CS#17

5.7K 120 2
                                    

"Aba Keona. Wala ka ni isang activity na inattendan sa foundation week ha. Unfair na yan." Sermon sa akin ni Coach habang kausap ko sa cellphone.

"Coach. Masama talaga pakiramdam ko e. Sorry po." Pangangatwiran ko.

Ang totoo niyan, di naman masama ang pakiramdam ko, wala akong sakit, ayoko lang talagang pumunta sa school. Gusto ko lang magmukmok sa bahay.

Tsk. Naiinis kasi ako. Naiinis ako sa sarili ko. Kasi kahit anong pilit kong makalimutan yung hindi pagpansin sa akin ni Kiosh nung magkasalubong kami sa gymnasium ng school. Eh hindi talaga yun mawala sa utak at sa puso ko, naiiyak ako sa tuwing naaalala ko yun.

Pero alam ko naman na may kasalanan din ako, ako ang unang gumawa ng move para gawin nya yun. Nagawa nya yun dahil galit sya. Dahil iniwan ko sya.

"Hoy Dae, naintindihan mo ba ang sinasabi ko?!" Nagulat ako ng marinig ang sigaw ni coach.

Naramdaman ko na may mga luha nanaman ako sa pisngin, "sorry po coach." Apologetic kong sabi. Nawala kasi ako sa sarili kanina, dahil sa pag alala ng pag deadma sa akin ni Kiosh, kaya clueless ako sa sinabi ni coach.

"Tsk. Ang hirap mabrokenhearted no. Tsk. It's now or never Keona. Pumunta ka sa closing ceremony ng foundarion week or kung hindi magiging benchwarmer ka this coming season. Naiintindihan mo ba?!" Napapikit ako sa sinabi ni coach.

Brokenhearted na nga ako, benchwarmer pa? Tsk ayoko.

"Sige coach. Pupunta na po ako." Pagsuko ko.

"Ok. Pumunta ka na ngayon." Sabi nito at pinutol na ang tawag.

Napasandal ako sa sofa'ng kinauupuan ko, sabay tingin sa pinanonood ko. Nandito lang ako sa salas ngayon at nanonood ng paborito kong kalyeserye.

Hay, buti pa si Yaya Dub, pinaglalaban ni Alden ang damdamin nila kay Lola Nidora, kahit gaano kakomplikado ang situation nila, masaya pa rin nilang pinaglalaban ang pag ibig nila.

Ohohoho. Drama alert.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at nagpunta sa kwarto para maligo at makapunta na sa school.

Haist.

*****

After almost an hour, naglalakad na ako papuntang school, nandun na kasi si Felipe eh, kaya ako lang mag isa.

Pero bago muna ako lumabas ng unit ko, kumuha muna ang ng isang bar ng chocolate sa ref. Hehe. Kay Felipe pa naman to.

Tuloy tuloy lang ang lakad ko papuntang school, simple lang ang porma ko, I'm wearing not so short shorts, paired with my favorite emerald green hoddie na may pangalan ng school namin, syempre may suot naman akong sando, incase na mainitan ako and yellow vans, wala akong dalang bag, di naman ako mahilig sa mga abubut kaya ang cellphone kong dala e, nasa bulsa ng hoodie ko at yung pera ko naman ay nasa bulsa ng shorts ko, less bitbit, less hassle. Yan ang motto ko.

Within 15mins nakarating na ako sa school. Nakakarinig na rin ako ng mga bandang tumutugtog sa quadrangle ng school, start na pala ng last activity ng school. Ang battle of the bands.

Kinuha ko muna yung cellphone ko para makita kung nagtext na ba sila Ara. And viola. Nasa quadrangle daw sila kasama si Coach at ako na lang daw ang kulang. Tsk.

Naglakad na ako ng mabilis, para mapuntahan sila, taimtim din akong nagdarasal na sana ay wag ko syang makita.

Ngunit kahit anong bilis ng lakad ko para makapunta sa kanila, e, natatagalan ako, dahil sa mga nilalang na hinaharang ako para magpapicture. Hassle. Hagard na ako. Nakailan na ang nagpapicture sa akin, bago ko naisipang itago bahagya ang chocolate na kinakain ko. Nakuuu.. baka makita to ni Felipe.

CEO's SON (Sweet Lies, Bitter Truth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon