant, at nakasabay ko pa ang kakilala ko sa bussiness kaya nagsabay na kami sa pagkain, konting kwentohan hanggang sa matapos.
Sinilip kong muli ang restaurant at napagtantong alas dose trenta na kaya pilit akong ngumiti bago magpaalam sa kilala kong bussinessman.
Oorder sana ko kaso.
"Hwag mo s'yang pakainin"
Napatitig ako kay Sandra.
"Ikaw ang may gustong pahirapan siya hindi ba? Hayaan mo s'yang magutom kasi deserved niya 'yon."
Naibaba ko ang kamay ko ng balakin kong tumawag ng waiter, tumayo na lamang ako upang bumalik na ng company at sabihin na nakalimutan ko kung sakaling magkasalubong kami.
Tama
Nakabalik ako ng office ng hindi ko siya nasalubong, sa laki ba naman ng company ay malabong magkita kami at magkasalubong palagi.
Hinawakan ko ang ballpen at handa ng pumirma ngunit muli kong naibaba at muling binuksan ang laptop.
"Gawin mo na muna ang pipirmahan mo bago 'yan easton."
BINABASA MO ANG
MAID OF BILLIONAIRE EX BOYFRIEND
RandomMag-isang pinalaki ni Easton ang kan'yang anak matapos s'yang iwanan at ipagpalit ng babaeng mahal niya. At paglipas ng pitong taon ay nagpakita ito kung kailan success na siya sa buhay at malaki na ang kanilang anak.