= 6 =
FAITH's POV
After One Month ...
Tumagal ng buwan ang dalawa-dalawang pananakit sa amin nila Marionette at Freddy. Wala pa ring nakakahula sa jumbled words. At ngayon, ang araw ng frield trip. Hinihintay kung sino ang mamamatay at mabubuhay.
Lahat kami ay kasama sa Field Trip. Yung iba ay excited at yung iba ay takot ang nararamdaman.
"Wag kang magaalala ! Poprotektahan kita."sabi ni Bryan at inilagay niya ang ulo ko sa mga balikat niya. Nandito kami ngayon sa loob ng bus. Nakabukod kaming mga Special Montellonians. Ang bus namin ay pangsosyal lamang.
"Salamat."mahina kong sabi.
Ilang minuto pa ay nagulat kami ng biglang bumukas ang television.
Si Marionette at Freddy.
"Well well well ! It's great na ang field trip na ito ay magiging kill trip. Remember what I said on the school closed day ? May dalawang mamamatay sa inyo. Well, sino kaya yon ? Hanapin niyo kasi kaming dalawa ! Hindi yung nagtatago at takot na takot kayo ! Malay niyo nasa likod ako ni Faith at Bryan o kaya kay Priscilla at Ryan o kaya kay ... Jasmin at Kei o kaya ... kami ay si Jairus at Nina ?"sabi ni Marionette.
"No one can escape us. You can't escape your death. Just accept that you'll die after this kill trip."sabi naman ni Freddy at nagblack-out na.
Napahigpit ang kamay ko sa braso ni Bryan. "Ssh. It's okay. Wag kang matakot. Nandito lang ako. Hindi kita iiwan. Magiging maayos din ang lahat."
Sana nga. Sana.
---
JASMIN's POVYehey ! Ang saya talaga ng field trip na to ! Sino kaya yong pesteng killer na yon ?! Nakakainis ! Nakakaurat !
Kasalukuyang pupunta kami sa huling pupuntahan namin. Ang old museum. Mga gabi na din kami nakapunta dito.
"Ito ang sinaunang kutsilyo na nakapatay sa dalawang taga special montellonians."sabing tour guide namin.
Unang kutsilyong nakapatay ?
Tiningnan ko ang date ng kutsilyo.
1980
Fvck ?! 1980 ? Ang tagal na !
Tiningnan ko ang kutsilyo. Pinagmasdan ko ito ng mabuti. Tuyong-tuyo na ang mga dugo dito. May napansin akong kumikinang don.
You can't escape your death.
Nakasulat doon. Naalala ko yung sinabi ni Freddy.
You can't escape your death. Just accept that you'll die after this kill trip.
Kinabahan ako. Ang weird.
---
FAITH's POVNandito na kami sa loob ng bus. Pauwi na kami. Pero hindi kami makaalis dahil may nawawala pa.
Sila Jasmin at Kristine. "Nasaan na ba sila ?!"
Kanina pa naiirita si Ryan. Kanina pa kasi kami dito. Nandito na din ang driver namin.
"Hanapin mo nga muna sila Jairus at Rocky !"utos nito.
Agad naman silang tumango. Lalalabas na sana sila nang biglang sumarado ang pinto. Sinubukan nilang buksan iyon pero hindi nila nagawa.
"Manong ! Anong nangyari ?!"naiiritang tanong ni Miles.
"Ewan ko po."sagot ni Manong.
BINABASA MO ANG
The Bloody Section: Chasing Murderers (Completed)
Mystery / Thriller[BLOODY SERIES #1] Never trust to anyone or everyone. --- Date Started: 07-12-2015 Date Finished: 10-07-2015