Bwisit!
Bwisit!
Bwisit!
Bwisit talagang buhay to!
Nakakainis. Nakakasura.
Bakit ba kasi patuloy parin sa pagluha tong mga mata ko? Du ba ako mauubusan ng luha? Di ba mawawala to? Kainis.
Naiinis ako, dahil hanggang ngayon, nandito parin ako sa hukay na ginawa ko, lubong na lubong na ako sa sakit, sa hinagpis. Putapete... di ko naisip na darating ang araw na to.. na magiging brokenhearted ako, na magmamahal ako ng isang tao na parang tuod sa kamanhidan, na magmamahal ako ng isang taong mas malamig pa sa -25 degrees ang ugali! Bwisit!
Sa pang-labing limang beses e, pinunit ko ulit ang tracing paper na nasa harapan ko, Putik! Di ko magawa ng maayos tong blueprint ko..takte.. sa isang araw ko na ito ipapasa at hindi ko rin ito matututukan bukas dahil may laro kami!
At muli, sa pang labing-anim na beses, huminga ako ng malalim, sabay punas ng mga luha sa aking mukha at kumuha ako ng tissue para ipunas sa tumutulong sipon ko na nakuha ko mula sa labis ng pag iyak.
Bwisit. Buti pa silang dalawa masaya na, samantalang ako, patuloy ko pa rin iniiyak ang ginawa nya sa akin! Kasura.
Pero kagaya nga ng payo ko sa sarili, dapat hindi maapektuhan ng mga personal kong problema ang pag-aaral ko. Dapat ko munang iwaglit sa isipan ko ang katarantaduhang ginawa sa akin ng hudas ng yun.
Hinawakan ko na ulit ang lapis ko at nag umpisang mag drawing. Kailangan matapos ko ang propose design ko ng isang Park.
Ng isang Park.
Isang Park.
Park.
Putik. Naiiyak na naman ako, naalala ko na naman ang pagsampal niya sa akin ng katotohanan Na ginamit nya lang ako. . napinamukha nya sa akin na hindi nya ako mahal.. sa park. Sa park, kung saan dapat masasayang alaala lang ang maiisip mo, sa park kung saan maraming tao ang nakahanap ng forever nila. Tsk. Sound so ironic to me.
Tok. Tok. Tok.
Halos malaglag ako sa kinauupuan ko dahil sa gulat, shocks, sino naman kasi ang hindi magugulat kong may hudaa na kakalampag sa pintuan ng condo mo! Wala pa naman si Felipe. Sino kaya yun?
At kahit medyo alanganin ako na pagbuksan ang kung aino mang kumakalampag sa pintuan... kung sa bagay, ready naman ako... nang self-defense 101 kaya ako dati.
Bago ko hawakan ang doorknob e sumipil muna ako sa maliit na butas na nasa pinto.
Biglang napakunot ang noo ko, dahil wala namang tao. Huh... baka may nagti-trip lang. Bwisit!
Akmang babalik na sana ako sa kwarto ko nang makarinig ako ulit ng malakas na kalampag! Putek. Sino ba yun? At dahil kagustuhan kong mahuli yung kumakalampag sa pinto e, walang ano-anong binuksan ko ito, at lalo namang akong nakaramdam ng inis ng wala namang taong tumambad sa harapan ko! Ano ba yan!
Isasara ko na sana ang pinto pero, kaagad kong napansin ang isang nakahandusay na katawan... nakadapa ito, kaya hindi ko maaninag ang mukha.. pero beses sa suot nito damit at sa amoy ng pabangon niya, Kilala ko ito... kilalang kilala.
Dahan dahan akong lumuhod para itihaya ito, nanginging ang mga kamay ko ng mailapat ko ito sa likuran nya. Impossible!
Hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng matinding kaba ng makita ko ang duguan nyang mukha, putok ang ibabang labi nya, may maliit ding cut ang kaliwang pisngin nya. God. Anong nagyari sa isang to?
BINABASA MO ANG
CEO's SON (Sweet Lies, Bitter Truth)
RandomAlways Remember the saying. "The truth will always sets you free" even if it hurts like hell.