Kia point of viewHindi ko na namalayan ang makatulog yakap si Scarlet sa 'king kwarto. Dahil wala ang Daddy niya sa bahay ay gusto nitong matulog sa kwarto ko.
Pinagmasdan ko ang mahaba n'yang pilik mata at ang kan'yang ilong.Napindot ko tuloy ng hintuturo ang ilong ko dahil sa 'kin niya nakuha ang kan'yang ilong. Nahahati ang mukha ni Pitoy sa mukha ni Scarlet at sa 'kin.
Napakagandang bata ng anak ko.
Gumalaw ito at yumakap sa 'kin kaya lihim akong napangiti, ang ngiti na iyon ay may kakambal na lungkot.
Sapat na sa 'kin ang isang taon na makasama ka, masaya ako na magkakaroon ka na ng ina na tatawagin mong mommy.
Isa na kayong pamilya kapag umalis ako sa buhay niyo ng Daddy mo. Sana lumaki kang mabuting bata at may takot sa diyos. Sana matupad mo mga pangarap mo anak ko.
Pagmamasdan ka ni mama mula sa malayo, pangako.
Inayos ko siya sa pagkakahiga at tumayo na para magluto ng agahan, maaga pa kasi kaya ako na ang kumilos. Alam kong masama ang pakiramdam ni manang dahil sa katandaan.
At balak din nitong umuwi sakanilang bahay dito din sa manila para makasama ang pamilya.
Pagtapos kong magluto ay inihanda ko na ang mga gamit ni Scarlet para sa pagpasok niya sa school bago siya gisingin.
Ginising ko siya gamit ang magaan na halik, napangiti s'yang mabungadan ako sa pagdilat ng mga mata kaya muli akong napangiti.
Pinaghanda ko na siya ng pagkain at pinanuod siya sa kusina.
"Kanina ko pa napapansin 'yang ngiti mo?" hindi ko maiwasan na tanong.
"Nakita po kasi kita sa panaginip ko Tita Kia!" napahinto ako at napatitig sakaniya.
"A-ako? Talaga?"
Tumango siya ng nakangiti.
"May anak napo ba kayo Tita?" napaisip ako bago ngumiti at sumagot.
"Meron na"
"Talaga po? Edi kayong dalawa ang nasa panaginip ko" muli akong napatitig sakaniya at pinagmasdan siya.
"Kalaro ko nga po ang anak niyo Tita Kia, ang kaso ay dumating kayo para sunduin siya Tita, ang ganda ganda niyo po sa kulay white na dress! Pati ang batang lalaking anak niyo!" nakangiti n'yang kwento ngunit wala naman akong anak na lalaki kaya paanong lalaki e siya ang anak ko.
"Tapos naglakad kayo sa liwanag na dalawa"dagdag niya habang nakikinig lamang ako.
"Hindi na kayo bumalik Tita" nawala ang ngiti niya at napalitan ng lungkot.
"Paanong hindi na kami bumalik? Hindi bat naputol ang panaginip mo? Maaring babalik pa kami" ngunit umiling siya.
"Pagkayari niyong umalis ay sunod non ay malaki na 'ko, isa nadaw akong teacher! Hindi na talaga kayo bumalik hanggang sa tumanda ako Tita" napangiti ako at pinisil ang kan'yang pisnge.
"Tapusin mo na ang pagkain at papasok kapa sa school" tumango lamang siya at nagpatuloy na sa pagkain, pinaliguan ko na siya at inipitan ang buhok.
Nakangiti akong pinagmamasdan sa salamin ng vanity mirror si Scarlet dahil sa napakagandang pagkakaipit ko sakan'yang buhok.
Kinuha ko ang pulbo at pinulbuhan siya sa likod at pisnge, inispray ko ang kan'yang pabango na halos ipaligo ko na.
Susulitin ko lang ang mga araw na kaya ko pang gawin 'to saiyo... Anak.
"Goodmorning girls."
Zach.
"Ibinilin pala ni Easton na ihatid at sunduin ko kayo, Sino ba naman ako para tumanggi? Pabor panga sa 'kin ang trabahong maging driver ng dalawang magandang princesa" pambobola nito kaya natawa nalang ako at sumakay na sakan'yang kotse.
BINABASA MO ANG
MAID OF BILLIONAIRE EX BOYFRIEND
DiversosMag-isang pinalaki ni Easton ang kan'yang anak matapos s'yang iwanan at ipagpalit ng babaeng mahal niya. At paglipas ng pitong taon ay nagpakita ito kung kailan success na siya sa buhay at malaki na ang kanilang anak.