Chapter 22: Surprise daw

22 1 0
                                    

"Melai anak.. gumising ka na, may bisita ka sa baba."

Huh? Eh ang aga aga pa. Sino ba yun? :3

"Nanay sino raw siya?!"

"Boyfriend mo raw. Ikaw anak, sabi na nga ba at boyfriend mo yun tinago mo pa sakin. Sige na bumangon ka na."

ANO RAW?! BOYFRIEND?! May boyfriend na ako?! Panong nangyari...

*Flashback*

"Ibig bang sabihin nito... SINASAGOT MO NA AKO?!"

Tumango ako as a sign of OO.

*End of Flashback*

OH... MY... GOD...

A.NONG.KA.TA.NGA.HAN.ANG.NA.GA.WA.KO.KA.GA.BI???????????????????????????

Baka naman panaginip lang yun?! Hindi pwede! Hindi pwedeng may boyfriend na ako! Hindi pa ako nakaka move on kay Au---

Ahhh... okay... naintindihan ko na kung bakit. Sinagot ko nga pala siya kasi andun si Austin. 

Sinadya kong ipakita kay Austin na sinasagot ko na si Grey. Gusto ko kasing makita niya na kaya ko ng mabuhay ng wala siya, na hindi siya kawalan, na kaya kong maging masaya sa piling ng iba.

Gusto kong ipamukha sa kanya na kung kaya niya akong ipagpalit sa iba, kaya ko rin syempre! Kaya ko nga ba? E pineke ko nga lang yung kagabi eh. At pinagsisisihan ko na yun ngayon!

Bakit ba kasi ang talino ko at ang bilis magrespond ng utak ko sa dapat na gawin nung nakita ko si Austin?! Grabe Lord, bat niyo po ba kasi ako biniyayaan ng ganito katalinong utak?! 

*knock knock*

"Who's there? Este.. pasok!"

Bumulagta sa harap ko ang isang gangster na may dala dalang pagkain. Inilagay niya yun sa harap ko at umupo sa gilid ng kama.

"Hi Beh, good morning! Breakfast in bed!"

WTF?! BEH?!!! Seriously?!

"AT KAILAN PA NAGING BEH ANG PANGALAN KO ABER?!"

"Ngayon lang. E kasi naman.. tutal tayo naman na siguro naman okay lang magka endearment?"

Gosh!!! I can't believe this is really happening! Tell me I'm just dreaming.

Paano ko na ngayon babawiin yung sinabi ko ng hindi siya masasaktan?

Lalo pa ngayon.. may breakfast in bed ako. Omelet and bacon with fried rice ang almusal ko. May kasama pang fresh milk. Galing sa ref namin ang mga ito pero alam kong hindi si nanay ang naghanda at nagluto nito dahil alam kong ayaw niyang kumakain ako sa kama. Isa pa, iba ang lasa ng luto ni nanay.

Siya siguro nagluto nito? Masarap kasi ang pagkakaluto. But I'm not saying na hindi masarap magluto si nanay ah! It's just that may iba sa pagkakaluto nito.

The Gangster Rebound [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon