Kakagising lang ni Althea nang tumunog ang kanyang cellphone na meron siyang natanggap na notification sa facebook.
Bigla niyang kinuha ang kanyang phone at binasa ito.
One notification received: Today is Jade Tanchingco's Birthday.
Uy! Ang sosyal naman nang facebook. May notification-notification pang nalalaman. Alam ba nang facebook na... Ayy! Nevermind nalang.
Nagsulat si Althea sa wall ni Jade.
Happy Birthday Jade. May you have many more birthdays to come.
Ayy! Ang pangit. Masyadong common. Hmmm. Ano kaya ang maganda...
Naku! Althea mag isip ka naman... Para ka namang hindi nag iisip.
Grabe ka naman nahiya naman ako sa katalinohan mo. (Kinakausap ang sarili)
Hmmm. Ito nalang kaya..
Hi! Jade. Happy Birthday. :)
Masyado namang simple at wala pang dating... Paano ba talaga...
Alam ko na..
Happy Birthday Jade. :)
Ayy! Gaga. Kinuha mo lang yung hi at yung pangalan niya nilagay mo lang sa dulo.
Teka lang ha? At parang lahat ng suggestions ko pangit sayo. Tulungan mo nalang kaya ako.. (kinakausap pa rin ang sarili.. hahaha)
Isip.. isip... isip...
Habang nag iisip ako nagkaroon ako ng isang bright idea.
Ting!
Napag isipan ko na 11:59pm nalang ako mag gigreet sa kanya. Kunwari nakalimutan ko siyang i greet o di kaya hindi ko matandaan na birthday niya pala ngayon.
Diba ang sweet? Ako yung pinakahuling tao na mag gigreet sa kanya. Tapos sa lahat ng nag greet sa kanya ako yung hindi niya malilimutan. Hahaha.
Tapos magtatapat siya nang pag ibig sa akin tapos magiging kami tapos inlababoo kaming dalawa tapos magpapakasal kami tapos...
Teka! Nang dahil lang sa ikaw yung huling nag greet sa kanya uuwi sa kasal? Gumising ka nga! Wag maging assuming. Sabi ng isip ko...
Ikaw talaga ang pinaka kontrabida sa buhay ko... Che!
On the other side, nakokonsensya din talaga ako. Baka kasi magalit si Jade dahil hindi ko siya na bati ng maligayang kaarawan. Haaay! Bahala na nga!
To: Bae Jade (Secret lang natin to ha na yan yung pangalan niya sa phonebook ko. LANDI 101. Hahaha)
Happy Birthday Jade. Enjoy your day. Love yah girl :*
Gustung-gusto ko na talagang i send pero may force sa akin na ayaw na ayaw talaga i send kaya napag desisyunan ko na 11:59pm nalang talaga ako babati sa kanya.
Dahil sa tulong ng GOSMS (nag promote pa talaga. Haha) meron kasi sa settings na pwede mo i schedule kung anong date at oras mo i sisend ang isang mensahe. Nag set ako nang date which is today at time at 11:59 pm.
Pero hindi alam ni Jade na it could be memorable to na birthday sa kanya. :)
JADE POV
Nagising ako sa ingay ng cellphone ko. Ang dami kasi nag greet sa akin ng birthday wishes and greetings sa social media. Mapa instagram man, twitter at facebook. At di lang yun may mga tao din na nag titext sa akin.
Daig pa ang artista ko nito. Hahaha.
Dami lang nag greet artista ka na ka agad hindi ba pwedeng may notification na pinapadala sa kanila kaya wala silang choice kundi mag greet nalang sayo? Yung parang napipilitan lamg talaga sila na batiin ka. Hahaha
Kahapon diba nag twitter at instagram ka at nag post ka kaya picture at nag tweet ka na ngayon yung birthday mo. Kaya alam nang mundo yun.
Ano say mo ngayon? Aber?
Ang harsh mo naman sa akin brain... Nasasaktan ang Heart ko.
Teka ang conyo ko naman yata.. Hahaha
Inuna niya yung nasa twitter, tapos nag instagram naman siya.
Nagpasalamat siya sa mga taong nakaalala sa araw na sinilang siya dito sa mundo.
Ang lalim. Whooo! Big word... :)
Sa kabila nang kasiyahan niya dahil ang dami bumati sa kanya, may lungkot pa rin siyang nadarama kasi hindi naman nagpaparamdam yung taong kanina niya pa hinahanap ang greeting kahit isang tweet o nag post sa instagram waley pa rin.
Hmmmm. Baka sa facebook...
Tama! Baka sa facebook siya nag post..Dali-dali siya nag open nang facebook application baka duon nag greet yung isang taong gustung-gusto niyang makita yung message para sa kanya.
399 notifications received.
Bat hindi naging 400? Hoy! Facebook. Saan mo nilagay ang 1 para maging 400 yung notifications ko?
Hahaha! Kaloka!Katulad ng instagram at twitter. Iniisa kung binasa at nag thank you sa mga taong nag private message sa akin at nag post sa wall ko.
Pero meron kasi akong isang taong hinihintay na bumati sa akin.
Waley sa twitter, instagram at kahit sa facebook. Waley pa rin! :(
Asan na kaya yon? :(
Baka busy?
Meron kaya akong nasabi na ikinagalit nya?Kaloka naman nito....
Hoy! Althea! San ka na?Kahit yung family ko. Ni isa wala man lang nag text o tumawag para i greet ako sa kaarawan ko. Huhuhu.
Nasa ibang bansa kasi silang lahat. May inaasikaso na trabaho. Nagpaiwan nalang ako dito. Ako kasi pinapamanage ni dada sa business niya.
Ito na yata pinaka malungkot na birthday ko sa ubong buhay ko. :(
At biglang tumunog ang phone ko at biglang nabuhayan ang loob ko. Sino kaya to?
From: Smart
Good Day!
Ms. Tanchingco,Because we value you and you are important to us,
We never forget your special day of the year.
Happy Birthday to you.
-From Smart (endorsement na naman. Hahaha. Gawa-gawa ko yang ito)
Mabuti pa ang smart importante ako. :'(
Yung pamilya ko at yung mahal ko sa buhay nakalimutan ako... :(A/N: Talaga bang nakalimutan nila ang Birthday ni Jade?
Abangan sa next update. !>^_^<!