"Gusto ko sanang magpatulong ligawan si Meredith.."
SAY WHAT?! O_O
"ANO?!"
"Sabi ko papatulong sana akong liga--"
"OO ALAM KO YUN ANG SINABI MO! NARINIG KO!"
"Eh bakit tinatanong m--"
"SHUNGA! Ang ibig kong sabihin, ano namang pumasok sa kokote mo at gusto mo ng ligawan ang bestfriend ko?"
"Uhh.. kasi gusto ko siya?!"
AISH! =_=
Napanghilamos ko sa mukha ko yung kamay ko.
Ibang klase rin 'tong mokong na 'to eh.
"Alam mo naman kung gaano ka-hate ni Meredith ang mga katulad mo diba?! Ayaw niya sa mga gangster! Kaya, NO! Hindi kita matutulungan -_-"
"Sino ba kasing may sabing gangster ako?! Sige na tulungan mo na ako.."
"Bakit hindi ba? Eh diba sisiga siga ka dyan, tambay, tapos ang hilig sa away. O, di ba gangster yun?"
"Gangster na ba yun? So gangster nga ako?!"
"OO! Hay! Ewan ko sayo" >3<
Ang gulo ring kausap nito eh! >,<
"Eh! Sige na naman oh! Tulungan mo na ako! Magpapakabait na ako promnise! Hindi na ako magpapaka gangster gaya ng sinasabi NIYO!"
Wow emphasized talaga yung "Niyo" ah?
I just rolled my eyes..
"Ayoko!"
"Pleeeeeeeaassse!"
"A-YO-KO.. SABI EH! Bwisit!"
Patayo na sana ako kaso hinila niya ulit ako paupo.
"Pag tinulungan mo ako kay Meredith, tutulungan kita kay Julius.."
O__________________O
Eng eng eng..
Ano raw sabi niya?!
"Ano ulit? Tutulungan mo ako kay Julius?!"
Pero teka.. paano naman niya gagawin yun? Eh hindi naman sila magkakilala eh!
PSH! Kahit kailan talaga!
Kaya ang hirap pagkatiwalaan ng mga ganitong tao eh.. simula pa lang alam mo ng nagsisinungaling lang!
BWECHET! >3<
"Sinungaling.." sabi ko sabay tayo na naka cross arms.

BINABASA MO ANG
The Gangster Rebound [ON GOING]
RomanceNagpagawa kasi sakin si sis ng pwede nilang story para sa movie making nila. Eto naisip ko. Kaso di rin naman nila nagamit, kaya sa inyo ko na lang ishashare. Para di sayang! Sana maenjoy ^^