CS#12

7.1K 125 2
                                    

"Tapos alam mo ba...hindi pala si Tinidora yung nanay ni Yaya Dub. Grabe. Ang dami ko talagang tawa kapag nanonood ng kalyeserye na yun. Hahaha!" Kwento ko kay Timothy, pero syempre sa bawat kwento ko di ko talaga mapigilang tumawa. Scrap -- humalakhak pala.

"Saya mo nga eh. Ganon ka talaga kaadik sa lovestory ni Yaya Dub at Alden no?" Tanong nito sa akin habang busy sa paghahalo ng spag. na binili nya para sa akin. Ganyan talaga si Timothy, lagi nyang hinahalo ang spag. na kakainin ko, even paghimay ng chicken na kakainin ko, ginagawa nya, for almost 4 years ng friendship namin, ganyan na sya. Sweet!

"Ano ka ba! Kaenjoy kaya tapos nakakakilig pa si Alden kasi gagawin nya lahat para lang patunayan kay Lola Nidora na may forever sila ni yaya Dub, na meant to be silang dalawa." Kwento ko pa, di ko na matago yung mga ngipin ko dahil sa ngiti ko, dulot ng kilig dahil sa pag alala ko sa 'Aldub' loveteam.

"Tsk. Parang tayo lang din pala." Narinig kong sagot ni Timothy, sabay tulak ng plato ko na may lamang spag. Tinignan ko si Timothy at makikita mo na seryoso at may lungkot ang mukha nya.

"I'm sorry." Sabi ko.

Hindi naman kasi ako bato at hindi rin naman ako manhid para hindi maintindihan kung ano ang ibig sabihin ni Timothy sa sinabi nyang...
'Parang tayo lang din pala.'

Bigla ko tuloy naalala kung paano kami nagkakilala ni Timothy.

---

Mag fi-First year college palang ako nun, Summer palang, pero start na ng training namin para sa volleyball. Ni-recruit ako ng school na ito, to be one of their roockie. Since dito naman nagcollege si Dada ko I grab the oppurtunity na rin.

Full scholar na, makakapaglaro pa ako ng volleyball, may free food stab pa kami. Hehehe!

Then, one day, kailangan kong pumunta ng gym para magpractise at dahil may sakit ako na ang tawag ay 'katangahan' naligaw ako sa loob ng campus, di ko pa kasi ito ganon kakabisado, lagi kasi akong nakaasa kay Felipe.

At dahil sa takot naiyak na lang ako, malas dahil wala pa akong dalang cellphone nung araw ng yun.

Tinignan ko yung paligid. Shocks. Nandito ako sa masukal na part ng school, puro puno, tapos may mga damo na matataas. Kung ano anong bagay ang naiisip ko nun.

Para mapakalma ang takot na nasa dibdib ko ay sumalampak muna ako sa damuhan. Inisip ang dinaanan at nadaanan ko kanina.

I was about to walk, ng biglang may humawak sa braso ko nun, at dahil sa takot bigla akong sumigaw ng malakas.

"Ouch." Sabi nito oh noes. Boses lalaki.

Kinagat ko kasi yung kamay nya eh, he tried to cover my mouth to stop me from shouting.

"Who are you?" Tanong ko ng makawala ako sa pagkakahawak nya at hinarap ang posibleng nakakatakot na nilalang na hinawakan ako.

Pero agad akong napatulala ng makita ang maamo nyang mukha!

Para syang anghel!

Maputi sya, payat pero matangkad. Long legs. Woot! Tapos ang gwapo pa nyang tignan sa kulay brown nyang buhok na hinati nya sa gitna. Wow. Ideal man. Nakasuot sya ng isang black tshirt at jersey shorts at rubber shoe, bitbit nya sa balikay nya ang isang malaking bag, kagaya ng akin.

"I'm Timothy" sabi nito sabay lahad ng kamay, alanganin kong inabot ang kamay ko para kunin ang kamay nya. "I'm Keona. Sorry kung kinagat kita." Sabi ko nito na siyang naging dahilan ng pagngiti nito.

"Freshman? Naliligaw ka no? San ba punta mo?" Tanong nito sa akin.

"Oo freshman lang ako, naligaw ako kasi papunta ako sa gym ngayon. Start na kasi ng training namin." Sagot ko sa tanong nya.

CEO's SON (Sweet Lies, Bitter Truth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon