Chapter 4 - Cute Baby

13.6K 277 2
                                    

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

CHAPTER FOUR

MICHA'S POV

Hmmm. Nakarating na ako sa bahay at tinignang mabuti yung baby na pangko pangko ko. Ang ganda niya talaga oh. TEKA?? Parang hawig ni ate Ana. Pero impossible naman yun, ayon kay ate Kathy, naibigay daw ni ate Ana yung custody nung baby sa ama niya.

PERO SURE ba talaga yung lalaking yun na ipapa ampon niya sa akin yung baby?? Paano kung kasuhan niya ako ng kidnapping??? OH no!!  Hindi naman siguro anoh??

"Ang cute mo naman baby, what is your name??" nagsasalita ako habang inaayos yung pampers niya, linagyan ko rin ng powder para fresh sa pakiramdam niya at tinabi sa kama ko.

Tama ba tong ginagawa ko?? Kaya ko kayang buhayin ang batang ito?? Paano kung hanapin siya ng mommy niya??? Ano ba naman tong napasok ko. OH my!!! Sinong magbabantay sa kanya??? Papasok ako sa school bukas. Ano ba yan!! Bahala na nga bukas.

KINABUKASAN

Uhaaa

Uhaaaa

Uhaaa

"Haa---ayyyyyy!!" nag inat ako. Kinusot ko yung mata ko. Tama ba itong nakikita ko??? Baby???

Ay oo nga pala, kahapon lang ako nagkababy. Dali-dali ko siyang nilapitan at pinalitan yung pampers niya. Nagtimpla rin ako ng gatas at pinadede siya. Tumingin ako sa orasan, 7 am na pala. Malalate ako nito eh. Maliligo pa ako tapos hindi pa ako nakakain.

Pumunta ako sa kusina at nagluto ng itlog, okay na ito. May natira pa namang rice kagabi. Habang pinapadede ko siya ay nagluluto ako ng itlog. Grabe, hirap palang mag ka anak. Di lalo na sa mga estudyante.? Hay! Ano ba kasing nakain ko at nagvolunteer pa akong ampunin itong cute na baby.

Kumain ako habang pinaghehele yung baby. Nahirapan talaga ako. Paano ako maliligo nito. Hayys!! Pero nakakawala ng stress tong baby na toh eh kaya okay lang.

Dahan-dahan kong inihiga yung baby pero bigla siyang umiyak. Binuhat ko ulit kaya medyo tumahan. Paano ako makaka ligo nito, 8 ang pasok ko eh.

Lumabas kami para tignan ang daddy niya. Nagdoorbell ako, mayamaya ay bumukas at pumasok na ako. Pagdating sa pintuan ay nakita ko si Jera na nagkakape sa sala. Tsk tsk nakalimutan yung anak pero hindi ang sarili.

Blanko lang ang expression niyang nakatingin sa akin.

"Ahmm would you mind??" tanong ko.

"WHAT??" taray naman ng lalaking ito.

"Maliligo kasi ako at walang magbabantay sa kanya.!" sabi ko.

"May pupuntahan ako kaya pwedeng iwan ko muna sayo. I'll pay you a hundred bucks.!"

Gusto ko sanang matuwa pero nakakainis lang siya, anong tingin niya sa akin. MUKHANG PERA!!?

"Sorry pero hindi ko pinapabayad ang serbisyo ko."

"Kung ayaw mo ipapamigay ko na lang siya sa iba.! Tutal hindi ko naman alam mag-alaga ng bata."

"Hindi ako nagpapabayad ng serbisyo pero tutulungan kita sa pag-aalaga ng baby na ito. Hindi ka ba nakokonsensya na basta mo na lang siya ipamigay sa kung sino. May damdamin din siya kahit baby siya." naiiyak na wika ko.

Naawa ako sa baby eh. Tinatakwil siya ng sarili niyang ama.

"Will you stop crying?. Para kang bata. Sige, ibaba mo na lang siya dito sa upuan at lumayas ka." utos niya.

"Hindi, pangkuin mo siya. Kaya ko siya dinala dito ay dahil umiiyak siya pag binaba ko siya. Natatakot siya na baka iwan ko siya.! Maliligo lang ako tas babalikan ko siya." sabi ko.

"Hay naku, daming arte ng baby na yan. Akin na!!" sabi nito at kinuha sa akin. Nagkadikit tuloy ang balat namin. Para akong nakuryente.

"May kuryente ka ba??" maang na tanong ko.

"Pinagsasabi moh??" kunot-noong tanong niya.

Hindi ako umimik, tinalikuran ko na lang siya at umuwi para makaligo.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Surrogate Child ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon