Chapter 19 - Courtship??

12.8K 263 0
                                    

I dedicate this chapter to my ever consistent reader na talaga namang inabangan ang aking update..Jerilyn..this is for you..enjoy

MICHA'S POV

Ilang buwan na ang lumipas ng umalis si Jera sa bahay ko. At hindi ko na siya kailan man nakikita pero lagi siyang nagpapadala ng mga bulaklak at tsokolate sa akin. Hindi ko alam kung nang aasar ba siya o talagang inlove siya sa akin pero bakit ayaw niyang magpakita sa akin. Aaminin kong nasaktan ako sa ginawa niya, dahil gusto kong i save ang first kiss ko sa wedding day ko pero nasira nga yun ng pagsamantalaan niya ako ng dalawang beses. Una nung nalasing siya, pangalawa, nung nakainom naman siya. Hindi ko alam kung napatawad ko na siya o hindi pero namimiss ko siya. Hay, bakit ba ganito ang tao. Nasaktan ka na nga nung tao pero nagawa mo pa siyang mamiss. Ang saklap.

Bumibisita rin yung parents niya kung hindi sila busy. Kaninang umaga, may dumating na box na puro gamit ng baby, natutuwa ako na pati si baby, hindi niya ito kinalimutang bigyan ng gift. Bumalik na rin ako sa trabaho ko dahil napatunayan nilang hindi ko anak si Jeraicha pero sa puso ko, tunay na anak ang turing ko sa kanya. May nahanap rin akong mag babantay sa anak ko habang nasa trabaho ako. Distant relative namin na tapos sa pag-aaral kaya lang ay hindi makapagtrabaho dahil sa sobrang dami ng bilang ng nurse sa bansa natin kaya naisipan na lang daw niyang mag-alaga ng bata.

"Ate, may dineliver na naman silang bulaklak at stuff toy para sayo. Nakakainggit naman yung manliligaw mo. Ang ganda pa ng name niya, Jera." salubong ni Hailey pagdating ko sa bahay.

"Anong klaseng bulaklak ba yan?" tanong ko habang hinuhubad yung coat ko.

"Ewan ko ate pero indoor plant naman ito. Hindi na tulip at rose. Mapupuno ang backyard natin dahil dito." sabi nito.

Sinulyapan ko yung bulaklak na sinasabi ni Hailey, hindi ko alam ang pangalan pero ang cute nitong ilagay sa center table. Tama kayo, tanim ang pinapadala niya para pagbalik daw niya ay madaming flowers ang nakatanim sa paligid ng bahay ko.

"Akin na si baby at ikaw na ang magluluto, pagod ako na tumayong magdamag."  sabi ko at binuhat si baby.

"Anak, kelan kaya natin makikita ang daddy mo? Miss ko na siya." mahinang kausap ko kay baby. Ngumiti lang ito at nagsound na parang umaayon sa sinasabi ko. Five months na pala siya. Ang bilis ng panahon.

JERA'S POV

You might be wondering where in the world am I. Well, nasa Australia ako, working in a modelling industry as photographer and model. I model for fast cars and motorcycles. After what happened between me and Micha, pumunta ako sa studio ko at tumira dun ng isang buwan. Nagpatulong ako kay pareng Dave kung pano manligaw then I started courting Michaela pero hindi ako nagpapakita sa kanya. Alam kong wala pa akong mukha pero gusto kong magparamdam, baka kasi may manligaw na iba sa kanya. Ako pa naman ang first kiss niya. How I treasure our last kiss. Nakakamiss talaga silang dalawa, pati yung iyak ni baby at yung  luto niya, pati na yung pagsita niya sa akin pag late akong gumising. Anyway back to the story.

Nag apply ako online sa isang modelling agency din kaya lang hindi ako nagtagal dahil sa temper ko. Pinatawag ako ni daddy at nakipag usap na bigyan nila ako ng chance na ayusin ang buhay ko. Tinulungan ako ni mommy ng sabihin kong pupunta ako sa Australia kina lolo. Then the rest is history. I applied for a job at pinagbutihan ko talaga, gusto kong bilhin kay dad yung bahay na binigay nila sa akin noon dahil mahalaga sa akin yun. Kaya naki usap akong huwag niyang ibenta sa iba. Nakinig naman siya kaya lang kinukulit pa rin nila akong pakasalan daw si Micha kaya sinabi ko sa kanila yung nangyari, yung ginawa ko and my mom was furious. Pinagalitan niya ako pero natuwa siya ng sinabi kong liligawan ko si Micha and I want to take things slow. Hindi yung gusto nila na instant marriage, I told them that I want to experience courtship before marriage.

Surrogate Child ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon