ANDREA's POV
Nakakaloka! May hang over pa ata ako ngayon :3
Ang sakit ng ulo ko.. WHAT THE F! >,<
Kung itatanong niyo kung anong nangyari at may hang over ako.. MALAMANG naglasing ako!
Anong akala niyo? Porket mahilig akong magaral hindi ako umiinom? Ay hindi ah! Manginginom ako! Dahil tuwing may okasyon, hindi nawawala ang alcohol sa bahay :P
Legal sa amin ang uminom! Ok lang kayna papa basta wag lang sobra.
Pero kagabi lang ako sumuway. Hehe.
So ayun nga uminom ako ng marami kagabi, nalasing ako ng SUPER!
Oh? Ano na naman?
Itatanong niyo rin kung bakit ako uminom ng marami?!
Wala lang, gusto ko lang. Bakit ba?! Lol.
Ahm ano.. medyo.. masama lang ang loob ko.
Bakit?
Ba't ba ang dami niyong tanong?!
Hay, sige na nga ikekwento ko na...
Kagabi kasi nung hinahabol ko si Melai, biglang nakita ng peripheral vision ko si Julius. Eh, siya kasi yung hinihintay ko kagabi.
Kaya naman, hinayaan ko na si Melai at pinuntahan ko kung saan ko nakita si Julius.
Di nga ako nagkamali, andun siya.
*FLASHBACK*
"Julius!" tawag ko.
Lumingon siya sa lugar kung nasaan ako.
Tama ako! Si Julius nga yun.
Tumigil siya sa paglalakad at nilapitan ko siya.
"Uy! Reah!" ^^
Ang gwapo niya talaga! At bagay na bagaay ang suot niya ngayon. Naka tuxedo siya and nakahawi ang buhok niya.
Wow, ang elegant naman ng theme niya. Hiyang hiya yung rabbit outfit ko =_=
"Andito ka na pala? Anong oras kang dumating? Akala ko hindi ka na pupunta eh!"
"Ah, kanina pa ako. Bago magstart naandito na ako, may inayos pa kasi ako."
Ha? Kanina pa siya? Bakit hindi man lang siya nagpakita sa amin?!
"Ah ganun ba? Eh bakit hindi ka man lang lumapit sa amin? Sa mga kaclub natin? Yung table namin nasa bungad lang ah.. hindi mo ba nakita?"
Hindi ko alam. Pero parang may mali..
"Nakita ko naman. Kaya lang kasi, ayaw magpaiwan nung date ko eh."
"Date?"
May date siya?!
Kaya ba hindi niya ako niyaya?!
Bakit ka ba kasi nagaassume Andrea -_______-
"Julius!"
Biglang may lumapit na babaeng naka long gown sa amin.
Mali.. kay Julius lang pala.
WOW! Wala akong masabi.. ang ganda niya.
Walang wala ang beauty ko.
Sino naman kaya ito?
Nagulat ako sa sumunod na nangyari kasi inakbayan siya ni Julius.
Hindi ko alam kung friendly akbay lang ba yun, pero kumirot yung dibdib ko sa nakita ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/4246452-288-k51687.jpg)
BINABASA MO ANG
The Gangster Rebound [ON GOING]
RomanceNagpagawa kasi sakin si sis ng pwede nilang story para sa movie making nila. Eto naisip ko. Kaso di rin naman nila nagamit, kaya sa inyo ko na lang ishashare. Para di sayang! Sana maenjoy ^^