Chapter 5 - Neighbors?

13.1K 294 0
                                    

CHAPTER  FIVE

JERA'S POV

Nabigla ako ng tanungin ng babae yun. Actually, siya dapat ang tanungin ko dahil parang siya ang may kuryente eh. Tumingin ako sa baby na hawak ko. Hmp! Sarap naman ng tulog niya. Linoloko ba ako ng babaing yun.

Teka nga?? She seems familiar. Saan ko ba siya nameet.?? Ahhhhh!!

FLASHBACK

"Dude, my meeting daw lahat ng naninirahan dito sa subdivision." si Drake.

"Para saan naman yan.?"

"Election of Officers daw!!"

Nagdrive na ako patungo sa convention hall kung saan gaganapin yung meeting. Nang malapit na ako, natanaw ko ang isang babaeng naglalakad na naka dress. HMMM.!! Umiral na naman ang kalokohan ko. Okay lang naman siguro dahil ako lang makakakita sa kanyang itsura kung sakali.

Nagfull speed ako. I can clearly see her undies when her skirt flipped dahil sa hangin. Tiningnan ko sa side mirror na pinupulot niya yung mga tumilapon na hawak niyang papel. Tsk tsk. Sayang hindi siya naka T-back, full panties ang gamit eh. Naisip ko lang, may mga babae pa palang hindi nag gaganun??

Nagpark na ako at lumabas ako. Nakita kong kumaway si Drake kaya pinuntahan ko agad siya. Ilang minuto na at nagstart yung meeting.

"I'm sorry, I'm late!!" biglang may nagsalita sa likuran ng nag e-emcee. Namukhaan ko siya. Haha siya yung nabiktima ko kanina lang.

"So to start with, may I call on the Ms. Michaela Alvarez to give us an opening prayer."

Pumanhik ito at nagdasal. Hmm. OA. Kaya pala she's wearing a dress. No wonder!! Tumingin lang ako sa kanya hanggang sa natapos siya sa oration o kung ano man yan. So Michaela ang name. Lagi ko siyang nakikita ah pero ngayon ko lang tinitigan ng husto.

Tinitigan ko siya at baka namamalik mata lang ako. Ang amo ng itsura niya at napaka inosente. Bumaba ito sa stage at naghanap na pwedeng maupuan. Palangiti din ito dahil ang dali sa kanya na ngitian ang mga taong nakapaligid sa kanya.

End of Flashback.

So siya pala yun. Hmp. Neighbor ko pala pero hindi ko alam.

Ding dong

Sumilip ako at nakita ko siyang naka uniform, papasok ata ito sa school. Base sa suot nito, parang teacher lang ang dating.

Dinala ko yung baby sa kanya. Bahala na nga siya, talagang ayaw niyang ipamigay ko yung baby dahil kahit may trabaho siya, desidido siyang nasa kamay niya ang baby. Parang gusto ko tuloy makonsensiya. Pero may trabaho rin ako.

"Salamat, ako na lang bahala sa kanya.!" sabi nito at inayos yung bag niya.

Teka ? Wala kaya siyang sasakyan man lang.?

"Where's your car.?" tanong ko.

Ngumiti lang siya. "Do I look like I have one.?" balik-tanong niya.

"Ahm okay!! Just wait for me, I'll just drop you to that school." sabi ko at dali-daling kinuha yung susi ng kotse.

I don't know what's gotten into me to take responsibility. Maybe because she's kind enough to take care of that kiddo.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Surrogate Child ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon