Ferrero Bouquet

1.9K 82 14
                                    

Naging both busy sina Jade at Althea but kahit busy sila hindi pa rin sila nakakalimot na iparamdam kung paano pahalagahan at ipadama ang pagmamahal sa isa't-isa.

They make time to see each other everyday kahit 30 minutes lang ay okay na yun sa kanila kaysa sa hindi daw sila magkita.

Isang araw na isipan supresahin ni Althea si Jade. Yung kahit walang okasyon ay ipapadama mo pa rin sa mahal mo na mahal mo siya kahit gaano ka ka busy.

Kaya naisipan niyang bigyan ng something si Jade. Alam ni Althea na hindi gaano mahilig si Jade sa bulaklak kaya may naisip siya na twist.

Sa lobby:

Delivery Boy: Hello po! Dito po ba nagtatrabaho si Ms. Jade Tanchingco?

Guard: Opo. Bakit?

Delivery Boy: Meron po kasing delivery po for her.

Guard: Tatawagan ko muna secretary niya.

Tinawagan ng guard ang secretary ni Jade.

Guard: Umakyat ka nalang daw. It's in the 11th floor.

Delivery Boy: Salamat po.

Maraming tao sa lobby na naghihintay na makasakay sa elevator. Nagkasalubong si Jade at ang delivery boy pero hindi naman kilala ng delivery boy si Jade. Kaya hindi niya ito naibigay ng personal.

Nakita ni Jade ang hawak ni delivery boy.

Jade: Ang swerte naman ng girl na bibigyan ni kuya. Ang sweet. (Sabi ni Jade sa isip niya)

Pumunta na si Jade sa meeting niya at si delivery boy naman ay nakarating na din sa 11th floor.

May receptionist ang naturang floor.

Receptionist: Good afternoon! How may I help you?

Delivery Boy: I am looking for Ms. Jade Tanchingco. Is she here?

Commercial Break: Nag english talaga so delivery boy. Hehe

Receptionist: May meeting po siya ngayon. Bakit po?

Delivery Boy: Akala ko hindi ka marunong magtagalog ms. Well, anyways, meron po kasing nagpapabigay kay Ms. Tanchingco. At inilapag niya ito.

Receptionist: Ang ganda! Opo naman kuya! Bonga yung anyways niyo. Magamit nga. Anyways, ako nalang po ang magbibigay kapag nandito na po si Ms. Jade Tanchingco.

Delivery Boy: Cge miss, papirma nalang po dito sa received paper po namin.

Napirmahan na niya at umalis na ang delivery boy.

Ang mga Tanchingco's ay hindi pa bumalik sa China kasi marami pang mga dapat kailangan tapusin bago sila bumalik doon.

2 hours din natapos ang meeting nila. Naiwan si Oscar sa board room kasi may skype meeting pa siya.

Umakyat sina Gab at Jade sa 11th floor kasi marami pa silang tatapusin na mga trabaho.

Nag kwekwentuhan at nagtatawanan pa sina Gab at Jade.

Receptionist: Maam Jade sorry to interrupt you po pero meron pong delivery para po sa inyo.

Jade: Ano? Sino?

Nagkatinginan sina Gab at Jade.

Inilapag ng receptionist ang 3 dozens of ferrero bouquet.

Namangha naman si Jade sa nakita. Yung kanila sinabi niya na ang swerte ng girl ako pala yon. Para sa akin pala ito. Pero kanino ba galing?

Jade: Sino nagbigay?

May ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon