Damn Worth It

2K 74 4
                                    

Hindi mo lang ba ako pakikinggan? Hindi mo lang ba ako pasasalitain? Tatalikuran mo na lang ba ako?

Lumingon si Althea kay Jade at tila it is a sign na makikinig ito sa kanya kung anuman ang gusto nitong sabihin.

Look Althea, hindi lang naman ikaw yung nahihirapan dito eh. Hindi lang ikaw ang nakakaramdam nang ganito. Hindi lang ikaw yung involve dito at hindi lang ikaw ang may gustong sabihin.

God knows Althea kung gaano ko ka gusto ito ipagtapat sayo. Pero hindi ko lang alam kung paano simulan at umpisahan. Kung paano ko ito ipahayag sayo at kung paano ko ito sabihin sayo pero nangunguna pa rin yung mga what ifs ko. Yung mga pangamba ko at yung mga kinakatakutan ko.

Sa tuwing naglalakas loob akong sabihin sa iyo mas matindi at nanaig pa rin sa akin yung mga bumabalot na mga naiisip kung hindi kanais nais kung sakaling itutuloy ko man ang pag amin sayo.

God also knows kung ano yung mga pagpipigil ko sa aking sarili para hindi ko ito maramdaman.

Pinipilit ko pang ideny sa sarili ko na may nararamdaman ako para sayo. Kasi natatakot ako. Natatakot ako kasi baka ako lang ang nakakaramdam nito sayo. Natatakot ako sa kung anumang consequences ang maidulot nito pag nagkataon at natatakot din ako na baka one day paggising ko nilayuan mo na ako at hindi na kita makita pang muli.

Mas gugustuhin ko pang hindi ito ipagtapat sayo at hindi ito ipagsigawan kaysa ikaw naman ang kapalit. Ikaw naman yung mawawala.

Alam ko naman na masarap at mahirap ang magmahal pero iintindihin at uunahin ko pa ba ang sakit kung ang alam ko sa puso't isip ko na ikaw yung bubuo ng araw ko. Ikaw ang bubuo ng mga pangarap ko at ikaw lang yung bubuo ng buhay ko.

Na ang alam ko ay ikaw yung kailangan ko para mabuo ang isang walang katapusang pagibig. Ikaw yung naiisip ko tuwing nagpaplano ako sa panghinaharap. Ikaw yung naiisip ko makasama ko sa bawat laban na ginagawa ko sa buhay. Gusto ko ikaw yung katuwang ko sa buhay at ikaw din yung una at huli kung makikita sa araw-araw na ipagkaloob na buhay sa akin.

Ngayon ko lang lubos naiintindihan si Paul. Ngayon lang nagsisink in sa akin na wala pa lang mali sa ginawa niya kasi ang alam ko lang nagmahal lang din siya. Wala siyang kasalanan kasi nagmahal lang siya at ang tanga-tanga ko dahil inuuna ko pa yung reputasyon namin kaysa yung feelings nang kapatid ko. Yung ako dapat ang nag uunawa, naging depensa niya sa bawat laban niya at ako din sana dapat ang nandyan tuwing kailangan niya ako.

Hinug lang ni Althea si Jade sa mga panahon ngayon.

Kahit naghug pa ang mga ito. Hindi pa rin naiwasan ni Jade ang magsalita.

Pero look who's talking here. Pareho lang pala kami. Pareho lang yung nararamdaman namin.

Kumalas si Jade sa pagkakahug at nagsalita at hinawakan si Althea sa kamay.

Siguro nakarma nga ako pero ito na siguro ang pinakamagandang karma para sa akin kasi sa iyo ko lang ito naramdaman, sa iyo ko lang ito naranasan at sayo lang ako nagmahal nang ganito.

Hindi makapaniwala si Althea sa mga confrontation ni Jade.

This time it's Althea na ang nagsalita.

I'm speechless kasi ang akala ko, ako lang ang nakakadama nito, ako lang ang nagmahal sayo at ako lang yung may feelings for you.

Na isang Jade Tanchingco ang magtatapat nang pagmamahal para sa akin, na mutual pala yung nadarama natin para sa isat isa.

Si Jade naman ang nagsalita.

Pero natatakot ako. What if panandalian lang pala itong nadarama mo for me. Yung isang araw paggising mo natauhan ka at hindi mo pala ako mahal. Yung..

Hindi na pinatapos ni Althea ang sasabihin ni Jade.

Jade listen. Ngayon ka pa ba susuko? Ngayon ka pa ba matatakot na sigurado ka na pareho pala tayo ng nararamdaman? Ngayon ka nalang ba bibitaw?

Jade, just trust me and just trust us. Trust what your heart and mind feels. We have each other and hindi naman tayo basta-basta susuko sa ano mang pagsubok na ating madaanan diba? Nandito ako para sayo kung ano man yung mga problema mo. Ako yung magiging other half mo, magiging knight and shining armor mo at magiging always there for you pag kailangan mo ako. I will be your protector, your shield and your companion at malalampasan natin to basta ba walang bitawan at walang iwanan.

Please Jade, fight for us, fight for our love. I'm not just worth it but i'm so damn worth it. Our love is worth fighting for. Please jade.

Hindi nakapagsalita si Jade kasi iyak lang siya nang iyak kaya hinug lang niya si Althea sa mga sandaling ito.






A/N:
Ano na kaya ang mangyayari sa kanilang dalawa.
Abangan sa next update. :)

May ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon