Chapter 26

2 1 0
                                    

Chapter 26

Training

Huge dresses, pretty shoes and beautiful jewelries. Hindi pa lumilipas ang isang araw pero lunod na lunod ako ng mga mamahaling mga bagay. Kada oras ay may mga dumadating na mga bagong damit, sapatos na para daw sa akin.

Hindi naman sa nagrereklamo, pero hindi ko naman kailangan ng napakaraming mga alahas at kung ano-ano pa. Baka ang isipin nila ay iyon lang ang habol ko, at nilandi ko si Ali para sa mga material na bagay na ito.

"Miss Rosette, kailangan mo ng bumangon dahil nasabi po sa amin na gusto daw po kayong makasabay ng mahal na reyna sa pagkain ng umagahan." Sabi ng isang serbidora.

Agad akong napabangon mula sa pagkakahiga kahit na hindi pa maliwanag sa labas. Kahit na gusto pa akong hilain ng kama ay kaagad akong tumayo at hinarap ang mga serbidora.

"Marami ba akong kailangang gawin ngayong araw?" Inaantok na tanong ko sa kanilang dalawa.

Ang isa na may pangalang Grace ay tumingin sa isang papel. She read it aloud, so we can hear it.

"Breakfast with the royal family. History and business lessons and also etiquette lessons in the library. If kaya pa ay puwede kang pumili ng isang lesson na gusto mo. Piano, embroidery, and many more lessons." Sagot niya sa tanong ko.

Napalunok ako. Marami pala akong kailangan gawin.

"Kaya kailangan na nating maguumpisa ngayon dahil kailangan mong harapin ng kaaya-kaaya ang mahal na reyna. Uumpisahan natin ito sa pagpili ng magandang dress na susuotin mo. Isa din ito sa mga kailangan mong matutunan, Miss Rosette, ang mga damit na nararapat mong suotin sa iba't ibang klase ng mga occasion of araw." Mila said.

Napatango na lang ako sa kanilang dalawa at agad na sinunod ang mga utos nila.

Nagsimula ako sa paliligo sa isang bathtub na puno ng gatas at rose petals. Amoy na amoy ko rin ang rose oil na inilagay ni Mila. They said that I should improve my skin and make it flawless and smooth. I scrubbed my skin to eliminate any dead skin cells, washed my hair, and after that they assisted me so I can choose a beautiful dress.

"Bagay sa iyo ang light pink, Miss Rosette. Samahan pa natin ng gold designs. Mas lalong magiging presentable ka sa harap ng mahal na reyna." Grace said while she's picking dresses for me.

Akala ko nga ako mismo ang pipili pero sila pa ring dalawa ag nasunod. Pati sa mga halahas at sapatos ay sila ang pumili ng sa tingin nila ay nababagay. But I also made sure na naaayon parin ang mga kulay sa anong gusto ko.

I also made sure na hindi magbabago ang kung ano man ang ako. Hindi ko gustong mag-iba ang tingin sa akin ni Ali dahil nabago na ako ng mga material na bagay. I want to be the girl he liked and loved.

"Mayroon ba kayong mga irerekomenda? Para naman makuha ko agad ang loob ng reyna?" Tanong ko sa dalawa habang kaming tatlo nina Grace at Mila ay naglalakad papunta sa dining room.

Hindi sila nagsalitang dalawa at halatang iniisip ang mga isasagot sa akin tanong.

"Hindi ko pa tapatang nakausap ang mahal na reyna. Pero mabait naman siya siguro kapag wala ka namang balak na masama sa kanilang pamilya at sa palasyo o sa korona." Sagot ni Mila.

Sang-ayon naman ako sa kanyang sinabi.

"Para sa akin, isang malaking misteryoso pa rin sa akin ang reyna. Hindi naman sa tinatakot kita, Miss Rosette, pero sa dalang na nakakasalamuha namin siya ay hindi namin alam kung ano ang totoong ugali niya. Mabait siya tuwing kasama niya ang mga prinsesa at prinsipe pero iyon lamang ang nakikita namin at hindi ang lahat. Mailap rin siya sa ibang mga tao." Mahabang sabi ni Grace.

Fearless Fairytale |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon