The Bloody Section: Chasing Murderers <3 <3
################
FAITH's POV"WHAT THE FVCK ? ASAN NA YUNG MGA YON ?!"sigaw ni Chino.
Paalis na kami dito sa resthouse nila Bryan. Ang One Week na dapat puno ng saya ay naging tatlong araw na puno ng takot.
Nakaupo lang si Emmanuel at Hazel sa isang couch habang si Daniel at Kate nasa labas at si Prince, Priscilla, Chino at ako ay nandito sa sofa.
Si Emmanuel at Hazel, nagliligawan.
Si Daniel at Kate, inaayos ang relasyon nilang dalawa.
Habang si Prince at Priscilla, relationship goals.
Si Chino at ako ? Ayon. Tambay.
"ARGH ! ALIS NA TAYO !"sigaw ni Chino in frustration.
Kahit ako din naiinis kasi almost five hours na kaming naghihintay dito.
Binitbit na ni Chino ang kanyang gamit at ibinigay kay Manong Alo. Tinawagan na namin si Manong Alo para makaalis na kami.
"FAITH ! FAITH !"sigaw ni Chino.
Agad naman akong pumunta sa van. "Baki- OHMYGOSH !"
Napatakip ako sa bunganga ko. A—anong ... ?
Si Manong Alo. Hiwa ang katawan. Puno ng saksak at taga sa mukha. Umaalingasaw ang lansa ng dugo.
Sa gitna ng hiwa niya sa katawan, may papel na nakalagay don.
WALANG MADUDULOT NA MAGANDA ANG TAONG PAKILAMERO.
Di pwede.
"Hello, Mang Alo ?"
"Hija. Kailangan ko kayong puntahan dyan."
"Tamang-tama po. Tumawag po ako para magpaalam sa inyo na sunduin niyo na po kami dito."
"Hayaan mo. Pagdating na pagdating ko dyan. Hahanapin ko ang ibidensya."
"Po ?"
"Sige, hija. Bukas na lang."
A—anong ibidensya.
"C—chino."sabi ko.
---
Third Person's POV"Let's go to the Room B !"masiglang sabi ni Bryan.
Magaalas-nuwebe na siyang dumating dahil nalaman niya na parating ang driver niyang taksil sa rest house nila. At para matahimik ang driver niya, pinatay niya ito.
"Recardo ! Buhusan ng malamig na tubig iyang gago."utos ni Bryan.
Agad namang binuhusan ni Recardo ng malamig na tubig si Detective Marquez.
Nagasing agad si Detective Marquez dahil sa lamig na naramdaman niya.
"Oh ? Kailangan talagang binubuhusan ka para magising ka ?"tanong ni Marionette.
Sinamaan lang siya ng tingin ni Detective Marquez. "So, ano ? Ready ka na ba sa part two ?"
"Mamatay ka na."walang ganang sigaw ni Detective Maquez.
"Mauuna ka muna."ngiting-ngiting sabi ni Marionette.
Bumukas na ang telebisyon na nakakonekta sa Room B
Nandoon si Gabriel. Nakatali siya sa isang bakal.
Doon sa Room B, meron dong mga parang obstacles. Lahat may patusok.
BINABASA MO ANG
The Bloody Section: Chasing Murderers (Completed)
Mystery / Thriller[BLOODY SERIES #1] Never trust to anyone or everyone. --- Date Started: 07-12-2015 Date Finished: 10-07-2015