"Aray ko naman baks, wag mo naman masyadong idiin!" Pasigaw na sabi ni Felipe.
Kasalukuyan ko kasing nilalagyan ng cold compressed yung ilong niya at dahil isa akong mabait na kaibigan ay lalo ko pa itong idiniin.
"Langya naman baks oh!" Sabi nito at agad na pinalo ang kamay ko na may hawak na icepack at inagaw ito sakin.
Agad ko siyang inirapan at humilata sa kama niya.
Tahimik lang akong nakatingin sa kisame. Mariin akong napapikit ng maalala ko na hinalikan ako ng isang hudas. Paksh*t na buhay na oh.
Napahawak ako sa labi ko. Wala na ang first kiss ko.
"Ui si bakla nakahalik na. Ano masarap ba?" Nanunuksong sabi ni Felipe.
"Ito oh masarap!" Sabi ko at binigyan siya ng isang malakas na hampas sa ulo. "Kasalanan mo yun eh. Bwisit ka. Bwisit sya! Grrr" naggagalaiting sabi ko.
"Pero seryoso bakla, hindi mo ba sya kilala talaga?" Tanong niya sa akin. Agad naman napakunot ang noo ko. Pakiramdam ko tuloy ako lang ang hindi nakakakilala sa kanya, kasi yung mukha ni bakla mukhang kilalang kilala niya yung mga hudas na yun.
"Bakit pakiramdam ko ako lang ang hindi nakakakilala sa kanila?" Patanong kong sabi kay bakla.
"Oh.My.G.!" Sabi niya at halatang gulat na gulat ang mukha niya. "Hindi mo ba sila kilala talaga?" Nakatiling sabi pa nito.
Napatakip rin ako na tenga, ang sakit kasi ng tili nito, kairita ang boses. "Bwisit bakla, ang sakit sa tenga. Pwede ba! Hindi ko nga sila kilala eh. Bakit ba!" Balik sigaw ko dito.
"Taga outerspace ka ba?" Naarteng sabi nito.
Hindi na ako sumagot. Inirapan ko siya at kinuha ang isang pack ng potato chips sa side table dito.
"Ok. Alam ko ang ganyang kilos mo. Ok. Ok. Ok. Ihanda mo ang sarili mo dahil ipapakilala ko sayo ang nagnakaw ng first kiss mo!" Sabi nito at inilapag ang hawak niyang icepack.
"Yung lalaking humalik sayo at ang lalaking sumuntok sa akin ay ang lider ng symphony soldier..." panimula nito.
Symphony soldier.
Symphony soldier.
Symphony soldier. Parang narinig ko na yun, pero hindi ko alam kung saan.
"Well, symphony soldier is the most popular and notorious fraternity sa campus natin." Tinignan ko ang mukha niya, seryoso ito, ibig sabihin seryoso ang mga sinasabi niya.
Napakunot ang noo ko. Symphony soldier. Popular. Notorious. Fraternity. Sa campus.
"Speechless. Tsk.tsk.tsk." sabi nito habang umiiling pa. "At yung lalaking inalayan mo ng labi mo ay walang iba kung di ang lider nila. Si Kiosh Nicholas Choi" sabi nito.
Agad ako tinaasan ng balahibo. Yung lalaking binato ko ng bag at yung lalaking humalik sa akin ang lider nila. Shoots. Sht.
"At ang alam ko, hindi lang sila basta simpleng fraternity, kasi lahat ng member nila ay puro anak mayaman. Mapera. Kaya kapag may ayaw silang tao at isang taong gusto nilang ipatumba ay kayang kaya nila ipagawa. Tsk. Tsk. Wala silang pinapatawad. Mapa lalaki o babae o kahit bakla at tomboy." Dagdaag pa nito.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Really. Totoo ba na talagang nakabangga ko ang lider ng fraternity na yun.
Napalunok ako ng laway.
"At ito pa ang chika. Ito. Ito building kung nasan ang unit mo ay pag mamay-ari ng pamilya niya!" Dagdag nito.
"Wow. No way!" Pasigaw na sabi ko.
BINABASA MO ANG
CEO's SON (Sweet Lies, Bitter Truth)
RandomAlways Remember the saying. "The truth will always sets you free" even if it hurts like hell.