Chapter 21: It's a Date.

25 1 0
                                    

December 26 na, tapos na rin ang pasko. Nakumpleto ko rin yung simbang gabi. Sana talaga matupad yung wish ko.

Kamusta pasko ko? Hayy.. ayun, binigyan lang ako ng regalo ng mga magulang ko tapos umalis na sila para mag-work. Ang saya diba? Paskong pasko nagtatrabaho sila.

Si Daddy niregaluhan ako ng iPhone 5 si mama niregaluhan naman ako ng Chanel na bag at keds na sapatos. Kung tutuusin dapat maging masaya ako sa mga regalong binigay nila kasi ang mamahal nito. 

Pero hindi naman kasi ito ang kailangan ko eh.. hindi ito ang makakapagpasaya sakin. Sila..sila ang kailangan ko.

Nababagot ako sa bahay kaya naman nagbihis ako para pumunta sa park. Balita ko nagtayo sila ng perya dun ngayon dahil nga nagpasko at magnenew year.

Pupunta ako dun baka sakaling sumaya saya ako kahit kaunti.

Ang daming tao, lahat sila masaya. Lahat may kasama.

May magkakaibigan, may magkasintahan, at... may pamilya.

Grabe, ang sabi ko gusto kong sumaya pero nung nakakita ako ng pamilya nalungkot ako. Mukha naman silang masaya pero ewan ko ba, naiinggit siguro ako.

Nagikot ikot na lang ako. Naglaro ako sa mga larong pwedeng isahan. Nakaka-OP sa lugar na ito dahil feeling ko ako lang ang mag-isa.

Hindi ako uuwi hangga't hindi ako sumasaya. Umalis akong malungkot kailangan pagbalik ko masaya na ako. AJA!

Pati mga rides sinakyan ko na kahit magisa lang ako. Ferris wheel, horror train, octopus, bamp car, pati nga carousel sinakyan ko na.

Kahit papaano nagbabago na mood ko, pero kulang pa.

Madilim na jusko! Hindi ko pa rin nahahanap kasiyahan ko! Aba, nasakyan at nagawa ko na rin ata lahat ng pwedeng gawin dito sa perya.

Nagikot ikot ulit ako para makita kung ano pang di ko nasusubukan. Baka meron pa naman..

Kaso iba ang nakita ko.. si Austin at ang girlfriend niyang si Felicity. Mukhang sasakay sila ng ferris wheel kasi nakapila sila. Holding hands pa at parehong masaya.

Matagal tagal na rin nung huling beses ko silang nakita, nung huling beses kong makita si Austin.

Akala ko kahit papaano nakalimutan ko na siya at wala ng sakit pag nakita ko siya ulit, pero nagkamali ako.

Masakit pa rin, sobra. 

Gusto kong umiyak. Gusto kong tumakbo. Gusto kong umalis sa lugar na ito. 

Pero hindi, hindi ko na tatakasan ito. Hindi pwedeng habang buhay na lang akong ganito. Face your fears ika nga.. ito ang fear ko. Ang makitang masaya na sa iba ang taong mahal ko. 

Kailangan kong harapin 'to. Kailangan ko ng tapusin ang kahibangan ko kay Austin. Saka, andito ako para magsaya sa pagkakaalala ko.

Yung kaunting saya na naipon ko sa pagsakay sa rides at paglaro dito sa perya parang nabalewala ng dahil sa nakita ko.

Pero sabi ko nga, hindi ako uuwi hangga't hindi ako masaya. 

Umalis ako doon.. hindi para umuwi pero para maghanap ng ibang pagkakaabalahan. Hindi ako iiyak, hindi.

Di naman ako nabigo at may nakita pa naman ako. Parang di ko to nakita kanina ah? :3

Alam niyo ba yung may magkakapatong na lata tas babatuhin mo siya tapos kailangan mapatumba mo lahat tas pag natumba lahat may prize ka na malaking stuff toy? Yun ang nilalaro ko ngayon.

The Gangster Rebound [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon