Epilogue (Editing/Revising/Rewriting)

379 14 4
                                    

After Two Years ...

"Congratulations, new graduates!"

Sa loob ng dalawang taon, maraming nangyari. Sa loob din ng dalawang taon, maraming nagbago. "Faith! Picture tayo!"

Sa loob din ng dalawang taon, nakatapos na din sila ng pagaaral. Di mo talaga aakalaing makakayanan nila ang mga suliraning na nangyari sa kanila. Nagsimula sa curiosity kills at napunta sa killing.

FLASHBACK

"Faaaith!!!"

*bang bang*

Unti-unting bumagsak si Faith sa sahig. Agad namang pinaputukan ng mga pulis si Cyrinne at pinosasan sila. Ang lahat ay nagsitakbuhan papunta kay Faith.

"Insan, wag kang bibitaw! Sinasabi ko sayo! Uupakan talaga kita!"banta ng pinsan ni Faith, ang kasama nilang pumunta sa Death Plan.

Agad namang isinakay si Faith sa ambulansya.

FLASHBACK END

"Bry! Ihanda mo na yung montero!"utos ni Chino.

Sa loob ng dalawang taon, nagkapatawaran na rin sila Bryan at Faith.

FLASHBACK

"P-patay na si Cyrinne."

Tiningnan lang ni Faith si Bryan na nakaluhod. Nagmamakaawa na patawarin siya nito. "Oh eh, ano ngayon? Bubuhayin ko ba siya tapos papatayin?"

"P-patawarin mo na ko. Handa akong magbayad sa lahat ng ginawa ko. Ipakulong mo ako! Basta patawarin mo lang ako. Mahal kita, Faith. Mahal na mahal kita."mangiyak-ngiyak na sabi ni Byan.

"Matagal na kitang pinatawad, Bry. Pero sobrang sakit kasi. Niloko mo na nga ko, sinaktan mo pa ko. Lumayo ka na lang sakin at wag ka na rin magpakita pa."

FLASHBACK END

"So, san tayo?"tanong ni Hazel.

"Sa Garden of Memories, babes."sabi ni Emmanuel sa kanyang girlfriend.

"Ang corny niyo! Don nga kayo!"

The Bloody Section: Chasing Murderers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon