"Keona! Gising na mahuhuli ka na sa training mo!" Bigla akong napabaluktot sa pagkakahiga ng marinig ang nakakairitang sigaw ni Felipe.
Ghad. I want to stay on my bed like forever!
"Keona!" Sigaw nito ulit.
Naramdaman ko na lang ang pagbagsak ko sa kama dahil malakas na hinila ni Felipe ang dalawang paa ko.
"Ouch. Masakit yun ha!" Singhal ko habang hinihimas ang puwetan kong tumama sa carpeted floor ko sa kwarto.
"Anong oras na? 6:15 a.m. na! Anong oras training mo ngayon? Diba 6:30 a.m. gusto mo na namang malate? Aba dalawang araw ka na ngang late sa morning training nyo!! Aba Keona, baka gusto mong maging bench warmer na lang sa last year mong paglalaro ng volleyball." Mahabang sermon nito habang nakapamewang pa, tsk. Parang nanay lang ang peg.
Pinatong ko ang.ulo ko sa gilid ng kama ko at pumikit. "Tinatamad ako ngayon bakla." Saad ko.
"Aba Keona isang linggo ka nang ganya ha. Isang linggo ka nang lang tinatamad. Anong problema mo?" Tanong nito at naramdaman ko ang mahinang pagsipa nya sa binti ko.
Dinilat ko ang mga mata ko at tumingin sa malaking bintana ko sa kwarto, kita ko ang mga building sa labas. "Ewan ko bakla." Tapat kong sagot sa kanya.
Sa totoo lang kahit ako, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ewan ko ba.
"Bakit parang may kulang ba?" Seryosong tanong ni Felipe, at umupo na to sa tabi ko.
Pinikit pikit ko ang mata ko, nararamdaman ko kasi na oarang naiiyak ako.
"Bat kasi hindi mo pa sya kausapin?" Dagdag nito, napansin ang hindi ko pagsagot.
Napabuntong hininga ako at sinagot ang tanong nya, "ayaw ngang magpakita diba."
"Kungsabagay." Mahinang saad ni Felipe. "Pero kung ako sayo, babangon na ako at maliligo, walang magyayari kung magmumukmok ka dyan." Sabi nito sabay hila sa akin patayo at tinulak ako papuntang banyo.
Hay. Isang nakakatamad na araw na naman.
*****
"Dae. Ano bang nagyayari sayo?!" Narinig kong sigaw ni Coach.
May practise kasi kami ngayon. Afternoon training na.
Worst is, lahat ng tira ko, spike, service or even blockings ko, palpak.
"Sorry coach." Sabi ko at nilingon ko rin yung mga teammates ko at humingin ng sorry.
"Tsk. Kaninang umaga ko pa naririnig yang sorry na yan ha! Ano bang problema?" Sabi nito at nilapitan ako.
"Wala po to coach." Sabi ko habang nakayuko.
"Wala lang ba yan? Eh lahat kami naaapektuhan ng laro mo?!" Sigaw ulit nito sa akin.
Napapikit ako dahil sa malakas na pagsigaw ni Coach, parang gusto ko nang lumubong sa kinatatayuan ko. Alam ko naman na hindi sya galit sa akin, pero galit sya sa pinapakitang kong paglalaro.
Mahal kami ng coach namin na parang tatay, pero kapag paglalaro namin ang pag uusapan, ibang usapan na yun.
"Dun tayo sa office ko." Mahinahong sabi nito kaya napaangat ako ng ulo. Patay na!
"The rest. You may go." Sabi nito sa mga kateammate ko at lumakad na sya papunta sa office nya.
Laglag balikat akong sumunod kay coach. Lagot ka ngayon Keona.
Tahimik akong pumasok sa office ni Coach at umupo sa upuan na katapat ng table nya.
"Anong problema Keona?" Basag ni Coach sa katahimikan.
BINABASA MO ANG
CEO's SON (Sweet Lies, Bitter Truth)
RandomAlways Remember the saying. "The truth will always sets you free" even if it hurts like hell.