MICHA'S POV
Kinabukasan, hindi na ako pumasok dahil on leave na nga ako kaya sa bahay na lang ako kasama si baby. Teka, paano ko pala ipaparegister si baby, may penalty pa naman kapag late ang registration tapos madami pa silang tatanungin, paano kung malaman nilang wala akong asawa, di wala na, hindi ko na maampon si baby.
Uhaaaa
Uhaaaa
"Oh come here baby, mommy is here." tiningnan ko muna yung lampin niya bago binuhat at pumunta sa sala.
Paglabas na paglabas ko ay sumalubong sa akin yung sunog na hotdog. Oh my gosh. Nagliliyab yung frying pan kaya hindi ko mapigilang sumigaw.
SUNOGGGGGGGGGGGGGGGGGGGG
SUNNNNNNNOOOOGGG
Pinatulog ko muna yung baby sa crib niya bago tinakbo yung frying pan.
BAAAAAAMMM
Napatingin ako sa pintuan at nakita ko si Jera na hinihingal.
"Saan yung sunog, tsk tsk. Napaka panicky talaga ng mga babae." bulong nito.
"Thank you ha, akala ko pa naman, genuine yang pagtulong mo sana, hindi pala."
"Yeah! Kung may sunog, ulam mo naman pala yung sunog pero kung makasigaw ka, OA!!"
Uhhhhhaaaaaaaaaa!
"Ahm Jera, pwedeng paki tingnan muna si baby dahil aayusin ko pa itong nasunog na pan eh."
"Anong ako? Kaya nga pina babysit ko muna sayo dahil naiingayan ako sa kanya. Tsaka, kaya mo yan, amasona ka naman eh."
"Hoy? Hindi ako super woman ha. Ikaw na nga tong tinutulungan eh."
"Did I ask for your help? I didn't, right?? So stop complaining!" inis na sumbat niya. Okay fine.
"Oo na! Sige, umalis ka na. PSSHH, wala ka talagang paki sa anak mo noh?" pagtataray ko at binuhat yung baby. Wala kasi akong pambili ng gatas eh.
"Yan, bagay sa yo eh, mukha ka kasing nanay, bye losyang next time na lang, late na kasi ako.!" nakakalokang sagot niya at lumabas. Wala pang isang minuto ay narinig kong pinaharurot niya yung sasakyan niya. WOW, just WOW! Wala talagang konsensiya. HISSSHH!!
Pagkatapos ng lahat ay pinaregister ko na si baby. Ako na lang ang bahala. Madami silang tinanong, buti na lang alam ko yung exacy birthday ni baby dahil tinawagan ko yung DSWD. Honest po ako kay sinabi ko syempre yung totoo.
"Full Name niyo po ma'am?"
"Michaela San Pedro Alvarez po."
"Ano pong pangalan ng daddy ng baby niyo?"
"Jesse Rainier Hamilton po." nakangiting sagot ko. Buti na lang at alam ko yung full name ni Jera. Tinanong talaga nila.
"And lastly, the baby's name.?" nakangiting tanong niya.
"Ahm. Jeraicha. Yup J-e-r-a-i-c-h-a."
"Okay, thank you for registering your baby, ipapadala na lang po namin kapag naprocess na ang lahat, dadaan pa kasi ito sa NSO. Thank you ulit."
"Thanks din and Welcome."
ANong gulo ang pwedeng maidulot ng ginawa ni Micha?
BINABASA MO ANG
Surrogate Child ( Completed )
HumorWho would expect that one single move can change a happy-go-lucky young man's life??? Ang akala niyang katuwaan ay siya pala ang magdudulot ng isang malaking disaster sa kanyang buhay??? Ang hindi niya inaasahang pangyayari ay ang pagkakaroon ng ana...