Chapter 16: Enchanted

34 1 0
                                    

"Ano bang gusto mong kainin?" 

"Kahit ano."

Hindi rin naman masyadong pinaghandaan ng lalaking 'to ang panliligaw niya ano?!

Akalain mong sinundo niya ako sa school para lang yayain ako makipag-date. 

Medyo nakakahiya nga kasi pinagtitinginan kami ng mga estudyante kanina. Nakakapanliit sila tumingin. Iniisip siguro nila na ang hopeless ko kasi pumapatol ako sa gangster. Ajuju T3T

Bahala na. Basta makapag move on lang ako, ayos na. Wala naman akong ginagawang masama.

"Osige kung ano na lang din kakainin ko ha, para sweet. Dyan ka lang, oorder lang ako."

Kung saka sakali, tuturuan ko pa 'tong taong 'to na magbago para lang hindi na siya matahin ng iba.

Tama.. yun na lang gagawin ko!

Papablack ko yung hair niya, pagsusuotin ko siya ng damit na tama lang sa kanya at hindi maluwag, tuturuan ko siyang maglakad ng maayos..

Syempre gastos niya dapat! Ako, nililigawan lang aba! Tutulungan ko lang siya. :3

Siguro kung maayusan siya na mukhang good boy, ang gwapo niya. Naiimagine niyo na ba?! :D

Nakupo.. kapag ganun baka mainlove ako sa kanya. 

Edi mabuti diba?! HEHEHE

"O, ito na pagkain mo."

Ay, andito na pala siya.

"Thanks."

"Gusto mo ba subuan kita?"

"AYAW. May kamay pa ako oh, di mo ba nakikita?"

Langyang yan.. subo raw?! 

EWWWWW!

"Ang sungit mo naman."

"Ganun talaga! Hoy! Hindi pa tayo, wag kang ano ha! Kung ganyan ka sa mga nililigawan mo dati pwes ibahin mo ako! Maka take advantage.. psh."

Di na siya sumagot at kumain na lang ng tahimik.

 Naoffend ko ata siya?

"Ahm.. ehem."

"Ok ka lang?" 

OA. I'm just clearing my throat. Akala agad niya nabilaukan ako.

"Yep."

"Ahh."

Ok....

"May tanong ako."

"Ano yun?"

EHEM.

"Paano kung sabihin kong baguhin mo yang style mo para sakin, babaguhin mo ba?"

Nagbago yung expression ng mukha niya. 

Hindi ko mabasa kung anong iniisip  niya, kung anong nararamdaman niya.

Mali ba yung sinabi ko?

"Huy ano.."

"Oo naman. Ok lang. Para sayo." saka siya ngumiti

OMG.. I can't believe he just agreed with my plan! 

His going to sacrifice just for me. Like.. kaya niyang iwanan pagka gangster niya, I mean, ok lang na baguhin style niya JUST FOR ME?!

Woah.. i wonder kung kayang gawin yun ni Austin.

Ehem ehem... Autsin na naman -___________-

"Ta-talaga?"

"Oo."

The Gangster Rebound [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon