Nagyayakapan pa rin ang dalawa.
Pinaharap ni Jade si Althea ngayon.
Ang galing-galing mo talaga Althea. -Jade
Huh? Bakit naman? -Althea
Kasi di mo pa ako binabato tinamaan na ako sayo. -Jade
Kinilig naman si Althea. :)
Kaya bumanat din siya.Alam mo ba kung kailan nagsimula ang salitang mahal kita? -Althea
Ha? Meron ba nun? Hindi ko alam. Kailan ba? - Jade
Mula nung nakilala kita. -Althea
Pwede! Lumalaban. -Jade
Halatang kinikilig ito. Ngiting abot langit ang makikita sa mga labi ni Jade.
Althea, alam mo bang para kang calculator?
Nakatitig lang si Alhea kay Jade.
Kasi sayo pa lang solve na ako. -Jade
Alam mo din ba Jade para kang tupa kasi lagi kitang inii-SHEEP eh. -Althea
Hindi, hindi pala. Para ka palang airport. AIRPORTANTE sa buhay ko. -Jade
Hindi kaya para kang google kasi lahat ng hinahanap ko sayo ko lang natagpuan. -Althea
Tumatawa sila sa mga banat nila sa isa't-isa.
Ngayon ay nasa terrace pa rin ang mga ito pero nakasandal sila sa semento ng terrace at nakaharap sa sliding door papasok ng kwarto ni Jade.
Kaya nagkatinginan silang dalawa.
So ano na? -Althea
Anong ano na? -Jade
Alam mo na yon. -Althea
Anong alam ko na? -Jade
Jade naman eh. -Althea
Hindi ko talaga alam Althea. -Jade
So paano na? -Althea
Anong paano na? -Jade
Ito naman. So paano na nga tayo na? -Althea
Pag iisipan ko muna. -Jade
Jade naman eh. -Althea
Hindi ka pa nga nanliligaw sa akin. -Jade
Hindi naman yun sa haba ng panahon ng ligawan.
Hayaan mo maging tayo at liligawan kita habang buhay. -AltheaPapatayin mo ba ako? -Jade
Huh? Hindi ko naman yun magagawa sayo. Bakit mo naman na sabi? -Althea
Kasi kanina mo pa ako pinapatay sa kilig. -Jade
Naging speechless naman si Althea.
Hanggang sa may naisip ito.
Jade? May pupuntahan ka ba bukas? Pwede mo ba akong samahan? -Althea
Nag isip pa ito at sumagot kay Althea.
Hmmm. Saan na man? -Jade
Samahan mo ako habang buhay. -Althea
Sinuntok naman ni Jade si Althea ng slight.
Ang sweet! Ang sweet mo. -Jade
Don't worry I'm sugarfree. -Althea
Tumatawa naman ngayon si Jade.
Alam mo sa lahat ng salita, IKAW ang pinakagusto ko. -Jade