"Alam ko dito ko nakita yun eh, bakit wala na! Kainis." Mahinang bulong ko sa sarili ko.
Nasan na ba yung librong yun? Kainis.
Andito ako ngayon sa library at hinahanap yung librong gagamitin ko para sa project ko sa literature.
One week na ang nakalipas mula nung nagyari yung 'egg incident' ko at sa awa ng Diyos ay tahimik na ang buhay ko, nawala bigla sa mga social network ang issue na kinasangkutan ko, na hindi naman talaga ako dapat kasali. Inamin na rin kasi ni Thunder ang totoo... buti naman!
Kahit may mga pasa pa ako sa katawan eh pinilit ko na ring pumasok, buti na lang friday nagyari yun, at sa buong weekend nagpahinga lang ako.
Bumuhos ang pagmamahal ng mga loyal na fans ko sa akin, grabe! Nakakaiyak.
Speaking of egg incident, nabalitaan ko na nakakulong daw yung mga babaeng sumugod sa akin nun. Pinipilit pa nga ako nila Ara na puntahan yung mga babaeng yun sa kulungan, pero hindi rin nila ako napilit. Ayoko silang makita.
Wait. Balik tayo sa paghahanap ko ng libro!
Dahan dahan kong pinadaan ang mga daliri ko sa mga librong nasa harapan ko at maiging binabasa ang title ng mga to. Nasan na ba yun?
Matignan nga sa kabilang shelf.
Agad ako umikot para harapin yung kabilang shelf, pero mabilis din akong napasandal sa bookshelf kung saan ako nakaharap kanina. May tao kasing nakatayo ngayon sa harapan ko.
At dahil medyo madilim sa parteng ito ay di ko maaninag ang mukha nya.
Napapikit ako ng mariin ng maramdaman ang katawan nyang napakalapit sa akin. Ano ba!
Itataas ko sana ang mga kamay ko para pigilan sya, pero mabilis nya itong nahawakan. Oh no.
Gusto kong takpan ang ilong ko dahil sa matapang na amoy nito.
"Hi Keona. I miss you so much." Agad agad akong nakaramdam ng kilabot at nabalot ang katawan ko ng takot ng marinig ko ang mga sinabi nya. Oh on. Ano ba to. Boses pa lang nya, alam na alam ko na kung sinong may ari nun!
"Umh. L-let me g-go." Nauutal na sabi ko dito.
"Di mo man lang ba sasabihin na namiss mo rin ako. Your so sweet my girl." Mabagal ngunit matigas na saad nito.
Halos kumawala sa dibdib ko ang puso ko ng maramdaman ko ang ilong nitong nakadikit sa pisngin ko na parang aso lang kung makaamoy.
"Nothing change. You still smell the same and I like it." Dagdag nito.
Naramdaman ko na lang na may mainit na bagay ang bumababa sa pisngin ko.
"Don't cry Keona. You know that I'm harmless. And hurting you was the last thing I would do." Sabi nito. Binitawan nya ang mga kamay kong hawak nya at dahan dahang pinunasan ang pisngi ko.
"Layuan mo n-na ako." Naiiyak na sabi ko.
"I won't Keona." Matigas na sabi nito.
Tinignan ko ang mga mata nya at seryoso itong nakatingin sa akin. Pero kahit anong tingin ko dito ay puro takot lang ang nararamdaman ko.
"Please Ti---" biglang naputol ang sasabihin ko ng may nagsalita sa likudan ng lalaking nakatayo sa harapan ko.
"Put away your fvcking dirty hand to her, Tiemsen." Matigas na sabi nito.
Inalis ni Tiemsen ang kamay nyang nasa pisngi ko at hinarap ang lalaking nag utos sa kanya.
BINABASA MO ANG
CEO's SON (Sweet Lies, Bitter Truth)
RandomAlways Remember the saying. "The truth will always sets you free" even if it hurts like hell.