How Much I Love You

2K 91 10
                                    

Thank you.

Yan lang ang dalawang salita na naibigkas ni Jade ngayon.

Speechless pa rin kasi si Jade sa mga nangyayari.

Anything for you Jade. -Althea

Ngumiti si Althea kay Jade at hindi pinapahalata ni Jade ang kilig to the bones niyang nararamdaman. Maikli lamang ito pero ang dating nito para sa kanya ay iba.

Sarap kasi pakinggan eh. Shameys!

To break the silence...

Gusto mo pa ba ng betamax? -Althea

Oo pero ako na kukuha. -Jade

Tatayo na sana si Jade upang kumuha pa ng betamax pero pinigilan siya ni Althea.

No! Firm tone na sagot nito. Ako na Jade. Princesa kita i mean princesa ka kaya, kaya dapat pinagsisilbihan kita. -Althea

Alam kung pagod ka na kasi. -Jade

Huh? Bakit mo naman nasabi? -Althea

Eh. Kasi kanina ka pa tumatakbo sa isip ko. -Jade

Papatayin pa talaga ako ni Jade sa kilig. Sabi ni Althea sa isip niya.

Mabuti nalang ay hindi masyadong maliwanag kung hindi makikita ni Jade ang pagblublush nito.

Tingnan mo yung buwan. Ang ganda noh? -Jade

Tiningnan naman ito ni Althea.

Naka side view si Althea sa pusisyon niya ngayon kaya...

Dito ka kaya sa tabi ko. -Jade

Galawang breezy ni Jade.

Bakit? -Althea

Ang layo-layo mo kasi at para din makita mo ang kagandahan ng buwan. -Jade

Akala ko pa naman para malapit ako sa puso mo. -Althea

Hindi ito masyadong narinig ni Jade.

May sinasabi ka? -Jade

Ang sabi ko akin na nga plato mo para makakuha na ako ng pagkain mo. -Althea

Nakasmile lang si Althea sa nga sandaling iyon.

Ito na po. Ms. Althea Guevarra. -Jade

At ibinigay ni Jade ang plato at kumuha naman si Althea nang betamax at inilapag naman ito sa harapan ni Jade.

Salamat dito. -Jade

Sa betamax? -Althea

Ahh. Eeeh.. Oo at tsaka sa lahat na din. -Jade

Wala yun. Para ka namang iba sa akin. -Althea

Oo nga. Ano ba talaga ako sa buhay mo Althea? -Jade

Magkalapit na ang mga mukha nina Jade at Althea. Kunting-kunti nalang talaga ang space na pagitan sa kanilang dalawa.

Napalunok lang si Althea sa tanong ni Jade.

Tumayo ito at kumuha ng Milo at pagkatapos umupo ulit.

Tense na tense na talaga si Althea at hindi na alam kung ano ang isasagot sa dalaga.

Kaibigan. Yun! -Althea

Ka-ibigan? -Jade

Oo nga ang kulit. Matalik na kaibigan. -Althea

Ahhh. Ka-ibigan. Matalik na ka-ibigan. -Jade

This time.. Si Jade naman ang ngumingiti.

Biglang nagsalita si Althea...

Sige asarin mo pa ko!!! -Althea

Hindi naman ahh. -Jade

At lalo akong maghihiganti..-Althea

Ano na naman ang gagawin mo? -Jade

Maghihiganti ng pagmamahal para sayo. -Althea

Nagulat si Jade sa narining kaya...

Sabihin mo nga yung totoo Althea, mahal mo ba ako? -Jade

Oo naman. Anong klaseng tanong yan.  -Althea

Kasi? -Jade

Kasi matagal na ang pinagsamahan natin. -Althea

Akala ni Althea na hihinto na sa kakatanong si Jade.

Kasi? -Jade

Kasi. Ano.. Kasi bestfriend kita. -Althea

Hindi na alam ni Althea kung ano ang isasagot sa kanya.
Tumayo na si Althea sa mga oras na ito.

Yun lang yun? -Jade

Nagbuntong hininga nalang si Althea...

Mahal kita kasi ikaw yung nagpapatibok ng puso ko, ikaw yung kumukumpleto ng araw ko, ikaw yung nagpapatigil ng oras ko, ikaw yung nagtatanggal nang lahat ng pagod ko, yung wala akong pakialam sa mga taong nasa paligid ko kasi ang alam ko lang sayo lang umiikot ang mundo ko at makita ka o makausap ka lamang ay ito'y sapat na at higit sa lahat ikaw yung gusto ko makasama at makapiling habang buhay.

All these years Jade tinatago ko itong nararamdaman ko kasi akala ko kaya ko itong itago habang buhay. Kaya kung panindigan ang nagawa kung desisyon. Yung kaya kung kalimutan at ibaon sa limot ang nararamdaman ko para sayo.

Pero akala ko din ganon lang kadali ang makalimot. Makalimot sa isang feeling na ang hangad mo lang ay walang katapusang pagmamahal, pag aaruga at pagpapasaya.

Honestly, ginawa ko naman ang lahat ng makakaya ko para mawala tong feelings ko for you Jade pero wala eh. Hindi din talaga tumalab. Hindi ko talaga kaya.

Each day, lalo akong nahuhulog sayo. Lalo akong naiinlove sayo. Lalo kitang naapreciate and to me you are perfect. Yung lahat ng mga mali mo, ugali mo, pagkukulang mo ay tanggap ko lahat.

Sa mga panahon nato alam kung lalo ko din naman pinapatay sarili ko kasi sa huli ako din naman ang masasaktan. Alam ko din naman na hindi ito pwede at hindi tama.

Alam kung at some point brave din ako pero alam ko din na hindi iyon sapat na dahilan upang ipush ko itong nararamdaman at magtapat sa iyo kasi nananaig pa rin sa akin ang takot namawala ka sa akin at masira pa ang pagkakaibigan natin nang dahil lang pinush ko yung kaligayahan ko na maging tayo.

Alam kung wala akong karapatan sa iyo kasi kaibigan mo lang ako pero shocks! Damn it!

Nagseselos ako, nagseselos ako sa mga insektong nilalang na umaaligid sa iyo. Nagseselos ako kapag nakikita kitang tumatawa at umingiti sa piling ng iba. Kasi gusto ko ako yung gagawa nun para sayo. Gusto ko ako yung magpapasaya sayo at magbibigay ngiti sa mga labi mo.

Mahal kita Jade. Ayy hindi pala. Mahal na mahal na mahal kita.

No words can truly define how much you mean to me, how much I value you, how much I care about you and how much I love you.

Sana sapat na yun nadahilan kung bakit mahal kita.

Aalis na sana si Althea nang hinawakan ni Jade si Althea sa kamay.




A/N:

Thank you nga pala sa pagsupport ng May Forever, Pogi Problems and Songs of Love.
Comment lang po kayo kung may suggestions po kayo.
Maraming salamat po.
Spread the Love!



Ano kaya ang isasagot ni Jade?
Abangan sa next update. :)

May ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon