Chapter Twenty: Final Destination

380 14 6
                                    

Last Chapter na dis.

################

B—bakit ?

B—bakit siya pa ?

Bakit niya ginagawa 'to ?

Di ito totoo ...

Hindi ...

"Faith ..."

Napalingon ako kay Chino. "A—anong nangyari ?"

Ibinigay ko na lang sa kanya ang cellphone.

"I—ibig sabihin ... Sila ? Sila ang killers ?"tanong niya.

Nagulat ako nang ihagis niya ang cellphone. Nawarak agad ito.

"SINASABI KO NA NG-"

"AAAAAAARGH !"

Napaligon kami sa rest house nila B—bryan. Agaw pansin ang kotseng itim na paalis.

Nagkatinginan kami ni Chino at agad na lumabas sa van at pumasok sa rest house.

"EMMANUEL ? DANIEL ? PRINCE ?"sigaw ni Chino.

Umakyat si Chino sa hagdan habang ako ay pumunta sa kusina.

"HAZEL ? KATE ? PRISCILLA ?"tawag ko.

Wala. Walang sumagot. Kinukutuban ako.

Di kaya ...

"CHINO !"sigaw ko.

---

"Ito yung mapa ng death plan nila. Sa Death Plan, doon nila ginagawa ang pagpatay sa mga kaklase natin."sabi ko at ibinigay sa kanya ang mapa.

"Tara ... Maghanda na tayo ..."

---
DETECTIVE MARQUEZ's POV

"ARRRRGH !!!"

"And that's all. Edi patay na silang tatlo. Ganon lang, detective. Walang kahirap-hirap."pagmamayabang ni Chino. "Di ba, Cyrinne ?"

"Oo naman at dahil mabait ako, mamatay kang may kasama."sabi nung Cyrinne. So, Cyrinne pala ang pangalan niya. "IPASOK NIYO NA SILA !"

Isa-isang pinapasok ang ibang kaklase ni Faith. Tatlong babae at lalaki.

"NASAAN SI FAITH AT CHINO ?!"sigaw ni Cyrinne sa mga katulong niya.

"Wala po sila sa rest house ni Sir Bryan."sagot naman ng isa sa mga katulong niya.

"MGA WALANG KWENTA !"sigaw nito at pinagsasampal ang mga katulong niya. "IPABILOG NIYO SILANG LAHAT !"

Ipinabilog kaming lahat.

"GISINGIN NIYO ANG MGA PUNYETANG YAN !"sigaw ni Cyrinne.

Agad namang pinagsasampal at suntok silang anim.

"Anong ... B—Bryan ? Cyrinne ?"

"K—kaya akong killers ?"

"Akala ko ..."

"Kami nga. The one and only."sabi ni Bryan.

"Bakit ?"

"Bakit ? Gusto niyo talagang malaman ?"tanong ni Bryan habang nakangise. "Oh, sige."

"Ang Fratello ay isang pinakamalakas at maimpluwensiyang fraternity sa Pilipinas. Ang bawat miyembero ay may mga ranggo. At dahil baguhan lang kami, kailangan naming pagigihan ang pagpatay. Sa totoo lang, paisa-isa lang kami ng pagpatay monthly pero ... nagbago ang lahat nang manakaw namin ang Fratello Death Plan, nilalaman nito kung paano tumaas agad ang ranggo at doon namin nalaman na may isang tradisyon na dati nang pinatay ng nagiisang amain ni Detective Christian Maruez na si Detective Conan Marquez."sabi nito. "Ang tradisyong pumapatay sa mga special montellonians. Nagsisimula ang tradisyon kung may birheng magbubukas ng old laboratory. Bakit old laboratory ? Dahil dati na din yong imbakan ng mga patay na estudyante. Doon sila walang awang pinatay ng mga guro. Isang mali lang, papatayin kaagad. Dahil wala pang regular students sa panahon ng pinakaunang leader namin na si Charles Daniel McV, ang aking tatay. Siya ang tanging nakaligtas sa pagmamaltrato ni Midori Egup at Darwin Egrup, ang nagmamayari ng Purge Academy at Montello University. Wala silang awa, mga hayop. Di na sila naawa sa aking ama kaya doon nagsimula ang pinagsamang fraternity at montello kaya nabuo ang Fratello. Nagsimula silang pumatay ng estudyante na bumabangga sa kanila hanggang pumatay na din sila ng mga teacher na binabagsak sila. At dahil doon, nagkaroon ng special montellonians. Ihiniwalay nila ang mga special montellonians dahil sa wala ng nageenroll sa Montello University ka, nalulugi ang kanilang eskwelahan."

Dahil doon ? Parang ang babaw naman ata nila. "Ang babaw niyo. Para saan kapag tumaas ang ranggo niyo ? Mabubuhay ba kayo niyang magpagkawalang hanggan ?"

Tumingin naman sa akin si Bryan at agad akong dinambahan ng suntok. "DI MO ALAM ANG PINAGDAANAN KO AT NG PAMILYA NAMIN DAHIL WALA KANG ALAM !"

"TAMA NA ANG DRAMAHAN. OH, ANO ? ALAM NIYO NA KUNG ANO ANG DAHILAN ? SO, MAGPATAYAN NA TAYO. ANG MECHA--"

"ITIGIL NIYO NA ANG KALOKOHAN NIYONG ITO !"sigaw ng isang babaeng kadadating lang.

Tinutukan nito ng baril si Byan at Cyrinne.

Sa likod nito, nandoon si Faith at Chino. May binulong si Faith don sa babae at ibinaba ng babae ang baril nito.

Dahan-dahang lumapit si Faith sa kinaroroonan ni Bryan.

"Kilala na kita."sabi ni Faith. "IKAW ! IKAW ANG DAHILAN KUNG BAKIT NAMATAY SI MAMA AT PAPA !"

Dinuro-duro niya si Bryan. "IKAW ANG DAHILAN KUNG BAKIT NANGUNGULILA AKO ! IKAW ANG DAHILAN KUNG BAKIT MAGISA AKO ! IKAW ANG DAHILAN KUNG BAKIT TUMIRA AKO SA KALYE ! IKAW ! IKAW AT IKAW ! KAYA PALA PAMILYAR ANG APILYEDO MO SA AKIN DAHIL IKAW ANG NAGIISANG ANAK NI CHARLES DANIEL MCV ANG WALANG AWANG PUMATAY SA AKING MAGULANG, ANG WALANG AWANG NAGNAKAW SA AMING MGA YAMAN ! KAYO ANG dahilan ... kayo ... kayo ..."sabi niya at napaluhod sa harapan ni Bryan.

Umiyak siya ng umiyak doon.

"isinusumpa ko simula nung maulila ako ..."bulong nito. "na ... PAPATAYIN KO ANG NAGIISANG ANAK NI CHARLES DARWIN MCV !"

Nagulat kami ng biglang may narinig kaming putok ng baril. Matatamaan sana si Bryan pero humarang si Cyrinne at siya ang naputukan.

"M—miles ..."sambit nilang lahat.

"WALANG HIYA KA ! IKAW ANG PUMATAY SA KAMBAL KO ! DAPAT AKO NA LANG ! DAPAT AKO !!!"sigaw nito at nagpaputok ng tatlong beses.

Nakarinig kami ng ilang sirena na nagmumula sa labas at kasabay non ang pagbagsak ng katawan ni Cyrinne at Bryan.

Binitawan nung Miles ang hawak nitong baril at agad yumakap kay Faith at nagsimulang umiyak.

Sinimulang kalasin ni Chino at ng mga pulis ang mga taling nagpupulupot sa amin.

*bang*

Isang nakakarinding pagputok ang gumambala sa aming lahat.

Hindi ... Hindi pwede to !

"FAITH !!!"
################
HUWAAAT ?! ANYARE ?! EPILOGUE NA ANG SUSUNOD NA UPDATE PERO BAKIT MAY GANITONG NAGYAYARI ? SO, AYON. SALAMAT SA 1.75K READS.

PS. OH, MILES ! ANO ? MATUWA KA ! HAHAHA ! KAMBAL MO PALA YUNG NAMATAY AT HINDI IKAW ! DI KAMI NAINFORM !

Read. Vote. Comment. Repeat.

The Bloody Section: Chasing Murderers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon