Chapter 8: Science Fair, day 2

49 0 0
                                    

Pangalawang araw na ng Science Fair sa school namin!

Anong gagawin namin today? Wala, nganganga lang. CHAROT! :D

Hahaha! Syempre di pa rin mawawala yung exhibits. Pero wala ng tour tour at intro intro na magaganap. Kanya kanyang silip na lang sa mga exhibit rooms. Kaya lang naman namin yun ginawa kasi may score din yung pagpersuade.. alam nyo na. Hehe

Pero dahil tapos na naman yung pad judge, ehh.. hindi na namin kailangan mag tour guide at mag explain. Hoho.

Bali ang meron ngayon ay, games at activities na gawa ng iba't ibang Science Highschool! Yung mga school na pumunta kahapon, sila pa rin yung andito ngayon. Yun nga lang, may iba na wala na.

Pero ang La Salle kasama pa rin. Kasama pa rin sina Iko. Hayy =_= may konek ba sa course nila 'to?

Teka.. di ko natanong yung course niya ah. Siguro nga may konek. Owehhh ano naman?! =_=

Hay nako naman! Enough of Austin college life thingy. Kaya hindi makamove on eh, Austin ng Austin. Melai, move on! Cause he don't need you anymore. Hard to accept, but I need to.

Andito kami ngayon sa school field. Maguumpisa na yung first activity for highschool. TAG OF WAR! YEY! :D

This is fun. Haha. Bale ang maglalaban laban muna ay lahat ng Science Highschool then yung mga Reg highscool. Parang matira matiba ba, at kung sino matira sa Science Highschool siyang ilalaban sa matitira sa Reg highschool.

Nagsimula na yung laro, at so far, wala pang nakakatalo samin. Yeah'bah! WELL, magaling kasi kami. Yabang eh noh? Haha. Proud lang ako sa aking alma mater =)))

Panglima na 'tong makakalaban namin, yung *tutut* Science Highschool.

Ako ang nasa unahan ngayon. Yeah! Kailangan kong ipanalo school namin.

Pero teka.. parang namumukhaan ko yung lalaking nasa harapan ng kabilang school. Parang kilala ko siya eh. Alam ko nakita ko na siya eh. Di ko lang alam kung saan at kailan ko siya nakita. Hm, saan nga ba? Basta, promise.. nakita ko na siya. Waaaa! Di ko maalala kung saan!

"*prrrrrtt* *tutut* Science Highschool won! Great job!"

Ay shemay! Natalo kami. Huhu. Kasi naman isip ako ng isip kung saan ko ba nakita yung lalaking yunneh. Nadistract tuloy ako at nadulas sa pagkakahawak sa lubid. Sakit pa naman sa kamay. Ang init, friction eh T3T huhu.

*boogsh*

"Aray ha!" si bess nilapitan pala ko tas binatukan. Sakit nun ah. 

"Ikaw naman kasi eh. Mukhang distracted ka eh, natalo tuloy tayo!"

"Sorry naman! So kailangan mambatok?"

"Oo! Hahaha! Teka nga lang, ano ba nakapagdistract sayo? Siguro nakita mo na naman si Austin noh?! Nakoooo! Kahit kailan talaga pahamak yun! Asan na yun? Sasapakin ko!" Hahaha, kita niyo naman. Mahal na mahal ako ng bessyang ko. Mas bitter pa sakin si ateng.

"Loko! Pag nadistract ako dahil kay Austin agad? Di ba pwedeng dahil lang sa kuyang nasa harap ko?" hay, talaga naman si bess!

"O bakit? Anong bang meron sa koyang nasa harap mo? Cute ba?"

"Really? I can't believe you! Haha! Tongaks, eh kasi iniisip ko kung saan ko siya nakita eh. Parang nakita ko na kasi siya somewhere."

"Ahh! Siya ba?" sabay turo dun sa nasa left side namin na tumatawa, which is yun ngang binabanggit ko. hehe

"Oo.. nakita na ba natin siya?"

"Hay nako bessyang! Oo naman! Di mo na ba maalala?" huh?

"Ha? Hindi talaga eh. Pero swear, alam ko nakita ko na siya. Di ko lang talaga maalala. Saan ba?"

The Gangster Rebound [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon