Anong nangyari dito?
"O, bess.. ano nangyari?" pagtatanong ko sa kanya habang nanlalaki mata ko sa pagtitig sa kanya
"H-ha? A-anong anong nangyari ka dyan? W-wala namang nangyari, k-kumain lang ako mag-isa. That's it." aysows! Maangmaangan pa si bess.
"Oh'come on! Umiiyak ka eh! So tell me, what happened?"
"W-wala nga kasi bess! Wag ka na makulit." Hay nako! Hirap naman paaminin nitong bespren ko. E sino naman kaya yung boylet at girlalu na kausap niya kanina?
"Ok. Edi wala." sinabi ko na parang may pagtatampo sa mukha. Pero, WAEPEK! Di niya ko tinignan. Ok, next question pls! "E, sino na lang yung kausap mo kanina?"
Bigla naman siya nagulat sa tanong ko, as in like this oh >>> O_O
Ano bang meron sa lalaking yun at parang threatened siya? Siguro may ginawa or sinabing masama yun? Hala! Baka hinaras niya bessyang ko! O kaya yung kasama niyang babae, baka nakaaway ni bess tapos nagsumbong sa boyfriend! ABA!
Ay tae! OA ko na! Eh kasi naman, OA din rection ng mukha niya eh. Tignan mo, di na sumagot.
"HUY! Ano na? Sino ba yung dalawang yun?" kumalma na din siya sa wakas..
"N-nakita mo pala.." at nagulat ako dahil bigla siyang yumakap sa akin at umiyak..
Teka.. ano nangyari dito? Bakit umiiyak 'to? SINO NAGPAIYAK DITO SASAPAKIN KO! >_<
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, kaya I just hugged her back and rub her back to keep her calm.
"Bess.." sabi niya habang umiiyak.. hindi ako nagsalita at hinayaan ko lang siya magsalita. Makikinig lang ako bess..
"Ang sakit, ang sakit sakit eh. Napakalakas na sampal sakin nito eh. Yung makita mo yung mahal mong may kasamang iba at pinapamukha pa sayong masaya sila. Ang saya saya na niya bess, masaya na siya dun sa babaeng yun. Samantalang yung ex niya, ako, eto.. lugmok na lugmok pa rin. Bakit ganun bess? Bakit ang dali dali para sa kanyang kalimutan ako, samantalang ako hirap na hirap pa rin matulog sa gabi kapag hindi siya naiisip."
Sa mga sinabi niya, mukhang alam ko na kung sino yung kausap niya kanina. Si Austin at ang bago niyang girlfriend.
Nakwento na sa akin ni bess yung nangyari sa mall. Sa resto na pinaka ayaw ni Austin to be exact.
Hayy. Ayokong nakikitang ganito si bess. Nasasaktan din ako para sa kanya.
"Shh.." iyan ang nasabi ko habang nirurub pa rin siya..
Napahagulgol na siya. Ako naman naiiyak na, pero pinipigilan ko lang. Agaw eksena naman ako nun.
"Bess hindi ko na kaya. Bakit ba ang higpit ni Cupid sakin? Bakit kailangan ako pa ang magdusa ng ganito?!" ayan, pati si Cupid sinisi na.
"Bessyang, tahan na. Yung mga ganyang lalaki di dapat iniiyakan yan. Dapat ipakita mo sa kanya, kung masaya siya aba dapat mas masaya ka!"
Hinimas himas ko na lang likod niya para mahimasmasan na.
MEREDITH'S POV
Medyo nahimsamasan na ako. Kasama pala ni bess 'tong si Julius. Kumakain na sila ngayon.. Habang ako nagkekwento.
Infairness sa bespren ko, kahit busy sa pagnguya nagagawa pa ring makinig.
Ganto kasi yun.....
~FLASHBACK~
"I-IKO?" OMG! Is this for real? Si Austin slash Iko Angeles na pinakamamahal ko nasa harap ko ngayon?!
"MELAI!" Sabay yakap niya sakin na parang excite na excite.
![](https://img.wattpad.com/cover/4246452-288-k51687.jpg)
BINABASA MO ANG
The Gangster Rebound [ON GOING]
RomanceNagpagawa kasi sakin si sis ng pwede nilang story para sa movie making nila. Eto naisip ko. Kaso di rin naman nila nagamit, kaya sa inyo ko na lang ishashare. Para di sayang! Sana maenjoy ^^