"Brrr. Ang lamig naman." Mahinang sabi ko, nakakahiya, baka kasi marinig ako ng mga classmates ko.
Agad kong tinago ang mga kamay ko sa bulsa ng suot kong kulay yellow na hoddie, dont worry may tshirt naman akong suot, buti na lang nag pants ako ngayon. Maulan kasi ngayong araw, tapos kung makatodo ng bukas ng aircon tong mga classmate ko, kala mo ngayon lang nakapag aircon. Yeah. Andito ako or kaming dalawa ni Felipe sa classroom.
Nakaupo kami sa pinakadulo. May Movie viewing kasi kami, papanoorin daw namin yung movie ng 'Dead Poet Society'. Napanood ko na yung movie na yun, kaya niyaya ko si Felipe na sa dulo na lang kami umupo, para kapag inantok ako e pwede akong yumuko. Well, wala choice si Felipe kundi tumabi sa akin.
Napalibot ang mga mata ko sa buong classroom.... Wait? Anong oras na ba? Medyo marami na rin kami dito sa room e, pero wala pa si Prof.
Si Kiosh kaya papasok na? Ito ang unang klase namin after ng foundation week e. Sana naman pumasok na sya.
Binalik ko ang mga mata ko sa mga papers na nasa harapan ko, hehe. Magbabasa muna ako ng ibang lessons ko. Review review din kapag may time.
"Hi Kiosh!" Agad akong napaangat ng tingin ng marinig ko ang maarteng pagsasalita ni Margaux. Isa sa mga kinaaayawan kong tao sa buong campus, si Margaux na yata ng 'epitomy of pabebes'! Grr. Sadyang nilikha yata ang salitang pabebe, dahil sa kanya.
Pero iset aside na natin si Margaux dahil naramdaman ko naman ang paglukso ng puso ko at ang weird ng paglipad ng mga pesteng paru paro sa sistema ko.
Si Kiosh..si Kiosh pumasok sya ngayon! Waaahh! Waaahh! He look so good sa suot nya black loose longsleeves at black jeans at syempre, black na vans! Isa syang black man, ang lakas maka-'goons' ng dating nya, halatang halatang isa sya bad boy! Litaw na litaw ang kaputian nya sa mga kulay itim nyang damit.
"Baka matunaw..." narinig kong bulong ni Felipe sa akin.
Aaminin ko naman na napatulala ako kay Kiosh e, di na nya kailangang sabihin. F na F ko na yung moment e.
Pero, di ko maiwasang maramdaman ang pagkirot ng dibdib ko, dahil nakita ko ang pag upo ni Kiosh sa pwesto ng grupo ni Margaux at hindi man lang nya ako tinapunan kahit isang sulyap. Kahit katiting na tingin man lang!
Bakit ganon sya? Di pa ba sapat ang almost 1 month naming di pagkikita, friends naman kami diba? Yung nga lang iba na pala ngayon. Fvck.
Ito na siguro ang consecquences ng mga ginawa mo sa kanya Keona.
Mabilis kong iniling iling ang ulo ko, para atleast mabawasan ang pag init ng mga mata ko, hehe. Nahihiya akong ipakita kay Felipe na naiiyak na ako.
Umiwas na ako ng tingin at nagbasa na lang.
*****
Nung nag umpisa kaming manood ng movie e, tamad na tamad na ako, kaya ngayong halos patapos na yung movie e, talagang inaantok na ako. Kanina ko pa nga gustong umalis dito, parang nakakasuffocate na kasama si Kiosh sa isang kwarto kahit marami naman kaming nasa loob. Tsk.
Pero, kahit hindi nya ako tinapunan ng tingin, hindi ko parin maiwasang tingnan sya at aaminin kong naiinis ako sa nakikita ko! Si Margaux kasi parang ahas kung makalingkis kay Kiosh, tapos si Nash at si Kuya Eon, hindi man lamang sila sawayin.
Ghad. Durog durog na kaya tong puso ko.
Pero on the other side, sino ba ako para mainis sa mga ginagawa nya ngayon, eh diba nga ako yung nag iwan.
"Ilong mo umuusok na." Mahinang sabi ni Felipe, kahit hindi sya nakatingin sa akin, alam kong ako yung kinakausap nya, kami lang naman yung nasa likod e.
BINABASA MO ANG
CEO's SON (Sweet Lies, Bitter Truth)
RandomAlways Remember the saying. "The truth will always sets you free" even if it hurts like hell.