Nandito na sa bahay ni Jade sina Batchi at Althea. Sinama naman nila yung mga ibang malalapit na kaibigan ni Jade para tulungan din sila magprepare sa surprise party nito mamaya.
Hindi na makapakali si Althea kasi kinakabahan siya baka nag fail siya sa first surprise na naisipan niya for Jade...
Ni wala man lang text from Bianca kung ano nang nangyari...
Tinatawagan din niya at tinext si Bianca pero wala pa ring sagot...
Palakad lakad lang si Althea sa sala nila Jade.
Napansin naman ito ni Batchi...
Hoy! Sabi ni Batchi... (At nasa harapan na ni Althea si Batchi)
(Napahawak naman si Althea sa kanyang dibdib.)
Wag ka ngang manggugulat. Kita mo nang kinakabahahan yung tao o. Saad naman ni Althea.
Sensya na Bris, kaninapa kasi kitang nakikita na hindi mapakali diyan. Ano bang problema mo?
-tanong naman ni BatchiEh! Kasi Bris, ni hindi man lang sumagot si Bianca sa mga text ko at hindi din niya sinasagot mga tawag ko. Kinakabahan ako baka may nangyari sa kanilang dalawa. Huhuhu
Hindi ko talaga mapapatawad sarili ko pag nangyari yon. -AltheaRelax ka nga Bris! Ok? Wag puro nega ang laman ng utak mo. Keep Calm. Ito tubig inumin mo muna yan. -Batchi
Kinuha naman ito ni Althea at ininom.
Take a deep breath Althea. Sabi niya sa sarili. Inhale exhale... Inhale exhale... Inhale exhale... Inhale exhale...
Nang biglang mag ring ang phone nito....
Call from Bianca....
Dali dali itong sinagot ni Althea...
Althea: Pamars, kanina ko pa hinihintay tawag mo. Kamusta kayo? Hindi ba tayo ng fail sa first surprise natin? Saan na kayo? Kanina pa ako text ng text sayo at tawag ng tawag bakit hindi mo mam lang sinasagot. Hey! Sumagot ka naman?
Bianca: Teka! Teka! Lang naman. Isa-isa lang pwede. Parang interview naman ito.
Althea: Walang oras para magbiro Bianca King...
Bianca: Wow! Full name talaga ha? Baka gusto mo samahan na din ng middle name para kompletong-kompleto na talaga.
Althea: Sorry na! sorry na! kanina pa kasi ako nag woworry sa inyo. Hmmmm. So ano na nga?
Bianca: Marunong ka naman pa lang makiusap eh. Ok! Ok! Sasabihin ko na...
Tagumpay tayo sa first surprise natin at nandito na din kami sa mall.
Ititext ko nalang si Batchi kung saan kami kumain ngayon.
Hindi ako sumagot sa mga tawag mo at text baka mahalata tayo at ngayon lang ako nakatakas at nagdahilan pa ako na mag CR ako para lang hindi niya marinig ang usapan natin at matawagan din kita. Natanong ko na tanong mo?Dead air... (Yung nasa utak lang ni Althea ay nagtagumpay sa 1st surprise.)
Yung kaninang worry na mukha ni Althea na palitan ng ngiti na abot tenga...
Bianca: Yung ngiti mo abot dito. Hahaha
Nakikita ko. Hahaha
Alam mo ba yan?Tawa pa rin ng tawa si Bianca..
Althea: Basag trip naman neto o. Sige na! Sige na! Sabihan ko na si Batchi na maghanda na.
Tumatawa at nanloloko pa rin si Bianca sa kabilang linya... Hahahaha
Binaba na nila ang call.....
Dali-dali naman pinuntahan si Batchi na ngayon ay nasa pool area..