UTANG NA LOOB!!!
Yung puso ko malalaglag na ata!!!
After 5 minutes tumigil na yung motor. Pinababa niya ko at inalalayan niya kong maglakad, mga.. limang hakbang lang siguro. Tinanggal niya na yung piring sa mata ko.
"SURPRISE!!!"
Ay kingina!
Surprise daw sabi nina Andrea, Tim, John, Nathan, at Stephen. Anong kaechosan ito?!
Nasa isang Garden kami na may maraming magagandang flowers at hanging plants tas may mga nagliliparangb butterfly at may isang malinis at magandang pond. WOW. What a beautiful place.
I've never been into this kind of beautiful scenery place before.
Hindi nga ito nagawa sakin ni Austin eh. Puro lang kami Mall, Reastaurant, Amusement park. But he never brought me into a place that is full of gift of nature.
Okay OA na.
"Anong meron guys?"
"I-ce-celebrate natin ang first day niyo ni Grey!" sabi ni Tim
"First day?"
"Oo! Diba Kayo na kagabi? Di mo nga ko tinawagan man lang para ipabalita! Kung di pa ko tinawagan ni Grey kanina para sa surprise na to di ko malalaman." -Andrea
Oh no.. paano 'to? Alam na nilang lahat! Pati si Andrea ganun din ang pagkaka-alam. Ang bilis naman kumalat ng chismis! >3<
Sabihin ko kaya sa kanya ngayon? Bestfriend ko naman siya eh, maiintindihan naman siguro niya ako. saka baka matulungan niya kong masabi kay Grey.
"Ah ano, bes kasi..."
"Halika Meredith."
Hindi ko natuloy yung sasabihin ko kay Andrea kasi bigla akong hinila ni Grey at dinala ako sa isang parte ng garden. Sumunod naman samin yung iba.
Dito, puro balloons at may isang cake na may nakalagay na "Happy 1 day my love. I love you so much. XOXO"
XOXO?! HAHAHAHAHAHAHAHAHA natawa naman ako dun! So gay!
"Ang cute noh?" sabi ni Andrea na nakangiti at nakatingtin sa cake
"Yung cake? Sus! Hindi nga eh."
"Ahh.. kaya pala nakangiti ka."
Nakangiti ako? Talaga?!
"Bakit Meredith, hindi mo ba nagustuhan?" tanong sakin ni Stephen
"Huh.. ah ano, hindi naman. Ano kasi.. siguro di na ko sanay."
"Nako Stephen! Hamuna 'tong bestfriend ko, alam mo naman matagal tagal rin kasing nawalan ng boyfriend." loka loka 'tong si Andrea
"HEH! Teka nga pala, Stephen diba hindi naman ganun kadami pera ni Grey? Paano niya na-afford na mag-rent sa ganitong kagandang lugar?"
"Actually, sa tita ko kasi 'tong garden na 'to. Tinulungan ko siya para malibre dito. Sinabi ko sa tita ko na para sakin."
"Ganun ba, salamat ah. Kung hindi dahil sayo hindi pala ako makakapunta sa lugar na ganito kaganda."
"Sus! Wag ka sakin magpasalamat! Dun ka sa syota mo magpasalamat. Si Grey ang nagplano nito, tinulungan ko lang siya sa isang parte which is yung lugar. Alam mo ba, ngayon ko lang nakitang ganito ka-effort si Grey sa isang babae. Never niyang ginawa 'to sa mga naging syota niya noon."
BINABASA MO ANG
The Gangster Rebound [ON GOING]
RomanceNagpagawa kasi sakin si sis ng pwede nilang story para sa movie making nila. Eto naisip ko. Kaso di rin naman nila nagamit, kaya sa inyo ko na lang ishashare. Para di sayang! Sana maenjoy ^^