CS#26

4.9K 102 5
                                    

G-R-R-R!

Unang basa nyo palang alam nyo ng badtrip ako! Badtrip! Badtrip!

Bakit ako badtrip? Bakit? Gusto nyo talagang malaman?!

Well, unang reason kung bat ako badtrip ay... natalo kami sa unang laro namin sa unang araw ng pagbubukas ng sinasalihan naming volleyball competition kung saan ilan sa mga kilalang school ay kasali. Yearly to... at umpisa na ng season namin kung saan maraming tao ang nakapanood ng pagkatalo namin sa mahigpit naming kalaban sa pagiging champion paat season. Pakshit. Unang beses naming matalo sa loob ng apat na taon at ang malupit pa.. opening game. Kaya alam nyo ba kung anong nagyari...

ito kakatapos lang ng isang malupit at suicidal training.

Grabe. Pagod na pagod ako.

At alam nyo ba kung ano pa ang nakakapagpa-badtrip sa akin. Si KIOSH. He promised me na manonood sya ng game namin, pero no show ang loko, umasa lang ako. Kumukulo talaga ang dugo sa fratman na yun, lalo pa akong na-HB ng mabasa ko ang text nya....

From: Stalward Kiosh <3

Need at the rooftop.

Tignan mo yun... sinong hindi maiinis dun. Wala man lang sorry or pag explain bat wala sya at bakit nya ako pinapapunta doon.

Haist. Shit. Pero wala akong choice... kahit pwede ko namang deadmahin yung text nya at umuwi na lang sa bahay ay hindi ko muna ginawa,alam nyo kung bakit? kasi sobrang miss ko na rin sya, hindi pa kami nagkikita, dalawang araw na at yung text nya sa akin kanina.. yun yung unang text nya sa akin simula nung dalawang araw na M.I.A. sya.

O diba ang sweet nya? F na F ko ang pagkakaroon ng boyfriend dahil sa kanya. Insert the sacasm. -_-

Pumasok na ako sa elevator at pinindot ang floor kung saan ako pupunta.

Bakit kaya ako pinapapunta ni Kiosh doon? Wait baka nga may suprise sya... hehe.. diba ganun yung mga guys sa movie..  yung magpapamiss muna yung guy tapos may suprise pala sya sayo... waaahh! baka maihi ako nito dahil sa kilig kung gagawin man ni Kiosh yun. Kung maitatanong nyo kasi.. today is our 3rd monthsarry. O alam nyo na kung bat feeling ko may suprise sa akin si Kiosh. Hehe.

Ting!

Narinig ko tunog ng elevator kasabay ng dahang dahang pagbukas ng pinto.

Wah.  Agad akong lumabas ng elevator para magtungon sa pinto papunta sa roofdeck.

Akmang hahawakan ko na ang doorknob pero mapatigil ako dahil nakita kong nakabukas ng bahagya ang pinto... kaya mula sa pwesti ko ay nakikita ko kung sino ang mga taong nasa loob.

Ang buong symphony soldier. Anong ginagawa nila dito? Tumulong ba sila kay Kiosh para isuprise ako? Wow. Ang sweet nila.

Papasok na saan ako ng marinig kong nagsalita si Nash. "Are you ready?"

Sinundan ko ang tingin ni Nash at nakatuon ang mata nya kay Kiosh na ngayon ay nakaupo at kahiy nakatalikod sya sa akin ay alam kong nakahalukipkip ang mga braso nito.

"Yes." maikli at cold na sabi ni Kiosh.

"How about Tifanny? Alam nya na ba to?" may nagsalita ulit, at base sa boses na narinig ko ay si Kuya Eon ang nagsalita.

"Yes. And after this things will be easier for me and for Tifanny." sagot ni Kiosh.

Wait. Ano daw? Easier for him and for Tifanny? Bakit napasok si Tifanny sa usapan.

"Your really inlove with her, huh." sabi ng chickboy na si Perry.

"Yes. I'm madly, deeply inlove with her." sagot ni Kiosh. Wait lang pansin ko lang ha... parang nakahotseat ngayon si Kiosh ha.

"How about her. What's your plan?" tanong ng counterpart ni Perry na si Harry.

















"I'm breaking up with her." mahinang sagot ni Kiosh, pero sapat lang para marinig ko.

What? Breaking up? with her? What is he talking about?


"Later when she's here. I will tell her the truth. Na wala akong ibang mahal at mamahalin kung hindi si Tifanny. Aaminin ko lahat sa kanya that I just used her to forget Tifanny." pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig ng marinig ang mga katagang yun galing kay Kiosh.

Para akong nanigas ng marinig na wala syang ibang mahal kung hindi si Tifanny. Na ginamit lang nya ako para lang kalimutan si Tifanny. Totoo ba yun? Rebound lang ako?

"The truth will hurt her." sabi ni Ivan.

"atleast it will set everyone free. No lies. No travesty." narinig kong sagot ni Kiosh.

Fvck. Bakit ganito ang nararamdaman ko, para naninikip yung dibdib ko. Sa akin ba sya makikipagbreak talaga?

"I'm also sick and tired na makisama sa isang annoying, childish and sensitive na si Keona. Di ko na kayang makasama araw araw. Mas gusto kong kasama si Tifanny, alam nya kung paano ako pakisamahan, alam nya lahat ng gusto ko.." and that's it... that's a cue for me to cry... basta basta na lang umagos ang luha sa mukha ko, Fvck. ayaw nilang tumigil.


So all this time, pinakikisamahan lang ako ni Kiosh? Sa loob ng 3 months, habang kami ni Kiosh si Tifanny lang ang mahal nya ang nasa puso nya... at ako.. ako ang ginamit nya para pagtagpan ang malaking void na iniwan ni Tifanny? Ganun ba yun?


Lalakad na sana ako mapunta sa unit ko ng biglang bumukas ang pintuan kung saan ako nagtatago.

"Keona...." narinig kong tawag ni Ivan sa akin.

Agad akong napatigin kay Ivan, pero napatingin ako agad ako sa lalaking nakatalikod sa akin, tahimik at wala pa rin itong reaction.

"Hi Ate Keona. Kanina ka pa ba dyan?" naiilang na tanong ni Chammy sa akin.









Di ko na kaya. Ang sakit.


Di ko na pinansin ang tanong ni Chammy at basta basta na lang ako tumakbo papasok ng elevator. Nakakagulat dahil wala man lang akong narinig na tumawag sa pangalan ko para pigilan ako sa pagwo-walk out.


Kahit nasa elevator pa lang ako ay hindi ko na mapigipan ang maiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko. Bakit Kiosh? Bakit?

Akala ko sa ating dalawa, ako lang angmay tinatagong lihim na pwedeng makasira sa kung anong meron sa atin. Bakit?

Ang sakit ng ginawa mo sa akin.












a/n: short update.. sorry sa pag aantay! Babawi ako before matapos ang taong ito, tapos na rin po ito. It's near end already, few chapters left! Expect drama and lessons to be learn.



Kamsahamnida. Sarang. <3





CEO's SON (Sweet Lies, Bitter Truth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon