Tanchingco's House...
Hindi na alam ni Jade kung ano ang dapat niyang gawin.
Hindi pa din niya alam kung saan si Althea ngayon at wala pa din siyang alam kung kumain na ba ito, nakauwi na ito, may nangyari bang masama sa kanya at ang dami-dami pang mga scenario ang umiikot sa kanyang utak niya ngayon...
Gulong-gulo na ang utak ni Jade ngayon.
Nagkapatong-patong na ang kanyang mga iniisip.
Nandito si Jade sa kanilang pool. Pinagmamasdan lang ang buwan at mga bituin sa langit.
Walang masyadong ilaw. Ang buwan at ang bituin lamang ang nagsisilbing ilaw nito.
At umiinom din siya ngayon. (Pedro Draft Beer)
Medyo nakainom na din ito. Natamaan na din ng epekto ng alak.
May isang tao nakatingin lang sa kanya.
Hindi siya natatakot at tinawag pa niya ito.
Hindi umimik ang tao na yun at tinitingnan lang siya.
Jade: Psssst!
Hindi pa rin iniimik si Jade kaya pinuntahan niya ito.
Jade: Ano ba halika nga dito. Samahan mo naman ako.
Tao: Bitawan mo nga ako. Pwede?
Jade: Pati ba naman ikaw iiwan din ako?
Naawa naman siya kaya sumama nalang nang sapilitan.
Tao: Mauna ka na susunod ako.
Nauna naman si Jade at sumunod ang lalake.
Nakaupo si Jade sa may pool at inilublob ang kanilang paa dito.
Yun naman tao na nakatingin kay Jade kanina ay dumistansya sa kanya.
Dahil na din sa epekto ng alak hindi na din sumagi sa isip ni Jade kung sino man tong tao na ito at madilim din ito.
Jade: Can I trust you?
Tao: Yeah!
Walang ganang sinabi.
Jade: Please whatever you hear please keep it a secret will you?
Tao: Okay! I promise.
Nag umpisa mag kwento si Jade...
Jade: Alam mo ba aalis na ako bukas?
Nakikinig lang ang lalake sa kanya.
Jade: Wala eh. Hindi ako makaimik kay dada. Wala akong magawa na makakabago sa isip niya. Hindi kasi yun nakikinig ng kahit anong rason mo. All your reasons are stupid o invalid.
Ang lungkot noh? Hindi ko man lang magawang ipaglaban yung gusto ko. Yung gusto ko ngang sabihin ang hirap na eh ito pa bang ipaglaban ko ang nararamdaman ko.
Alam mo ba naguguluhan ako ngayon kasi kahit anong gawin ko hindi ko naman magagawang lumaban kay dada eh kahit nga sabihin ko sa kanila na ayaw ko o hindi ko gusto. Wala pa rin eh.
Ginawa ko naman ang lahat nang makakaya ko at sinubukan ko naman wala pa rin eh. Talo pa rin ako sa huli.
Ang hirap. Sobrang hirap.
Pinipigilan ni Jade na umiyak habang ang lalake ay tahimik at nakikinig pa rin sa kanya.
Mas malala pa ako dun. Gaga din ako. Sobra! Bakit ko yun nasabi? Kasi yung isa kung kapatid si Paul. Naku! Ang galit nun sa akin hindi pa rin humuhupa.