Chapter 10: Science Fair, day 3

69 0 0
                                    

3rd day na ng Science fair. Means jamming day na in sa school namin! Hahaha. Ganun naman kasi kapag 3rd day ng science fair, parang cinecelebrate lang yung matagumpay na science fair namin. 

Anouncing of the winners din ngayon. Magsisimula yung jamming ng 5pm. Kaya 5pm din namin malalaman kung mananalo ba yung exhibits namin. 

Naeexcite at kinakabahan na ako. Syempre, ganun na din yung mga ka-club member ko! 

Nagready na kami ni bessyang ng isusuot at get-up. Kanya kanyang get-up kasi kami pag may jamming. Hahah! 

Ang trip namin ni bess? Bunny get-up. Bumuli lang kami ng bunny headband saka white gloves at bunny slippers. Ganun lang, nakakatamad kasi magisip ngayon eh! Yan na lang naisip namin. Tas mag white clothes na lang kami with some touch of pink.

Nung first year naka Rocker get-up kami. Tapos nung 2nd yr, since dun kami nahilig sa KPOP, edi ng KPOP get-up kami. It was my favorite! Kpop eh ^^ Then last year naka princess get-up kami.

At eto na ang pinaka walang kwenta naming naisip na get-up, bunny get up. Ang hirap magisip, lagi kaya kaming busy. Ang hirap talaga pag graduating. Hayyyyyy!

Nagsimula na yung party jamming! Ang ingay. As in, super. 

Hindi ko alam kung bakit, pero napapansin ko parang hindi mapakali si bessyang. Kinakabahan? Bakit naman kaya?

"Hoy bessyang. Ok ka lang ba?" tanong ko sa kanya.

"H-huh?! Oo naman! Heheh!" sagot niya. BOO! Sinungaling >3< 

*pak*

binatukan ko nga..

"Ba't mo naman ako binatukan bess?! Aww T3T"

"Nagsisinungaling ka na sakin ngayon?"

"Ha? Anong nagsisinungaling? Ano bang sinabi ko?"

"Sabi mo ok ka lang."

"Ah. Eh, o-ok lang naman talaga ko eh!"

*pak*

batok ulit..

"ARAY! ANO BA BESSYANG! Masakit na ah!" -___________-

"Hindi ka ok! Sinungaling!"

"Ha? P-pano mo naman nasabi ha! Ang sakit ng batok mo ah T_T"

"Hindi ka mapakali eh. At ramdam kong natetense ka. Pwede ba, magrelax ka."

"Eh kasi naman! Ang dami pa nilang pakulo! Di ba pwedeng iuna muna yung announcement?"

"Ano ka ba! Edi wala ng thrill! Hinuli nila kasi baka hindi na magenjoy yung mga matatalo."

"EHH! Kahit na! Pinapakaba lang nila tayo eh!" ay, oo nga pala..

"Teka nga.. asan pala si Julius?"

"Ha? Ewan? Bakit sakin mo hinahanap? Mukha ba kong hanapan ng nawawala?"

"Wag ka ngang pilosopo. Ang ayos ng tanong ko eh. Bakit, may LQ ba kayo?" HAHAHA! LQ, para namang sila eh noh.

"LQ ka dyan? Kami ba?" yun nga yung sinasabi ko eh.

"O, easy easy.. tinatanong lang eh. Masyado ka namang highblood! HAHAH!"

"Tawa ka pa diyan!"

"Eh bakit ba kasi biglang uminit ulo mo nung hinanap ko si JULIUS?" Pagemphasize ko pa nung pangalan ni Julius.

"Ewan! Hindi pa kasi siya nagtetext! Kaninang umaga pa ko nagtetext kung anong oras siya pupunta, anong get up niya, naeexcite na ba siya.. ABA! Hindi man lang nagrereply ang loko!" wow, feeling gf ang bestfriend ko.

The Gangster Rebound [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon