Chapter 6 - Force Leave????

14.2K 285 0
                                    

MICHA'S POV

(--.) (.--) (-.-) (^__^) (+_+) (^__-)

Halo-halong expression sa mukha ng co-teachers ko ang sumalubong pagkatapak ko pa lang sa ground.

"What time are you going home??" tanong ni Jera ng makababa ako.

"ah--ahm 4:30 or 5:00 pm. Depende!" medyo nauutal kong sagot.

"Okay, I'll fetch you.!" sabi nito at pumasok sa kotse.

"Hoy bakla!! Ang wafu ng kyoman!! Bet ko siyang maging papa??" si Shane, bading siya. Mas maarte pa sa akin.

"Kaninong baby yan???" Carla.

"Huwag mong sabihing may asawa ka???" si Anabel.

"JERA?? Pa--paano kayo nagkakilala ni Jera??" si Cath.

"naka jackpot ka day!!! Hang wafu naman niyang huli mo!!" Si Shane ulit.

Sunud-sunod nilang bulalas. Inaasahan ko na ito anoh. Kaya lang nahihiya ako sa principal, anong sasabihin ko sa kanya??

"Ahm since nursery ang pinagtatrabahuan natin, dinala ko na dito ang anak ng neighbor ko."

"Neighbor??? Hoy babae, huwag ka ngang magdeny jan, may neighbor bang willing mag alaga sa anak ng iba??" si Carla.

"Naku, hindi mo ba nakita?? Kung ganon ka wafu ang lalaki, naku kahit alipin niya ako!!" sagot ni Shane na hindi pa maka get over sa kilig.

"Hoy! Huwag nga kayo. Ganito kasi ang nangyari------" a dinatalye ko na ang nangyari.

"ANO!!! Nagawa niya yun???"

"Hindi ako makapaniwala na na walang awa pala ang Jera na yun sa baby!!! Naku kung ako ang nabuntisan nun, lagot siya dahil papakulong ko siya??"

"Anong kaso??? For making you preggy??" si Shane

Ang daming lumabas sa bibig nila kaya iniwan ko sila para icheck ang pampers ni baby hmm ano kayang ipapangalan ko.? Napansin ko rin na parang galit si Cath.. O guni guni ko lang. Ano naman ang dahilan niya kung sakali?

Teka pag iisipan ko muna ng bonggang bongga,.

Mag tuturo nga pala ako, saan ko kaya patutulugin ang baby na ito. Dinala ko muna sa nursery para bantayan ni Eleneor. Mga babies kasi ang nakatoka sa kanya, mga two to three years old na mga bata. Pagkatapos ng klase ko sa umaga ay pinuntahan ko si baby para makapagdede na siya.

"Mich!!"

"Yes ma'am??"

"I just wanna remind you that you are employed in an international Christian school and one law is to guard our reputation. I knew that she is not your daughter. I also knew that you are a Christian and you're not into premarital sex, but the problem are people around us who don't know the real you. Hindi nila maiwasang mag-isip ng negatibo laban sa yo. So sana gawan mo ng paraan. Hindi rin habang buhay na magbababy sit ka habang nagtuturo. I'll give you time to settle everything about that baby."

"Ha ano pong ibig niyong sabihin?? Magli leave po ba ako ma'am??"

"Nakarating agad-agad sa mga supervisors ang information tungkol sa inyo ng baby and I have no power to reject their order dahil mas mataas pa rin sila sa akin. I'm sorry Micha, ginawan ko na ng paraan pero ayaw nilang makinig dahil yun nga yung sabi ko kanina. Alam kong malinis ang intensiyon mo pero ayaw talaga nilang makinig eh."

"Ano ka ba ma'am. Okay lang ako. So are they terminating me or is their any deal about it??"

"Force leave for a week hanggang makapag desisyon ka. Hindi ko nga alam kung paano nakarating sa taas yung issue na to eh wala pa namang half day. Ang bilis talagang kumalat pag ganito."

"Huwag na nga nating isipin yun. As long as malinis ang konsensiya ko, wala akong ikakahiya." matapat kong sabi.

"Pwede mong tapusin ang trabaho o sa araw na ito. Tingin ko tahimik naman yung baby kaya pwede mo siyang dalhin kay Eleneor sa nursery."

Dinala ko si baby sa nursery bago pumunta sa clase ko. Ayokong problemahin ang mga ganyang bagay. Alam kong masosolusyonan ito. Pagpasok ko sa room ko ay tumambad sa akin ang mga nagkyu-cutang tsikiting na nakangiti.

"Good afternoon teacher Micha!!!" nagchorus sila sa pagbati.

"Good Afternoon too!!!" bati ko rin sa kanila at sinimulang magturo.

"Did you bring your crayons kids??" tanong ko. Arts kasi nila kaya magkukulay sila.

"Yes Teacher."

Isa-isa ko silang binigyan ng coloring book. Sumunod na subject nila ay English at Filipino. Ang mga batang tinuturuan ko ay age 4 to 5 at ang tatalino nila. Five O'clock na ng umuwi ako. Buti na lang behave si baby.

"SO paano ka na sis, maglalakad ka pa rin ba gayung may baby kang kasama??"

"Of course Carla. Ano namang masama dun??"

"Hay naku, ewan ko sayo. Ang tipid mo talaga."

"Eh anong silbi ng paa ko kung hindi ko rin lang gagamitin.."

"Sabagay,  pero hindi ka ba napapagod??"

"Syempre napapagod pero kailangan kong mag-ipon, alam mo naman yung pangangailangan ko di ba?" naluluha kong sabi.

"Oo nga pala. Sis, sorry. Kailan mo siya ulit dadalawin?"

"Hindi ko nga alam. Baka will din ni God na nangyari ang mga ito para makadalaw naman ako kay mama pero problema ko na naman tong baby."

"Sis kasi, hindi ka nag-iisip eh. Bakit mo inako ang responsibilidad na para sana sa lalaking yun. Ayan tuloy, ikaw ang namomoroblema sa baby niya." sisi niya.

"Sis kasi, hindi mo naiintindihan. Naawa ako sa baby niya. Mamatay na siya sa kaiiyak pero yung daddy niya, hindi siya pinapansin. Kaya sinong hindi maaawa dun.? Tsaka wala naman akong pinagsisisihan dahil tingnan moh siya, ang cute niya at smiling face pa. Nakakawala ng stress."

"Sabagay tama ka rin. Kaya lang gago talaga ang daddy niya. Pero paano kaya kung siya ang soulmate mo??"

HA? Parang kinilabutan ako sa sinabi ni Carla.

"Ano ka ba sis? Kung ano ano ang lumalabas jan sa bibig mo."

"Malay mo, malay natin. Baka lang naman sabi ko. Tsaka ayaw mo nun, mayaman, gwapo, matangkad. Diba yun yung ideal man mo??"

"Hoy, oo pero wala yung faithful, stick to one, walang bisyo at Christian. Yun pa naman yung pinaka importante dun."

"Hmmm. Baka magbago siya, di ba? May ganun naman di ba??"

"Oo pero hindi lahat. Sa pag uugali nun, parang impossible na magbago pa yun. Naku sis, tama na nga yan, nagtsismis na tayo.."

"Ay hehe sorry.. Siya akoy uuwi na. Bahala ka na jan ha. Take care. Bye bay. Mwah!" hinalikan niya muna si baby bago umalis."

Ang alam ko, susunduin kami ni neighbor pero hanggang ngayon, bakit wala pa yun??

Surrogate Child ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon