Chapter 18: If This Was A Movie

26 0 0
                                    

Meredith's POV

Hindi ko inexpect na ganito ang magiging reaction ko sa pinakita ni Grey.

Miski ako nagulat na nakayanan ko siyang yakapin ng matagal..

Badtrip! Di tuloy ako makatulog :3

Kung ano anong posisyon na ginawa ko pero wala pa ring nangyayari sa buhay ko.

Yung katawang lupa ko gusto na matulog dahil napagod din sa pinaggagawa namin ni Grey, pero yung diwa ko ayaw pa talaga ako patulugin.

UGH!!!

Hindi rin maalis sa isip ko yung nakita ko kanina.

Si Austin at Felicity...

Ang sweet nila kanina. Ang sweet ni Iko kay Felicity.

We used to be that way. He gives me everything I want. He treated me like his princess. He said and do sweet things to me.. like what he has done a while ago with Felicity.

And it kills me to see that I am already replaced by someone, which I thought will never happen.

SH*T MELAI! Why don't you stop thinking about him and sleep instead?!

Mas maraming importanteng bagay akong dapat problemahin kaya di dapat ako magfocus sa walang kwentang bagay na 'to na wala namang ginawa kundi saktan ako =(

"Ikaw naman kasi, kung ako na mahalin mo para di ka na masaktan."

ARHG!

Ngayon naman dumagdag pa 'tong sinabi ni Grey kanina! Bwiset din 'tong taong 'to eh!

Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matutuwa sa sinabi niya!

Eh? Teka! Bakit ako matutuwa?! WALA NAMANG NAKAKATUWA DUN =.=

Pampam rin kasi yung lalaking yun!

Pero infairness.. gumwapo siya ah. And it felt like, everything has changed.

Bumagay talaga sa kanya yung mga binili namin.

Pati na rin yung buhok niya na nagpacombo sa itsura niya ngayon.

Idagdag mo pa yung pag comfort niya sakin na siyang ikinatuwa ko talaga.

Hindi ko akalin na sa kabila ng rough attitudes niya eh, may soft side din pala siya.

Nacocontrol rin pala niya sarili niya mula sa pakikipagaway. Pwede naman palang ganun eh, bakit di na lang ganun lagi? Di yung nagpapaka basagulero siya =.=

Sana lagi na lang siyang ganun.

Siguro kung ganun siya, hindi malayong magustuhan ko rin siya.

EH KASO HINDI SIYA GANUN...SO, MALABO! HAHAHAHAH!

Hay nako Meredith! Baka nga may Gayuma yung ice cream na binigay niya! Kung ano ano na iniisip kong papuri sa kanya eh.. WAA! >3<

Makatulog na nga.. Lord, sana po makatulog TT3TT

* * *

Buti naman at pinagbigyan akong matulog ni Lord.. =_=

Actually, OTW na nga ako sa bahay nina Andrea ngayon eh. Sabado kasi at may balak kaming magmovie marathon.

Ugh, medyo masakit ulo ko. Kinulang ata ako sa tulog :(

Si Grey kasi eh...

WHUT?!

ERASE. ERASE!

Si Austin pala talaga may kasalanan -.-

Andito na ako ngayon kayna Andrea. Sa tapat ng pintuan niya to be exact.

The Gangster Rebound [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon